Paano kung ang dating conservative, probinsyana at mahiyain na dalaga ay naging palaban sa buhay para sa kanyang anak na may sakit sa puso. Dahil sa kahirapan ay tinanggap niya ang alok ng kanyang kaibigan na maging regalo sa stag party ni Randell Gomez. Kinuha ang serbisyo niya para paligayahin ang groom sa buong magdamag. Dahil sa kahirapan at bagong salta sa maynila ay tinanggap niya ang alok. Makalipas ang limang taon nagbalik si Quinette para mamasukan bilang personal nurse ni Don Miguel. At muling nagtagpo ang landas nila ng lalaking ama ng kanyang anak. Paano kung malaman nito na may anak sila at ama nito ang kanyang amo. Ipapakilala ba niya kay Randell ang kanilang anak para hingian ng tulong upang maoperahan sa puso ang bata. Maniniwala ba si Randell at paano kung may asawa na ito. Muli man nagtagpo ang mga landas nila Quinette at Randell. Inilihim pa rin niya ang kanyang anak at nag makaawa siya na huwag tanggalin sa trabaho dahil kailangan niya makaipon ng pampaopera. Gumawa ng kontrata ang binata kapalit ng pagpapahiram nito ng pera sa dalaga. Paano kung malaman ng binata na anak pala niya ang ooperahan sa puso at matatanggap ba niya ang bata kung bunga ito ng kanilang pagtataksil noon sa dati niyang nobya. Kaya pa ba niya magmahal muli at mapapatawad din ba siya ni Quinette sa mga pagpapahirap niya sa dalaga. Lalo na sa paglalaro sa damdamin nito, na akala niya ay isang bayarang babae.
View More" Pasuyo naman ako Randell... hindi ko kasi abot ang zipper sa likod." Titig sa mga mata ni Randell habang saad ni Quinette. "Bakit ako ang isinama mo dito...??? Diba dapat si Doctor Jandro." Aroganteng sabi ni Randell at tinitigan nang masama ang kanyanga asawa. "Tama na nga yan... sige na please pakitanggal mo na ang zipper, sobrang init na eh..." Pakiusap ni Quinette at pilit na inaabot ang zipper sa kanyang likuran. Tiningnan lang ni Randell si Quinette kahit pa nahihirapan pa ito sa sitwasyon nito na abutin ang zipper nang gown. Kaya naman nang walang naging reaksyon si Randell, ay padabog na siyang lumabas at lumapit kay Doktor Jandro para magpatulong na ibaba ang zipper napilit inaabot ni Quinette. Nang akmang dadapo na ang mga kamay nang doktor sa damit ni Quinette ay tinapik ito nang malakas ni Randell na nasa likuran na pala nila. "Don't ever touch her... kung ayaw mong matikman ang kamao ko..." Kalmadong sabi ni Randell ang nag-aapoy ang mga mata. Nagulat naman sila
Nagpasama si Quinette sa kanyang bestfriend na si Rhiane at kasintahannitong si Atty. Carl Suarez, para sa pamimili nang mga susuotin ni Klyde sa kasal nang kanyang tatay Randell. Dito nala mang sila sa mall namili na pagmamay- ari nila Randell dahil hidni na din siya pwedeng magbyahe nang malayo dahil ngayon linggo na ang kanyang duedate. Si doktor Jandro naman ay nagpumilit na sumama sa kanila kaya hindi na lamang siya tumanggi. Masaya na siya sa sitwasyon nila ni Randell ngayon tanggap na niya na ikakasal na ito kay Andrea. Hindi namn kinalimutan ni Randell ang kanyang obligasyon sa kanilang mga anak. Lalo na sa kanilang palabas palang na prinsesa, naka- handa na lahat ang kanyang gamit sa panganganak. Sasagutin din nito lahat nang expenses sa kanyang panganganak kahit pa tinanggihan niya ito dahil may ipon naman siya at ayawa niya manghingi pa nang tulong sa dating asawa. Pumasok sila sa isang sikat na boutique sa loob nang malaki at sikat na mall. Nagsimula na silang maghanap s
Pagkarating ni Quinettesa kanilang transient house ay agad siyang umakyat sa kanilang silid. Umupo siya sa gilid nang kanilang kama at hinayaan niya lamang ang kaniyang mga luha na tumulo. Hindi niya rin ito pinunansan, kaya nagulat siya nang may magpahid nito. Ang kanyang panganay na anak na si Klyde, pinunasan nito ang kanyang mga luha at niyakap siya nang mahigpit."Nanay Quin.... bakit ka po umiiyak...???" Malungkot na tanong ni Klyde sa kanyang nanay Quin."Wala anak... may naalala lang ako na nagpapalungkot sa akin." Mahinang saad ni Quinette sa kanyang panganay."Nanay Quin... ayaw ko po kayo na nakikitang malungkot at umiiyak..." Malambing na sabi nito."Huling iyak na ni nanay toh baby... kaya huwag ka na malungkot." Sagot ni Quinette sa kanyang malambing na anak at niyakap niya ito nang mahigpit. Nang makalma na niya nag kanyang sarili ay, pinunasan niya ang kanyang mga luha at inayos niya ang kanyang sarili para ipakita sa kanyang anak na malakas siya at matatag."Beshie
Paggising ni Quinette ay nabungaran niya ang gwapong mukha ng kanyang asawa. Napaka- gwapo at macho talaga nito dahil nakahubad- baro ito. Sobrang namiss niya talaga ito, kaya ninakawan niya ito ng halik. Pero mukhang nagising ito dahil dumilat ang mga mata nito at ngumiti nang pagkatamis- tamis sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Pero mukhang gising na din ang kanyang baby sa ummy at sumipa ito. kaya umalon ang kanyang tiyan."Naku nagpapalambing din yata ang isa kong prinsesa..." Natatawang sabi ni Randfell at idinikit ang kanyang tenga sa tiyan ng asawa."Nanibago siguro siya katabi ang kanyang tatay na gwapo." Pabirong sabi ni Quinette."Hmmm.. kaya nga, itong prinsepe ko ang himbing din nang tulog ahh..." Paglalambing na sabi ni Randell at niyakap si Klyde."Good morning po tatay Randell," Malambing na sabi ni Klyde pero nakapikit pa rin ang mga mata nito. Kaya natawa na lamang silang mag-asawa, sa inakto nang kanilang panganay."Babangon na ako mahal ko, at maliligo a
Nagkasundo ang dalawang matalik na magkaibigan na sina Carl at Randell. Mag- iinom sila ng beer kaya nag-punta na muna sila sa grocery habang tulog sina Quinette at Rhiane. Namili na din sila ng mga stock na pang- isang linggo. Magluluto din sila ng panghapunan nila pagkauwe."Bro... ikaw na ba ang mag- luluto ahh... Hindi ko kasi alam ang gusto nila Quinette at Rhiane." Tanong ni Atty. Carl."Okey sige bro, ako na ang bahala. Mag- aadobo na lang ako ng baboy at Chicken Afritada. " Saad ni Randell at tinapos na nila ang kanilang pamimili para makauwe na agad. Pagkarating nila ay agad na inihanda ni Randell ang mga rekado na kanyang lulutuin at maging mga kagamitan. Hinugasan na din niya ang mga karne at gulay, tinulungan na siya ni Atty. Carl sa paghihiwa ng mga rekado. "Nagmana ka talaga kay tita... magaling at masarap mag-luto." Bilib na sabi ni Atty. Carl."Mabuti at mahilig ako noon manood habang nagluluto si mommy, kaya natuto ako magluto nang mga paborito kong putahe." Masay
Maagang nagising si Randell para ayusin ang mga gamit ni Quinette para handa na sila pagdating nila Carl, madidischarge na ang kanyang asawa dahil naubos na ang swero nito. Mahimbing pa rin ang tulog nito, hinayaan niya lang muna ito. Siya naman ay bumaba muna para makabili nang kape sa canteen, habang nakatambay muna siya sa canteen ay tumawag si Carl."Bro... good morning, kamusta??? pupunta na ba ako diyan... sasama sila Rhiane at Klyde para sunduin kayo ni Quinette." Saad ni Atty. Carl sa kabilang linya."Sige bro... maghihintay kami sa parking lot. " Sagot ni Randell kay Carl."Paalis na kami dito... mag- ready na kayo." Ani ni Atty. Carl.Umakyat nang muli si Randell sa silid ng asawa para gisingin na rin ito. Pagpasok niya sa silid ay gising na pala ito at nakabihis na din."Akala ko iniwan mo na naman ako..." Malungkot na sabi ni Quinette."Ano ba yang sinasabi mo... Bumaba lang ako para bumili ng kape mahal ko. " Sagot ni Randell at niyakap ng mahigpit ang asawa, hinagkaan
Muling bumaba si Randell sa parking lot para kunin ang mga biniling pagkain ni Atty. Carl, para makakain na sila ni Quinette . Gutom na din kasi siya, ngayon niya lang naalala na hindi pa siya nag- aalmusal at tanghalian dahil sa pag- aalala sa kanyang asawa. "Bro... Carl..." Pagtawag niya sa kanyang matalik na kaibigan."Bro... ito na ang mga pagkain. Papiliin mo na lang nang gustong ulam si Quinette . May binili na din akong mga prutas para healthy ang baby girl natin." Naka- ngiting sabi ni Atty. Carl."Maraming salamat bro. Maasahan ka talaga, pakidala ang iba kila Rhiane at Klyde. Pakisamahan mo na din muna sila." Saad ni Randell kay Atty. Carl at agad na din umalis ang abogado. Si Randell naman ay umakyat na muli sa kwarto ni Quinette. Tulog pa rin ang kanyang misis, tingin niya ngayon lang naging payapa ang pag- tulog nito. Kaya ang ginawa niya sinalang na muna nmiya ang pagkain sa microwave oven para initin ang mga ito. Naghiwa na din siya ng mga prutas para kung sakaling
Pinag- mamasdan lang ni Quinette si Randell na naka-ngiti sa kanya. Hindi niya namalayan na tumutulo na pala ang kanyang mga luha at naiyak na lamang siya..."Mahal ko... bakit ka naman umiiyak, ako ang magbabayad sa lahat ng mga expenses sa panganganak mo." Nag-aalalang sabi ni Randell sa asawa."Bakit ka narito... naka- move on na ako Randell, unti- unti na akong nakakabangon sa pagwala mo sa buhay namin. Di ba ikakasal ka na kay Andrea...???" Saad ni Quinette."Pabayaan mo lang siya ilabas niya ang sama ng kanyang loob, ganyan talaga pagbuntis . Emotional Mr. Gomez. Lalo na sa sitwasyon niyo ngayon..." Paliwanag ni Dra. Sanchez."Sorry na mahal ko... may mga naaalala na ako kahit papano, every night kitang napapanigipan. Tapos may mga nakikita akong mukha ng bata at ikaw. Kaya madalas akong nasa tapat ng coffee shop mo at nagtanong din ako kay Carl." Paliwanag ni Randell at niyakap niya ng mahigpit ang kanyang asawa."Mabuti naman at naalala mo na ang asawa mo, huwag mo lang pilit
Binilisan pa ni Atty. Suarez ang pag-drive ng sasakyan dahil namimilipit na sa sakit si Quinette. Sobrang mababakas na din sa mukha ni Randell ang pag- aalala. "Quin... okey ka lang ba...??? Malapit na tayo sa ospital konting tiis na lang." Pag-aalalang sabi ni ni Randell."Kaya ko pa naman tiisin. Naninigas langa ng tiyan ko at humihilab." Napapa-igik na sabi ni Quinette."Ano humihilab... manganganak ka na ba...???" Mas lalong kinakabahan na tanong ni Randell. Kaya pakiramdam niya ay siya pa ang ninerbiyos kesa kay Quinette. Ganito ba ang pakiramdam pag manganganak na ang asawa."Malapit na po tayo sir Randell at mam Quin, magpark lang po ako ...." Natataranta ding sabi ni Atty. Suarez.Nang makapag-park na siAtty. Carl ay agad na din siyang bumaba para buksan ang pinto at alalayan sila Randell at Quinette sa pagpasok sa emergency room. "Ano pong nangyari..???" Tanong ng nurse na sumalubong sa kanila." Nagbleeding po siya nurse..." Agad na sagot ni Randell sa nurse."Okey po ial
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.