Share

Chapter 33

Hindi na naituloy ni Kristoff ang kanyang sasabihin sa dalaga. Pagkatapos makapagsalita si Abby ay agad itong umalis sa kwarto dala - dala ang mga damit nito. Hindi na pinigilan ni Kristoff ang dalaga at hinayaan nalang muna na bumalik sa kwarto niya.

Palihim si Abby na nagtungo sa kwarto nila ni Meimei. Tulog pa ang kaibigan nang dumating sya sa kwarto. Agad siyang nagtungo sa kanyang kama at humiga. Kinaumagahan, naligo si Abby sa kanilang banyo sa loob ng kwarto nila. Si Meimei ay nakaupo sa kama at inaayos ang mga gamit nito sa kanyang bag. Nakakunot - noo itong nag-aayos.

"Haist!" Naiinis na reaction ni Meimei. "Grr!" Hindi mapinta ang mukha ng dalaga.

Lumabas si Abby sa banyo na may tuwalyang nakatapis sa katawan nito. Napansin niya na wala sa mood ang kaibigan.

"Okay ka lang ba Meimei?"

Lumapit siya sa dalagang nakasimangot.

"May problema ba?"

"Nakakainis!"

"Huh? Bakit naman?"

"Ayoko na sa kanya!"

"Sino? Sino ang tinutukoy mo Meimei?"

"Di ko na siya crush!"

"Sino?"

"Edi si b
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status