Share

Chapter 58: Her Parents’ Decisions

CHAPTER 58: HER PARENTS' DECISIONS 

O'BRIEN EXEQUIEL

Halatang gulat na gulat ang lahat ng narito sa bulwagan dahil sa mga rebelasyong nalaman. Napayuko pa silang lahat upang magbigay ng galang sa akin. Mapapansin ang kakaibang saya na kanilang nararamdaman, ngunit hindi rin mawawala ang nararamdaman nilang takot dahil siguradong hindi lingid sa kaalaman nila kung ano ang magiging kapalit ng aking pagbabalik — ang digmaang walang kapantay. Pero mangyayari lamang ang lahat ng iyon kapag matagumpay akong napatay ng mga Tartarusian. Sa ngayon ay ako pa lang ang habol nila para matagumpay nilang maibalik si Tartarus.

"Matagal na panahon kong hinintay ang pagkakaton na ito, aking anak, pero nakalulungkot na kailangan muna nating maghiwalay nang panandalian para sa iyong kaligtasan. Natitiyak akong naghahanda ang Tartarusian para sa kanilang paglusob ngayon dito sa palasyo. Kaya mas makabubuti kung bumalik na kayo sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status