“Sa sabado na ang iyong alis, Hermina?”Tumango ako at tinusok ang suman na nasa harap ko. It’s breakfast at nasanay na rin akong kumain ng mga ganito. Masarap naman pala sila. Lalo na kapag authentic ang pagkakagawa.Lumipas ang tatlong araw simula noong sa plaza. Sa sabado ay nagpadala ng liham ang superiora at kailangan ko na raw bumalik sa simbahan. Pwede bang magresign na? I really can’t do this. Hindi naman ako matutulungan ng pagiging madre ko para makaalis dito. Si Crisanto ang kailangan ko para makabalik na ako sa sariling buhay ko.Tumingin ako sa mga magulang ko sa harapan. Ang Don ay nagbabasa ng dyaryo habang ang Donya ay patingin-tingin sa akin habang umiinom ng tsaa.“Aalis na ako sa pag-mamadre, mama.”Pareho silang napatigil. Tinarayan agad ako ng Donya.“At sa tingin mo ay papayag ako?” kalmado nitong sabi.“Buo na ang pasya ko, mama.”“Wala kang magagawa, Hermina. Ako ang magdedesisyon para sa’yo.”“Adela..” pigil ng aking ama.My lips form into a thin line. “I don’
“Saan ba talaga ang tungo natin, senyorita?”Huminga ako ng malalim at mas lalong tumitig sa malaking salamin sa aking harapan habang hinihigpitan ni Lagring ang mga tali sa likod ng aking damit.“May kilala ka bang Sanding?”Kita kong napatigil ito at kumunot ang noo. “Sanding, senyorita?”“Oo. Hindi ko alam ang apelyido niya eh. Pero pinsan siya ni Crisanto.”Napatingin ito sa akin. “Magkaibigan ba kayo ni Crisanto, senyorita?”“Bakit?”Nakibit-balikat ito at muling bumalik sa ginagawa. “Kasi nag-uusap kayo noong nanuod tayo sa kanilang pagtatanghal at ngayon ay kilala mo ang kanyang pinsan.”“May itatanong lang ako.”“Ano iyon, senyorita?”Tumaas ang gilid ng aking labi sa kanyang ka-chismosahan. “Marites ka din pala.”“Lagring ang aking ngalan, senyorita?” patanong pa nitong sagot.Umiling nalang ako at humarap sa kanya. “Ano? Kilala mo ba siya at kung saan siya nakatira?”“Hindi, senyorita.” titig nito sa akin. “Ngunit pupwede tayong pumunta kay Crisanto upang itanong sa kanya.”
“Paano mo siya nakilala?”“Kaibigan ko. Nakalimutan ko nalang ang bahay niya noong umalis ako rito.”Kumamot ito sa ulo. “Magkaibigan pala kayo.”Ngumiti si Trinidad sa akin. “Wala atang naikukwento si Sanding sa atin,” siko nito kay Crisanto.Anong sinisiko-siko mo dyan! Nakikisabat di naman kasali. Naku! Vinta, napaka-bitchesa mo. Wala namang ginagawang masama ‘yung tao!“Sasamahan ko na kayo.”“Kasama ko na si Lagring. Kaya sabihin mo nalang sa amin ang lugar.”Napatitig silang tatlo sa akin and I realized na medyo harsh ‘yung tono ko. I cleared my throat and smiled shyly.“I mean, ayoko ng makaabala sa ginagawa niyo.”Tuluyang ibinaba ni Crisanto ang hawak na panungkit.“Tapos na rin kami. Ihahatid ko nalang muna si Trinidad sa kanilang tahanan pagkatapos ay tutulak na tayo.”“H-hindi ba ako p-pwedeng sumama?” mahinang sabi ni Trinidad.“Naging mahaba na ang ating araw. Magpahinga ka na lamang muna. Sandali lang siguro kami roon.”“Pwede naman kasing kami nalang ni Lagring.”I can
I was absentmindedly serving soup for the kids when Clara bumped my shoulder.“Ano at natulala ka diyan, Hermina. Naghihintay ang paslit sa iyong salok.” nangingiti nitong nguso sa batang nag-aabang sa soup na ilalagay ko sa kanyang bowl.“Paumanhin, bata.” ngiti ko“Salamat po, madre.” ngiti rin nito pabalik.Huminga ako ng malalim at sinalukan din ang sumunod na bata. Nandito kami sa panibagong bahay-ampunan na aming sinisilbihan.Mas malawak at mas marami ang mga batang tinutulungan namin kaysa sa bahay-ampunan noon nila Crisanto.Crisanto.I sighed again. Noong araw na iyon na nag-breakdown ako sa kanya, hindi na ako nagsalita after kong pilit tanggapin na wala talagang sulat. Nag-sorry pa ako sa kanya pagkatapos ay niyaya ko na si Lagring na umuwi dahil mag-gagabi na rin at hindi kami pwedeng abutin ng dilim sa daan sabi ng Donya.Pero masamang-masama ang loob ko. Umiyak ako buong gabi. Kinukwestyon kung anong ginagawa ko rito at bakit grabeng paglalaro ang ginagawa sa akin. Wala
*Bang!*"Mauna ka na, susunod ako sa iyo. Bilisan mo ang iyong takbo!"Hingal na hingal na bulyaw sa akin ni Crisanto sa aking likuran. Ang kapaguran ay nananalaytay na sa aming katawan ngunit hindi kami maaaring tumigil.Ang putik na nilikha nang walang tigil na ulan ay nagmamantsa na sa aking puting saya. Lalong nagiging mahirap ang aming pagtakas sa dulas ng lupa. Nais ko na lamang sanang tumigil at sumuko ngunit alam kong sa huli ay papatayin rin nila ang aking minamahal. Si Crisanto.Tanging pagtakbo ng matulin lang ang kaya namaing gawin upang makaligtas sa mga manunugis.Dalawang gwardiya sibil ang humahabol sa amin. Sa kanilang mga kamay ay ang mahabang baril na kanina pa nilang ipinapaputok sa kalangitan upang tumigil kami."Detener!" sigaw ng isang guardia. Pinatitigil kami.Patuloy kaming tumakbo sa kahabaan ng napasok naming masukal na kagubatan. Hinila ko pa pataas ang aking saya kahit sumusugat ang mga tinik ng halaman at mga maliliit na sangang nalaglag sa lupa.Isang p
Tinitigan ko ng masama ang PA na nagpapaypay sa akin. Inirapan ko siya."Ano 'yan buong shoot walang aircon?!" irita kong parinig sa mga tao doon.Nakita kong nagtinginan sila sa banda namin at nagbulungan. Muli akong umirap."Saglit nalang daw po, Ms. Vinta. Maaayos na daw po.""Aayusin kung kailan andidito na ko. Palibhasa baguhan 'yang EP niyo!"Tumayo ako at inis na lumakad papunta sa kotse ko."Damn it!" usal ko sabay sindi sa sigarilyong hawak. "Ano bang klaseng producer 'to! Ayaw alagaan 'yung big star niya!"Binuga ko ang usok sabay hithit ulit at buga ulit. Nakaka-init ng ulo! Ang sukal sukal na nga nitong pinag shoo-shootingan namin tapos hindi agad gagawin ang ac sa tent ko! The great Vinta Serrano was being mistreated in her own tv series!Nag-scroll ako sa cellphone para i-dial ang numero ni Romer, ang wardrobe/stylist ko. Na-stuck pa sila ng team ko sa EDSA kaya itong mga baguhan pa yata ang kasama ko ngayon!Ilang dial ay sinagot na niya ako."Where the fuck are you?!"
Mabilis ko itong sinugod. Nakatingin lang ito sa akin kaya hindi na siya makakawala pa.Habang papalapit ako sa kanya ay bumagal ang lahat. Wala akong marinig sa paligid. Parang kaming dalawa lang ang tao."Sino ka? Anong ginawa mo sakin?"Huminga ito ng malalim at umikot ng isang beses. Kumabog ang dibdib ko nang magpalit siya ng costume. Ang puting saya niya na puro dugo ay napalitan ng suot na katulad sa akin. Kinilabutan din ako nang makita siya sa malapitan.Magkamukha kami!Mas kayumanggi nga lang ang kulay niya at may maliit na nunal siya sa ilalim ng kanyang mata."Ako ay ikaw. Ikaw ay ako. Ang ating tadhana ay nagsimula nang ikaw ay iniluwal. Ikaw ang itinakdang magpatuloy sa aking naiwang pangako.""What? Besides bakit ka mangangako kung hindi mo naman pala kayang tuparin! Naghanap ka pa talaga ng madadamay!""Wala na akong oras. Ang buhay mo ay nakadepende sa buhay ko. Itama mo ang lahat ng pagkakamali. Palisin ang lahat ng pighati."Hey, miss. I'm not here to joke around.
He was indeed a beautiful man. Gustong-gusto ko ang kulay nito. He can surpass any male models I know.Kaya di ko masisi si mother Hermina kung liliko siya sa kanyang paniniwala.Ibig sabihin ay tapos na ako dito? Very basic, huh."Ikaw si Crisanto?"Tumango ito, namamangha. "Kilala po ninyo ako?""Oo." mayabang kong sabi. Tumango-tango lang ito. "sige po. Ako po ay lilisan na. May inu-uutos po pa sa akin."Huh? Di ba niya ako yayayain mag-date? Ang sabi ni Hermina ay kailangan naming maipagpatuloy ang lovestory nila. So, dapat yayayain niya ako diba."Hindi ba tayo magde-date?"Tinignan ako nito ng hindi makapaniwala. "Madre?""May gusto ka sakin diba?" ngumisi ako. "Ayain mo na ako mag-date." Nag-sign of the cross ito at nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Lumapit siya nang kaunti sakin ngunit sapat pa rin ang distansya. Tumingin ito sa labas, sa mga batang naglalaro. "Baka ho may makarinig sa inyo at seryosohin ang inyong itinuturan." Lumapit ako sa kanya para sana bumulon