PERSIA'S POINT OF VIEW,
“Nagkaroon ng away ang dalawang magkapatid na nauwi sa isang matinding duwelo. Walang nagawa ang dalagang si Crestria dahil hindi siya pinayagan ni Moowan na umakyat sa langit upang makita ang pakikipagduwelo nito sa kapatid. Lumikha ang duwelo ng magkapatid ng malalakas na kulog at kidlat sa langit.”
Bumukas na ang libro ng propesiya, ito na ba ang senyales ng nalalapit na pagbabalik ni Goddess Crestria?
Tahimik lang akong nakatitig sa libro na naglalahad ng nangyari sa Diyos at Diyosa ng Parallel Dimension.
“Ngunit agad ring natigil ang duwelo ng magkapatid nang dumating ang isa pa nilang kapatid na si Sunria— ang prinsesa at ang diyosa ng kagandahan at kabusilakan. Malambot ang puso ng bunsong kapatid kung kaya’t hindi nila magawang saktan ang damdamin nito. Naging maginhawa ang pakiramdam ng dalagang si Crestria nang mabalitaan na hindi na natuloy pa ang mapaminsalang duwelo ng dalawang
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Pumasok ako sa isang mall kahit na ganito ang suot ko. Nakapagtataka lang na walang pumapansin sa akin. Kahit ang guard ay hindi ako sinita. Malapit ko ng isipin na walang nakakikita sa akin.Naagaw ang pansin ko ng isang babae na nakatalikod sa akin, hindi ganoon kalayo sa pwesto ko. Likod pa lang ay halata mo ng sexy ito at mayaman dahil sa magara niyang damit at bag.Lumapit ako sa babaeng iyon at mahina siyang kinalabit.“Miss?” pagtawag ko sa kaniya. Napakunot ang noo ko nang hindi ako nito pansinin at palinga-linga lang siya sa paligid na halata mong may hinahanap.“Miss?” pag-ulit ko pero wala talaga itong balak na pansinin ako. Napabuntong-hininga ako at tatalikod na sana nang bigla itong sumigaw.“Sebastian!” sigaw niya at kumaway sa direksyon sa harapan niya. Napalingon ako sa kinawayan niya at nanlaki ang mga mata ko sa nakikita.“D-Daddy?” bula
XYLEM’S POINT OF VIEW,“Sit down, everyone!” saad ni Head Mistress habang nakatayo sa Harapan.Agad tumalima ang mga tao rito sa loob ng Head Quarter sa utos ng Head Mistress.“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryosong saad ng Head Mistress.Kitang kita ko ang pagsang-ayon sa mga mukha ng mga taong naririto ngayon sa Head Quarter. Marahil ay nakukuha nila ang punto ng Head Mistress. Nakapagtataka nga naman kung paano nangyari ang ganitong bagay.Kahit ako ay nagtataka sa totoong katauhan ni Historia, malayong malayo siya sa Historia na nakilala ko noong bata pa ako. Pakiramdam ko ay may nagbago sa
HEAD MISTRESS IRIS’S POINT OF VIEW,“Malinaw na, na si Historia at Crestria ay iisa. Sigurado ako na malalaman at malalaman ito ng mga Hoffman. Nagdadalawang isip ako kung ipaaalam natin sa kaniya ang tungkol sa tunay niyang katauhan o ililihim muna ang katotohanan sa kaniya. Kailangan ko munang makausap ang mga magulang niya at alamin ang katotohanan kung paano napunta sa kanila si Historia,” seryoso kong saad sa harapan nila.Tumango ang mga kasama naming administrator dito sa loob ng Head Quarter.“Masyado na tayong malapit sa katotohanan at hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita sa amin ang Head Master. Paano tayo uusad sa lahat ng ito kung hindi namin makakausap ang Head Master?” tanong ng isa sa mga administrator na si Damien.Natutop ang bibig ko at halos hindi ako makasagot sa tanong niya. Nilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto at lahat sila ay nakatingin sa akin na kapwa naghihintay sa magiging sagot ko.
SOMEONE'S POIN OF VIEW,“Hindi tayo puwedeng tumunganga rito at hintayin ang ibabalita ng anak natin sa atin. Bakit ba ayaw mong gumawa nang plano para makuha na nating ang Historia na iyon?” inis kong tanong sa asawa ko.Sobrang atat na akong maging Diyosa ang anak ko. Walang ibang Diyosa kung hindi ang anak ko lang. Siya ang dapat na sinasamba ng buong Parallel Dimension.Hindi ko siya tinago sa mga tao at tinuruan ng maayos upang maging isang talunan lamang. Kailangan niyang patunayan sa lahat ang nararapat na sa kaniya.“May plano ako, huwag kang magmadali Mathilde. Hindi pa ito ang tamang oras para angkinin ang kapangyarin ng baaeng iyon. Akalain mo nga naman, nasa malapit lang pala ang taong kailangan natin.” Nakangisi siya habang nakasandal sa kaniyang trono.“Hindi ako naging hari para lang sa wala, Mathilde. Mautak ako at tuso, hindi ko na kailangan pang manghanda ng pamain para lang mahuli ang target ko
RYUJIN’S POINT OF VIEW,Nandirito ako ngayon sa kwartong kinalalagyan ni Historia dahil inutusan ako ng President namin na tignan ang kalagayan ni Historia.Habang sinusuklay ko ang buhok ni Historia gamit ang mga darili ko ay hindi ko mapigilang mapatitig sa maganda at maamo niyang mukha.Kahit na nakararamdam ako ng galit sa kaniya ay hindi ko pa rin maikakaila na minahal ko siya— na mahal ko pa rin pala siya.Akala ko noong mga panahon na nawala siya ay naglaho na ang nararamdaman ko para sa kaniya, mali pala ako. Nagkamali ako dahil nang bumalik si Historia ay bumalik ang lahat ng nararamdaman ko.Halo-halo ang emosyon na naramdaman ko, galit dahil iniwan niya ako nang walang paalam, saya dahil nakita ko na siyang muli at pagtataka dahil sa pakikitungo niya sa akin. Pakiramdam ko ay nagkukunwari lang siya na hindi niya ako kilala.Pakiramdam ko ay umaakto lang siya na walang naaalala para hindi ko na siya guluhin pa o para iw
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napabangon ako at napahawak sa dibdib ko, hingal na hingal ako na para bang malapit nang maputulan ng hininga.“Historia? Gising ka na! Saglit huwag ka munang bumangon,” nag-aalalang boses ang sumalubong sa akin.“Persia? Anong nangyari?” nagtataka kong tanong habang inaalalayan niya ako pahiga ulit.“Nagugutom ka ba? Anong gusto mong kainin?” paglihis niya sa tanong ko. Halatang ayaw niyang sagutin ang tanong ko.Muli akong bumangon at umupo na kinagulat niya.“Historia!” suway niya sa akin.“Persia!” mariin kong saad habang seryosong nakatingin sa mga mata niya.Nanlaki ang mga mata niya ngunit agad rin siyang nakabawi at saka nagbuntong hininga na nagpapahiwatig ng pagsuko.“Fine, gusto mo ba talagang pag-usapan ngayon? Ayaw mo bang kumain muna?” sunod-sunod niyang tanong sa akin.Dahil sa tanong niya s
HISTORIA’S POINT OF VIEW,“Sana nga Historia, sana nga. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kapag may nalaman ka na ikasasama ng loob mo sa akin,” saad niya at binigyan ako ng malungkot na ngiti.Sasagot pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto.“My ghad Historia! Gising ka na!” sigaw ni Haria na kapapasok lang sa pintuan kasama si Xylem.Napatakip ako ng tainga dahil sa sigaw niya.“Ano ba Haria? Ang sakit kaya sa tainga ng boses mo. Akala ko si Persia lang ang may ganiyang boses, Ikaw rin pala.” Singhal sa kaniya ni Xylem at saka siya inirapan. Napasimangot naman si Haria sa sinabi ni Xylem.Bahagya akong natawa sa kanilang dalawa kaya nabaling ang tingin nila sa akin.“You’re laughing again, urgh!” saad ni Haria at saka lumapit sa akin. Napakunot ang noo ko at nagtataka siyang tinignan. Anong ibig niyang sabihin?Umupo siya sa gilid ng kama ko sa tabi ko.&ld
HISTORIA’S POINT OF VIEW,Ilang araw na ang nakalilipas simula nang makalabas ako ng Laboratory. Simula nang makabalik ako sa klase ay naging ilap na sa akin ang mga kaklase ko, pati na rin ang mga estudyanteng madaraanan ko. Ang iba pa ay nakikitaan ko ng takot sa mga mata.Napansin ko rin na ilang araw nang wala si Ashley sa klase. Wala akong mapagtanungan dahil sa tuwing lalapit ako sa mga kaklase ko ay umiiwas sila sa akin. Sina Alexa, Persia at iyong tatlong lalaki lang ang kumakausap sa akin pero ayaw naman nilang magsalita tungkol kay Ashley.Kahit ang mga alipores niya ay takot na takot sa akin, may kinalaman ba ako sa pagkawala ni Ashley sa klase? Ni wala akong naririnig na usapan tungkol sa kaniya, ang dating maingay na section namin ay naging tahimik na.Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari, hindi ko pa nalalaman kung bakit ako napunta sa laboratory. Gusto nila na hintayin ko ang Head Mistress upang siya ang magpaliwanag ng lahat sa a