Share

CHAPTER 52: EARDROPS

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

“Ahh!” sigaw ko nang inamba nito ang hawak niyang mop patungo sa akin. Napapikit ako nang mariin at hinintay na tumama ang hawakan ng mop sa ulo ko pero agad ring napamulat nang makarinig ako ng mabilis na yabag patungo sa pwesto namin.

Bumungad sa akin si Levi na nasa likuran at pilit pinipigilang ang matandang babae na ihampas sa akin ang hawak nitong mop.

“L-Levi,” bulalas ko. Pinilit kong tumayo upang tulungan siya sa matandang babae ngunit hindi ko matayo ang mga paa ko dahil na rin siguro sa pagkakabagsak ko.

Napansin yata iyon ni Levi kaya lalo niya nilakasan ang pwersa niya sa pagpigil sa matandang babae.

“Papatayin kita! Mamamatay ka!” patuloy na sigaw ng matanda kahit na pinipigilan siya ni Levi. Pulang pula at nanlilisik ang mga mata ng matandang babae habang galit na nakatingin sa akin.

 <

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status