Share

Chapter 68: Dark Veil

GREEN’S POV

Dalawang araw na ang nakalilipas matapos makabalik si Leaves dito sa palasyo ng Utopia ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising kahit tuluyan nang naghilom at nawala ang mga malalalim na sugat sa iba' t ibang parte ng katawan niya.

Ayon kay Goddess Heldy, masyadong maraming nawalang enerhiya sa katawan ni Leaves dahil sa labis na paggamit niya ng kaniyang kapangyarihan, at kung hindi ito agad naagapan ay maaari niya itong ikamatay.

Ngayon ko lang din nalaman ang tungkol do'n, na maaaring ikamatay ng isang nilalang ang labis na paggamit ng kapangyarihan nito. Kaya labis akong nangangamba dahil kung sinuman ang nakalaban niya ay hindi ito basta-basta lang dahil nagawa nitong pabagsakin ang isang kilalang-kilala na nilalang dahil sa kakaiba at mapamuksa nitong kapangyarihan. At isa lamang ang nakasisiguro ko sa ngayon, mahihirapan kaming labanan sila kung nagkataon.

“L-Leaves . . . ” Hinaplos ko ang mga kamay niya, at tinitigan siya sa mukha.

Hindi ko maiwasang
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status