Napalingon na lamang si Quinette kay Doctor Jandro pero natatwa lang itong sumunod sa kanila ni Attorney Suarez. At kinidatan pa siya ng gwapong doktor, nailang si Quinette kaya nag- madali na lamang siyang nag lakad papunta sa kanyang coffee shop. Umupo sila Quinette at atty. Suarez malapit sa counter. Si Doktor Jandro naman ay umupo sa tabi ng lamesa nila at umorder ito ng kape. Maya- maya pa ay dumating na din si Rhiane na nanggaling sa paghatid kay Klyde. Binati naman sila ng dalaga. "Hello beshie, atty. Suarez and Doctor Jandro." Magiliw na bati ni Rhiane. "Hi...'' bati ni Atty. Suarez at ngumiti kay Rhiane. "Hello Rhiane..." Bati din ni Doctor Jandro at nagbigay ng beso kay Rhiane. "Beshie... slamat sa paghatid kay Klyde." Masayang sabi ni Quinette. "Wala yun... mamaya ako ulit ang magsusundo sa kanya, at may mga iinterviewhin kayo ni Atty. Suarez." Pag prisinta ulit ni Rhiane. " Hala beshie baka nakakaabala na kami sayo..." Saad ni Quinette. "Huyyy... nahihiya ka pa sa
Nasa coffee shop si Quinette pinagmamasdan niya ang ultrasound ng kanyang anak. Kita na ang mukha nito at kahawig siya ni Randell. `Sayang anak wala ang tatay Randell mo para makita ka ngayon. Napaka-ganda mo baby princess ko.` Bulong ni Quinette sa kanyang anak habang hinihimas ang kanyang malaki nang tiyan. ``Oh... Quinette ang aga mo ah... goodmorning`` Bungad na bati ni atty. Suarez. `Good morning din po attorney Suarez... Pinagmamasdan ko lang ang ultrasound ng anak ko na si Quiara Rain. Kita na kasi ang mukha niya eh.... Tingnan mo po ohhh.` Pagmamalaking turan ni Quinette at iniabot sa atorney ang ultrasound ng kanyang anak. `Oo nga noh... ang cute naman ng baby na ito, kaya ang daming excited sa paglabas ng anak niyo eh` Saad ni Attorney Suarez. `Salamat... kaya nga lahat tayo masaya at excited sa paglabas niya. Pero nalulungkot din ako para sa kanya, dahil hindi na siya kilala at maalala ni Randell.` Malungkot na sabi ni Quinette na naluluha na din. `Huwag ka na mag-
Natapos na ang short course ni Quinette at proud na proud ang kanyang mga kaibigan. Seven months na din ang kanyang baby Quiara Rain na nasa kanyang sinapupunan, pero hindi mabuo- buo ang kanyang kasiyahan dahil hindi pa rin sila naalala ng kanyang asawa na si Randell. Hindi pa rin niya mapigilan ang malungkot tuwing maiisip niya ito at mas masaya sana silang lahat kung kapiling nila ito sa ganitong mga okasyon. Dahil sa nasayahan si Atty. Suarez sa resulta ng kanyang pinaghirapan at pitong buwan na ang tiyan ni Quinette ay nagpahanda siya ng simpleng salo- salo para sa asawa ng kanyang matalik na kaibigan. Hiniling din ito ni Randell sa kanya para mapasaya si Quinette at mabawasan ang kalungkutan nito. Hindi pa kasi tamang panahon na malaman ni Quinette ang totoo. '"Oh mag- picture naman tayo para may remembrance... Manang pasuyo naman po ako, kuhaan niyo po kami ng litrato." Magalang na utos ni Atty. Suarez sa kasambahay. 'Sige po sir Suarez. " Magalang din na sagot nito. "Oh ta
Ngayon ang araw na ipapakilala si Quinette Gomez bilang pinakamalaking stockholder ng kumpanya nila Randell. Kaya maaga siyang gumising at mag- asikaso, ginising na din niya si Klyde para maidaan niya ito sa school nito. Pagkatapos asikasuhin ni Quinette ang mga gamit ni Klyde ay siya na din ang n ag asikaso, malayo pa ang kanyang biyahe mag- stay din muna siya sa isang hotel na malapit sa kumpanya nila Randell dahil mahihirapan na siyang magbiyahe pauwe. Dumating na din si Rhiane para ito ang magbantay muna kay Klyde.''Morning beshie... mukhang excited ka sa iyong first day ahh sa kumpanya nila Randell." Nakangiting bati ni Rhiane sa kanyang matalik na kaibigan. "Syempre naman beshie... ang tagal ko tong pinag- handaan." Determinadong sabi ni Quinette at ngumiti pa ng matamis kay Rhiane. "Kahit ako excited na din... go lang beshie kaya mo yan para sa pamilya mo." Pag- cheer up pa ni rhiane kay Quinette at ngumiti rin dito."Ikaw na muna ang bahala kay Klyde ahhh... Mga three
Matapos ang meeting sa conference room ay agad nang nag-tungo si Quinette sa opisina nang kanyang asawa. Sinamahan naman siya ni Atty. Suarez pero hanggang labas lang ito. "Kausapin ko pa ba siya o pabayaan ko na lang siya na maghintay sa akin...???" Kinakabahan na tanong ni Quinette sa abogado. "Sige na pumasok ka na.. Huwag kang matakot, isipin mo asawa mo yan tulad ng dati." Nakangiting saad ni Atty. Suarez. Ngumiti na lamang si Quinette kahit pa na kinakabahan siya nang kumatok sa pinto ng asawa at pumasok sa loob ng opisina nito. "Ms. Quinette..." Sambit ni Randell. Hindi napigilan ni Quinette ang kanyang bugso ng damdamin, pagkakita niya kay Randell ay agad siyang yumakap nang mahigpit rito at naiyak na lamang siya ng yaka- yakap ito. Hindi na rin niya napigilan ang kanyang mga luha na parang may sariling buhay na kusang tumulo sa kanyang mga mata. "Randell... Mahal ko... hindi ko kayang pigilana ng sarili ko na hindi kita yakapin, sobrang miss na kita..." Umiiyak na sab
Nang nasa hotel room na si Quinette ay hindi niya mapigilan ang maiyak, dahil sa lungkot na nangyari kanina sa pag- uusap nila ni Randell. Nangungulia pa siya sa kanyang anak na si Klyde. Parang hindi na niya kakayanin ang lahat. Tatanggapin na lamang niya ang alok ni Randell na divorce para matapos na ang lahat at maghiwalay na sila ng landas ni Randell. May naipon naman siya kahit papano kaya mag- uumpisa na lamang siyang muli. Mas kailangan siya ng kanyang mga anak lalo na ngayon malapit ng lumabas ang kanyang munting prinsesa. Tanggap na din niya hindi na siya maalala pang muli ng kanyang asawa, hinihiling na lamang niya maging masaya ito sa magiging bagong pamilya nito. Kaya bukas ay huling punta na niya sa kumpanya nito para ibigay ang shares nito at pirmahan ang divorce papers. Maagang gumising at nag-asikaso ng kanyang sarili ni Quinette, hinanda niya ang kanyang sarili para isuko na si randell. Mas nakakabuti at ikatatahimik nilang lahat. Malungkot siyan
Ibinigay na ni Atty. Suarez ang mga divorce papers kila Quinette at Randell. Agad naman na pinirmahan ito ni Quinette para agad nang makaalis at makauwe na sa kanyang anak na si Klyde. Namimiss na din niya ang kanyang coffee shop. Pinagmamasdan lamang siya ni Randell habang siya ay pumipirma. Nang matapos na niya piramahan lahat ng mga dokumento ay humarap siya sa kanyang ex- husband at matapang na ngumiti."Maraming salamat sa masayang ala-ala at sa pagbibigay mo saa akin ng mga anak. Kakalimutan ko na ang lahat ng may kinalaman sayo. Para makapag- umpisa ako sa panibagoi naming buhay. Sana maging masaya ka sa magiging bago mong pamilya Randell.... paalam." Huling paalam niya sa kanyang dating asawa."Maraming salamat Ms. Quinette Ruiz. Ganon din sayo sana maging masaya ka din. Salamat sa tulong mo." Malungkot na sagot ni Randell at yumuko na lamang dahil hindi niya akalaing susuko agad ang kanyang asawa."Huwag kang mag- alala kahit kailan hindi na ako magpapakita pa sayo at mang-
Masaya silang nagtatawanan ng dumating din si Dr. Jandro at nilapitan si Quinette."Quinette kamusta ka na... Hindi kita nakita sa manila kaya naisip kong nandito ka na." Masayang sabi ng doktor at niyakap pa si Quinette."Ang lakas talaga ng pang- amoy mo noh..." Pang- iinsultong sabi ni Atty. Suarez sa doktor na maaliligaw ni Quinette."Siyempre naman... lalo na ngayon na alam kong divorce na sila ni Randell. Wala nang makakahadlang pa asa akin." Nakangising sabi ni Doktor Jandro at kumindat pa kay Quinette."Tigilan mo si Ms. Quinette ah... ayaw niya lang nang gulo kaya mas pinili muna niyang lumayo sa kanyang asawa." Paliwanag ni Attorney suarez."Divorce na sila kaya wala nang pakialam si Randell sa kanya, pero nandito naman ako para mahalin at protektahan sila Quinetet lalo na ang mga anak niya kailangan may kilalaning ama." Saad ng doktor."Pwede ba ayaw ko muna makarinig ng tunghkol sa dati kong asawa na si Randell. Gusto konang mag- move on, para makapag- simula akong muli. A