Share

Chapter 66: Preparing For The Worst

THIRD PERSON POV

Ilang linggo na ang nakalilipas matapos ang digmaang naganap sa Emerald. Marami ang namatay at nasugatan sa panig nina Queen Affinity, gayundin sa panig ng kalaban. Malaking halaga ang pagdating ni Green sa digmaan kasama sina Yazenth, Scarlet, Catterfield, at Felize na galing pa sa Neverland — ang mundo ng mga mortal para sa isang mahalagang bagay.

Ngunit sa digmaan, hindi talaga maiiwasan na may mamatay at masugatan. Ito ay laban ng mga buhay, at kung sino ang makapangyarihan, matalino at magaling sa pakikipaglaban, sila ang matitirang buhay.

Masasabi nilang nagwagi sila sa digmaan na iyon kahit pa man marami sa panig nila ang nawala, at sa puwersa nilang iyon, nakikita nila na may pag-asa silang magtagumpay pa sa susunod na mga digmaan lalo pa't iilan pa lamang silang malalakas na lumaban. Wala pa sa kalahati ng kanilang puwersa ang nakipaglaban. Kaya tunay nga itong kanilang pinaghandaan nang sobra.

Gayunpaman, hindi pa rin nila maiwasang mangamba kahit pa man
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status