Drop your reactions! thanks
Napanood nila Lala at Abby si Maggie sa isang news sa tv. Ipinakita nito ang engagement ring niya na suot suot ng kanyang isang daliri."Ano ang nararamdaman mo ngayon Ms. Maggie?" tanong ng isang reporter."Napakasaya dahil sa wakas, nagpropose na sa akin ang boyfriend ko na si Kristoff. A dream come true. We are officially engaged! I am so happy!" sagot ni Maggie na ang ngiti ay abot hanggang tenga."Congratulations!""Thank you.."Napangiti si Lala at nagreact sa napanood. "Buti pa siya at engaged na! Siya talaga ang nauna. Talo na tayo!" Nainggit tuloy ito.Hindi makapaniwala si Abby sa napanood. Tahimik lang siya habang patuloy si Lala sa pagsasalita."Ang swerte ni Maggie. Ang gwapo ni Sir Kristoff, gentleman, hot at mayaman! Perfect!"Napalingon si Abby sa kanya. Diretso ang mga tingin nya sa dalaga. Napansin iyon ni Lala na napakaseryoso ng kaibigan."Bakit ganyan ka makatingin sa akin Abby?" Sarkastikong pagtatanong ni Lala. Bigla nalang nasusuka si Abby. Tinakpan niya ang ka
Hindi na natiis ni Abby na hindi sabihin kay Lala ang tungkol sa kanyang pagbubuntis."Lala, may sasabihin ako sa iyo. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihan, kahit sino!"Napakunot noo si Lala na di maintindihan si Abby. Na-curious tuloy siya. "Ano pala iyon?""Ipangako mo muna!" paniniguro ni Abby sa kaibigan. "Wala kang pagsasabihan...""Pati kay Maggie? Ililihim ko rin?" Tanong ni Lala na mas lalong pinagtaka niya.Napatango nalang si Abby. Kaya walang magawa si Lala at sumang-ayon ito sa sinabi ni Abby."Sige.. "Hinawakan ni Abby ang kanyang tiyan at napansin iyon ni Lala. Kahit hindi nagsalita si Abby ay nahalata na ni Lala kung ano ang aaminin nito."Buntis ka Abby?"Diretsong napatingin si Abby sa mga mata ni Lala na tila nagsasabing oo."Sino ang ama? Si Paul ba?" Dagdag na tanong ni Lala. Nagpipigil siya sa nararamdamang sakit at selos."Hindi.." sagot ni Abby na medyo mahina ang boses.Nagulat si Lala. Nanlaki ang kanyang mga mata."Ano? Sino?"Napalunok muna si Abby
Madaling araw na nang magsasara na ang bar kung saan palihim na nagtratrabaho si Lala bilang si Yana. Tahimik na ang lugar at wala ng gaanong tao. Nagsi-uwian na rin ang ibang mga empleyado. Ang hindi alam ni Lala ay naghihintay si Jerick sa labas. Nakatayo ito sa may poste na may ilaw malapit sa entrance ng bar. Naka-insert sa bulsa ang mga kamay niya at nakayuko. Pasulyap -sulyap siya sa pinto na tila may hinihintay na lumabas roon. Napapatingin naman ang ibang empleyadong napapadaan sa kanya. Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay ng binata ay lumabas na rin si Lala. Nakasuot na siya ng denim jacket at maong pants with rubber shoes. Naka-pony tail rin ang buhok nito. Ibang -iba na sa babaeng sumasayaw sa stage kanina. She's the Lala na kilala ni Jerick."Bye!" pamamaalam ni Lala sa mga kasamahan na sa ibang direksyon naglakad. Mag-isa lang si Lala na papunta sa ibang direksyon kung saan naroon nakatayo si Jerick. Hindi napansin ni Lala ang binata dahil nakatingin siya sa hinaha
Nakipagkita si Maggie sa dalawa niyang kaibigan. Nasa isang coffeshop sila at sa may balcony na mesa nakaupo. Panay kwento si Maggie at pinapakita sa dalawa ang suot na singsing."Tingnan ninyo, ang ganda di ba? Engaged na talaga ako!" pagmamayabang ni Maggie na hanggang tenga ang ngiti.Pero ang dalawa ay hindi pala nakikinig. Parehong nakatulalang umiinom ng maiinom. Halata sa dalawa na may iniisip na iba at balewala ang sinasabi ni Maggie."I never imagined this! Well, sa ating tatlo ako naman ang talaga ang swerte pagdating sa pag-ibig. Kaya sigurado, ako mananalo sa pustahan natin!"Nakapansin na si Maggie na wala sa sarili ang dalawa. "Teka, anong nangyari sa inyo? Hey!"Ginulat niya una si Lala at nagising na rin ito. "Lala!" "Aie! Butiki!"Napatingin naman si Lala at sinermunan si Maggie. "Ano ba naman Maggie!? Bakit mo ako ginulat!?""Okay ka lang ba Lala? Nakatulala kasi kayo!"Si Abby naman ay malungkot ang mga matang pinagmasdan ang dalawa."Di ko kayo maintindihan. Hind
Pumunta na ng bar si Lala. Katulad ng dati, nakasuot na ito ng maikling damit na napakafit sa kanya na halos nagmumukhang walang saplot ito. Sa pang - itaas naman niya ay napaka-daring na kita ang cleavage. Isinuot rin niya ang wig nito na kulay pink. Mapula ang kanyang labi at nakamake up siya."Yana, may costumer ka.." tawag kay Lala."Huh?" Napalingon si Lala sa manager na nagtataka. Isang beses lang siyang pumayag noon na may kikitaing costumer. "Anong ibig sabihin nito?""Ano ka ba Lala.. pagkakataon mo na ito para kumita ng pera at makilala. Malay mo, magdadala ang costumer mo ng swerte!" Sagot ng manager."Ano? Swerte? Paano nangyaring swerte?""Hay naku, ang arte nito. Swerte mo nga at may nagrequest sa iyo kesa sa ibang entertainer.""What do you mean?" Napataas ng kilay si Lala habang nakatingin sa mukha ng manager niya. She was so curious."Oo na, sasabihin ko na.. ikaw ang nirequest ng costumer na ito.""Huh? Ako?" Gulat na reaction ni Lala na tinuro pa ang sarili. "Nakapa
Lunes na mag-usap sa videochat ang tatlong magkakaibigan na sina Maggie Cello, Lala Dion at Abby Maureen. Matagal na magkaibigan ang tatlo at pagkatapos ng kolehiyo ay hindi na sila nagkita muli. Sa kanilang tatlo, ang eleganteng manamit ay si Maggie na sa kilos at lakad ay talagang mapapamangha ang ibang tao talaga. Simple naman si Abby pero ibang karisma ang dala nito na mapapahanga ang mga lalaki sa kanya. Sa suot naman ni Lala ay hindi mahahalatang may angking ganda ang kurba ng katawan nito dahil sa suot nitong jeans at mga maluluwang na damit. Pagkatapos ng pag - uusap ng tatlo tungkol sa nalalapit na pagkikita nila, tinawagan agad ni Maggie ang kanyang boyfriend na isang CEO ng isang malaking kompanya na si Kristoff Walter. Sa mukha at tinding palang ay talagang mapatitig ka talaga sa binata. Aakalain mo talaga na isa itong celebrity o di kaya artista dahil sa kagwapuhan nito. He is actually the son of a rich family and the most influencial person sa larangan ng business. "He
Pumunta si Abby sa department store sa isang mall para bumili ng regalo para sa boyfriend niya na si Paul dahil sa bago nitong trabaho sa isang architectural na kompanya. "Ano kayang magandang regalo para sa kanya? hmm..." tanong ni Abby sarili habang naglalakad.Napunta siya sa isang tindahan na may mga binibentang relo. Pumasok ito at lumapit ang isang saleslady sa kanya. "Ano po ang hinahanap nila?" "Uhmm.. Kasi.." Naguguluhang sagot ni Abby na abala ang mga mata sa paghahanap ng isang bagay. "Ireregalo ko sana.." "Para kanino po? Sa boyfriend ninyo?" Napatingin si Abby sa saleslady at napangiti, " Ganoon na nga!" "Ah, ganoon po ba. May imumungkahi po ako.."May kinuha ang saleslady na mga kahon ng relo. Medyo na-curious si Abby at napantingin lang ito habang naghihintay sa kanya. " Heto po miss.. Bagay ito sa inyo, isang couple watch." "Huh?" Namangha si Abby sa pinakitang mga relo. "Ang ganda!" "Tamang tama po iyan." " Sige, bibilhin ko."Hindi na mapinta ang mukha ni
May natanggap na mensahe si Abby mula sa kasintahan na si Paul. "Binigyan nila ako ng welcome party. Mahuhuli ako sa pag-uwi."Medyo nalungkot si Abby nang mabasa niya ito pero wala siyang magawa. Kailangan din ni Paul na makipaghalubilo sa mga bagong kasamahan sa trabaho. Nagsulat si Abby sa maliit na papel at inilagay sa mesa kung saan naroon ang kahon ng cake at ang regalo niya na isang relo para kay Paul."Congratulations!"Napangiti si Abby nang binasa niya ulit ang isinulat at iwan ito sa mesa pero bakas pa rin sa mukha ang lungkot na hindi man lang niya nakasama ang Kasintahan. Napatingin din siya pagkatapos sa suot nitong relo na kapareha sa regalong relo nito kay Paul."11:30"--------Samantala, patuloy ang hiyawan sa bar habang sumasayaw at kumakanta ang babae na kinikilala nilang si Yana."Cheers!"Nagkakasiyahan pa ang grupo ni Paul at nagsimula na rin magsayawan sa kanilang lugar."Yeah! Yieee! Yoh!"Inaangat ang dalang mga bote sabay hiyaw at sigaw ng mga lalaki. Sumab