THIRD PERSON'S POV“G-Green . . . ” tawag sa pangalan niya ni Scarlet at saka dali-daling naglakad upang habulin siya.Nauna nang umalis si Celeste dahil pahiyang-pahiya siya kanina. Hindi niya lubos akalain na makakayang gawin iyon ni Scarlet sa kaniya, ngunit naisip din niya walang-wala iyon sa nagawa niyang pagtataksil. Kaya hindi niya masisisi si Scarlet, at saka karapat-dapat siya sa mga nasabi nito sa kaniya. Gayunpaman ay kailangan niyang mapag-isa, at i-proseso lahat ng iyon hanggang sa hindi na siya makaramdam ng sakit.Habang sina Yazenth, Virgo, at Mnemosyne ay magkakasamang tumungo sa isang lugar upang gawin ang nararapat nilang isagawa upang masiguro ang kaligtasan ng lahat dahil hindi imposibleng sumugod ang kanilang mga kalaban ngayon sa akademya. Kahit pa man dehado na sila dahil sa pagkawala ng limang Infinity Gems ay kailangan pa rin nilang lumaban. Hindi rason ang pagkawala ng mga iyon upang sumuko na sila. Hangga’t humihinga pa sila ay lalaban sila hanggang kamatay
THIRD PERSON’S POV“A-ano ang ginagawa mo rito sa Genesis Forest?” nag-aalalang tanong ni Leaves matapos silang maghiwalay mula sa pagkakayakap sa isa't isa.Walang ibang nakikita si Leaves kun’di madilim na paligid. Hindi niya rin maramdaman ang presensya ng kapatid dahil alam niyang gumamit siya ng kapangyarihan upang itago ito.“B-because I want to find you. L-Leaves, we needed you, at nagbabakasakali ako na mahanap kita kaya narito ako ngayon. Kasi the last time I went here, hindi kita nakita. Ngunit nasabi ni Celeste sa akin na may mahalaga kang pinuntahan, I mean, iyong gumamit ng katawan mo,” she explained while wiping her tears.Leaves suddenly clenched her fist upon hearing the name of the treacherous Goddess of Dreams — Celeste. “That b*tch! Isa siyang taksil! Hindi ninyo dapat iyon pinagkakatiwalaan. Isa siyang espiya!” mararamdaman ang galit sa tinig ni Leaves nang sinabi niya iyon. “Dapat siyang parusahan. Kailangan itong malaman nang lahat bago pa man may mangyaring mas
THIRD PERSON'S POVAbala sa pagpupulong bulwagan sina Queen Affinity, God Astrid, Headmaster Rain, at Goddess Heldy nang bigla siyang makaramdam ng kakaiba sa hangin.May mahalaga kasi silang pinag-uusapan, tungkol pa rin ito sa nawalang mga Infinity Gem at ang digmaang paparating, at bilang sila na lang ang natitirang mga Gods at Goddesses na may mataas na katungkulan, bukod kay Alpha Goddess Hely, tungkulin nilang pangalagaan ang lahat, at mauna sa kung anuman ang mangyari o mangyayari sa buong Therra Universe.Napatayo si Queen Affinity at pinakiramdaman ang gustong ipahiwatig ng hangin sa kaniya. Ipinagtaka naman ng mga kasamahan niya sa bulwagan ang kaniyang ginawa. Lahat sila ay nagkatinginan dahil sa kuryusidad.“G-Green?” she said and almost breathless upon saying it.“What is with Green?” Headmaster Rain asked in confusion.Queen Affinity just continued unminding the wind. Her mind said that she wasn’t mistaken, it was Green who made it. Green wanted to say something to her,
THIRD PERSON'S POVDinala ng kaniyang mga paa si Yazenth sa isang parte ng akademya na ngayon lamang niya nakita o napuntahan. Sa tagal niya rito sa akademya, ay hindi pa siya nakakarating dito — isang tower na nalipasan na ng panahon dahil balot na ang halos kabuuan nito ng mga halaman at fungi.Nagtataka siyang umakyat doon. Sa itsura nito ay masasabi niyang hindi na ito pinupuntahan o ginagamit pa. Marami na itong sira kaya pinabayaan na lang, ngunit hindi niya napigilang mapansin ang mga damo na mukhang kaaapakan lamang ng kung sinumang kagagaling dito — si Green. Ito rin ang sirang tower na pinuntahan ni Green kanina, kung saan nakahanap siya ng isang daan palabas ng akademya. Ngunit dahil sa kapangyarihang ginamit ni Green kanina ay malabong makita o mapansin niya rin ang sikretong daanan na iyon. Sinigurado ni Green na walang makakaalam nito bukod sa kaniya upang may magamit ito kung sakaling gusto ulit nitong umalis ng akademya. Nakasisiguro kasi ito na kapag nalaman ito ng ib
THIRD PERSON’S POV“Ikinagagalak kong makilala ang isa pang anak ni Queen Affinity — ang babaeng sinasabi ng propesiya, ang babaeng lumaki sa mundo ng mga mortal,” nakangising saad ng nilalang na iyon.Magkasalubong naman ang mga kilay ni Green na tinitigan lamang ang lalaking iyon. Nagtataka siya kung paano siya nakilala nito. Ngayon lamang niya nakita ito nakita, at hindi niya maikakaila na malakas o makapangyarihan ito.“S-sino ka? Paano at bakit mo ako nakilala?” nagtataka niyang tanong.Sarkastikong tumawa ang lalaki. “Nakapagtatakang hindi ako ipinakilala sa iyo ng nagmamagaling na reyna ng Emerald,” he said, still laughing sarcastically.Green arched her right brow of what she heard. “How dare you insult my mother — the Queen!” she blurted out, which made him burst into laughter.“A-ano ang mayro’n sa dugo ninyo’t bakit sobrang daling mag-init ang inyong mga ulo?” he asked. He wasn't bothered at all.Hindi umimik si Green bagkus ay naikuyom niya ang kaniyang mga kamao sa inis.
THIRD PERSON’S POVSa kaniyang kaniyang paglapit sa mismong kuta ng mga kalaban ay parami nang parami ang nadadaanan niyang mga Demon. Palakas din nang palakas ang kapangyarihan na nararamdaman niya, at nakakasiguro siya na kay Alpha God Tartarus iyon nanggagaling. Kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Ngunit napatigil din siya ng ilang saglit nang biglang may dumaloy sa kaniyang isipan.Ginamit niya ang kaniyang espadang balot sa holyfire sa mga Demon. Naisip niyang magandang pagkakataon ito upang ubusin o kahit mabawasan man lang ang kanilang puwersa.Hinampas lamang niya ang kaniyang espada sa mga ito, at sinaksak naman ang iba sa kani-kanilang tiyan. Sinigurado niyang patay na sila, ngunit sa rami nila ay maaaring abutin siya ng sikat ng araw. Kaya nang marami na siyang napatay ay nagpatuloy na siya sa paglapit sa kung saan nanggagaling ang malakas na puwersa at kapangyarihan na kaniyang nararamdaman. Hanggang sa makapasok siya sa isang parang silid na gawa lamang sa mga kahoy
THIRD PERSON’S POVAlpha God Tartarus stood up. He fixed his cloak and the grin on his lips was visible as he started to approach Green. Green just remained where she was standing, and didn't dare to move back to avoid him. But her heart raced back and forth even more, and the shiver automatically spread in his chest when he walked closer to her, until they were only a few inches away from each other already. She was taken aback. She seemed to be out of breath because she could really feel how intimidating his presence was. It was suffocating to the point that she wanted to run away from him, pero imposible na niya itong magawa dahil sa lapit nito sa kaniya.“Seems like you can’t hide how scared you are already,” he stated, grinning in satisfaction.Green bit her bottom lip as she clenched her fist, trying to stop the shiver on her hands, even on her knees. Until Alpha God Tartarus blew something on her, it was a dark smoke that immediately entered her nose. And in just a moment, she
THIRD PERSON'S POVNagising si Green nang may maramdaman siyang kakaiba sa kaniyang katawan. Nakararamdam siya nang panghihina ng kaniyang katawan. Tila ba parang may humihigop sa kaniyang enerhiya palabas ng kaniyang katawan. Hanggang sa ma-realize niya na nasa loob siya ng isang parang shield habang nakahiga. Sinubukan niyang itulak kung anuman ang bumabalot sa kaniya ngunit hindi niya ito magawa. Wala na siyang lakas pa upang gawin iyon dahil tila ba namamanhid ang kaniyang katawan. Wala halos siyang maramdaman. Sinubukan niyang magpalabas ng enerhiya mula sa kaniyang mga palad ngunit hindi rin niya ito magawang gawin. Kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba at takot. Iginala niya ang paningin sa paligid. Hindi pamilyar sa kaniya ang lugar. Nag-iisa lamang siya, wala siyang makitang kahit na ano sa paligid, kahit mga puno man. Parang nasa isa siyang patay na kalupaan — ang Demiana, ang mundo kung saan napupunta ang mga namatay na nilalang na hindi makapasok o tinanggap sa He