Jonathan McKinneyFLASHBACK…Malalim na ang gabi ng matapos sina Mara sa party ng kaibigan niya. Kaya hindi na rin ako nakabalik pa sa opisina. Napailing na lang ako dahil panigurado naghihintay si Kimberly sa akin ngunit hindi ako nakabalik kaagad. Nag-iisip na lang ako na babawi na lang sa kanya kinabukasan. Hinatid ko si Mara sa bahay nila. Inaya pa niya akong pumasok ngunit tumanggi na ako. Di na rin niya ako pinilit pa. Dahil masyadong malalim ang gabi. Agad naman akong nag byahe papunta sa condo ko. Nang makarating sa condo ay agad kong kinuha ang envelop na nasa drawer ko. Napatingin ako sa envelop na ibinigay sa akin ni Andrius ang kaibigan kong secret agent slash detective upang alamin ang buong pagkatao ni Kimberly. Ito ang pangalawang beses na tiningnan ko ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid siya ang dati kong fiancee. Kaya pala sa una ko palang niyang tingnan ay nakikita ko sa kanya si Mara. Ngunit magkaiba lang talaga personality nila.
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Hindi ko muna pinansin si Kim nang makarating ako ako sa opisina. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa banyo na narito sa kwarto ng opisina ko. Nang matapos ay inaya ko si Kim na mag-lunch. Pinagbigyan naman niya ako kahit alam kong nagtatampo ito sa akin. Ganyan naman siya kahit nagtatampo ay pagbigyan ka pa rin. Agad naman kaming bumalik ng opisina matapos mag-lunch dahil naalala kung pupunta ang daddy nila dito sa opisina. “Miss Joville, si Kim na lang ang utusan mong mag bigay ng files sa accounting department. May Ipapagawa ako sayo,” sabi ko sa isang assistant ko sa intercom. Sinadya ko ito upang hindi mapang-abot ang mag-ama. Kakatawag lang ni Mara na nasa lobby na sila.“Noted, sir,” sagot Joville sa kabilang linya. “Alright,” sagot ko at ibinaba ang tawag. Huminga ako ng malalim dahil alam kong may hihilingin na hindi maganda ang magulang ni Mara. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng opisina ko. Iniluwa ito ni Paolo.“Sir, nandi
Jonathan MckinneyFLASHBACK…Kinabukasan mag-alas otso na ng makarating ako sa bahay nila Kimberly. Late na akong nagising diretso na lang ako dito. Susunduin ko sana siya para sabay na kaming papasok sa trabaho ngunit nakita kung sarado ang bahay nila kay naisip kong baka pumasok na ito since late na rin naman. Maniobra ko na lang ang sasakyan ko papuntang opisina. Agad nagsiyukuan ang mga empleyado ko ng makarating ako sa lobby. Hindi ko na lang pinansin at tuloy-tuloy lang ako hanggang sa makarating ako sa opisina. Napakunot ang noo ko nang makitang wala si Kimberly sa table niya. “Where’s Kimberly?” tanong ko kay Joville na sana katabing table lang ng kay Kimberly. “Hindi pa po dumating,” sagot niya sa may kalamigang tinig. Agad ko itong napansin dahil hindi naman ganito kung sumagot ito. Usually, nakangiti pa ito kung sumagot. “Okay, let me know kung dumating na siya,” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya kaya naman ay pumasok na ako sa opisina ko. Baka na traffic lang
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Ang balak kong kausapin si Kim ay hindi nangyari dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Matapos ng insedenteng pagsasagutan nila Kim at Mara sa hotel room ay nagsumbong nga si Mara sa ama. Naging dahilan ito upang mapadali ang lahat. Nagkaroon ng engagement party para sa amin ni Mara at kung ano-ano pa na may kinalaman sa kasal. Wala naman akong kundi pagbigyan siya sa mga kalukuhan nila."What's this?" tanong ni Mr. Martinez sa akin matapos makita ang nilalaman ng document na binigay ko. "Kapag malaman kong nagloko si Mara bago ang kasal namin ay walang kasal na mangyayari but still, sa akin pa rin ang 70% share ng kumpanya nyo," sagot ko kanya. "That's impossible," sabi niya. "Hindi pwede yan gusto mo.""Walang kasal na mangyayari kung ganon?" tanong ko sa kanya na nakataas ang dalawang kilay."Okay, okay. I'll sign this contract," sabi niya. Umismid ako sa kanya. "Ganyan mo lkamahal ang anak mong si Mara to the point na napabayaan mo ang iba mo pang
Jonathan McKinneyFLASHBACK…Tulad ng inaasahan, nag-viral ang photo ni Mara at ng lalaking kasama niya noong gabi. At ang mas matindi pa ay nakalkal ang lumang video na kasama ang babae na may ginagawa na di kanais-nais. Galit na galit ang matandang Martinez dahil sa kahihiyan na nagawa ng apo. Kinuha ko naman itong pagkakataon upang makakalas sa kasal namin ni Mara.Mas lalong nagalit ang matandang Martinez nang malamang sa akin mapupunta ang setenta porsyento ng kumpanya nila. Dahil nga pinirmahan ni Mr. Martinez na ama ni Mara ang kasunduan namin. Naawa tuloy ako sa ama niya ngunit ganun pa man may masasabi kong karma yon sa kanya dahil sa ginawang pagpapabaya sa ibang mga anak niya.Ngayon ay nag-focus na ako sa paghahanap kay Kimberly ngunit lumipas na lang ang limang taon ay hindi ko pa rin ito nakikita. Kahit ang kaibigan kong si Andrius ay nahihirapang hanapin siya. No trace of Kimberly's whereabout. Kaya mas lalo akong na-frustrate dahil dito. "Wala pa ring balita sa
Karylle MartinezAligaga akong tumingin-tingin sa paligid. Baka bigla na namang magpapakita si kuya Jonathan at tanungin ako tungkol kay Ate. Ang hirap pala ng ganito. Anytime may bigla na lang susulpot sa harap ko at pilitin akong aminin kung nasaan sila ate. Naalala ko pa ang unang araw matapos ang limang taon na nagkita kami ni kuya Jonathan.FLASHBACK…Katatapos lang ng klase ko ng araw na yon. Nagmamadali ako para sa duty ko sa hotel. Kailangan ko itong gawin para maka-survive ako dito sa Manila. Wala na si Ate Kim na siyang nakasuporta sa aking pag-aaral. Naiintindihan ko naman kung bakit sila umalis. Para makalayo sa lahat ng sakit na dulot ni kuya Jonathan sa kanya. Nasa hallway na ako ng university nang marinig ko ang pag-page ng pangalan ko sa speaker. "Paging, Law student Karylle Martinez, please proceed to the Law Dean's Office. I repeat, paging, Karylle Martinez, please proceed to the Law Dean's Office. Thank you."Napa kunot ang noo ko. Pangalan ko ba talaga yon or ma
Kimberly Ann Martinez"Babe, do you want to say something?" tanong ni Jonathan sa akin. Tahimik na ang paligid dahil malalim na ang gabi. Tulog na ang anak ko maging ang mga kapatid ko. Ngunit si Jonathan ay hindi pa rin umuwi sa mansion nila. Wala na rin ang mga trabahador sa labas. Pero panigurado babalik pa ang mga iyon bukas dahil di pa nila tapos sa gawain nila. "Bakit mo ito ginagawa?" tanong ko sa kanya. Nasa sala lang kaming dalawa. Naka"Because I love you," sagot niya. Napaismid naman ako. Mahirap paniwalaan ang sinabi niya. "I know it's my fault, but babe, can you give me another chance?" "Anong relasyon mo sa pamilya ng tatay ko?" mahinang tanong ko sa kanya. "Wala, babe. Just a business partner," sagot niya. "Business partner?" balik tanong ko sa kanya. "Asawa mo si Mara di ba?"Natawa naman siya sa tanong ko. Kaya napataas ang kilay ko sa kanya. Hindi ko siya maintindihan. Effort na effort siya ngayon na bumalik ako sa kanya pero wala naman siyang nilinaw kung
Kimberly Ann Martinez"What are your plans when we reach Manila?" tanong ni Jonathan sa akin. "Maghanap ng trabaho kung sakali. Baka pwede ulit ako sa Sri- Lanka hotel," sagot ko sa tanong niya. "You're not going back to the office?" tanong ni Jonathan sa akin."Bakit naman ako babalik doon? Anong gagawin ko doon? Tutunganga? Maghihintay kung may mga tutubi na babagsak mula sa kesame?" bwelta ko sa kanya. "Babe, I can give you work at the company," sabi naman niya."No, thank you. Maghanap na lang ako ng iba," sagot ko sa kanya. Nasa Dumaguete-Sibulan Airport kami, naghihintay ng departure namin patungong Manila. Kasama ko ang mga kapatid ko na luluwas at si Kj. At dahil paladesisyon si Jonathan ay sumama rin sa amin. Siya pa mismo ang nag-book ng flight para sa amin. Pwede naman sa Bacolod kami dadaan kaso mas malapit ang Sibulan airport.Noong una ay balak naming mag-barge na lang para makatipid but Jonathan insisted na mag eroplano kami. Gusto kong tumanggi ngunit naisip ko a