Share

Chapter 106: The Offer

THIRD PERSON’S POV

Sa kaniyang kaniyang paglapit sa mismong kuta ng mga kalaban ay parami nang parami ang nadadaanan niyang mga Demon. Palakas din nang palakas ang kapangyarihan na nararamdaman niya, at nakakasiguro siya na kay Alpha God Tartarus iyon nanggagaling. Kaya mas binilisan pa niya ang pagtakbo. Ngunit napatigil din siya ng ilang saglit nang biglang may dumaloy sa kaniyang isipan.

Ginamit niya ang kaniyang espadang balot sa holyfire sa mga Demon. Naisip niyang magandang pagkakataon ito upang ubusin o kahit mabawasan man lang ang kanilang puwersa.

Hinampas lamang niya ang kaniyang espada sa mga ito, at sinaksak naman ang iba sa kani-kanilang tiyan. Sinigurado niyang patay na sila, ngunit sa rami nila ay maaaring abutin siya ng sikat ng araw. Kaya nang marami na siyang napatay ay nagpatuloy na siya sa paglapit sa kung saan nanggagaling ang malakas na puwersa at kapangyarihan na kaniyang nararamdaman. Hanggang sa makapasok siya sa isang parang silid na gawa lamang sa mga kahoy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status