Share

Chapter 85

Hindi na natiis ni Abby na hindi sabihin kay Lala ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

"Lala, may sasabihin ako sa iyo. Pero ipangako mo na wala kang pagsasabihan, kahit sino!"

Napakunot noo si Lala na di maintindihan si Abby. Na-curious tuloy siya.

"Ano pala iyon?"

"Ipangako mo muna!" paniniguro ni Abby sa kaibigan. "Wala kang pagsasabihan..."

"Pati kay Maggie? Ililihim ko rin?" Tanong ni Lala na mas lalong pinagtaka niya.

Napatango nalang si Abby. Kaya walang magawa si Lala at sumang-ayon ito sa sinabi ni Abby.

"Sige.. "

Hinawakan ni Abby ang kanyang tiyan at napansin iyon ni Lala. Kahit hindi nagsalita si Abby ay nahalata na ni Lala kung ano ang aaminin nito.

"Buntis ka Abby?"

Diretsong napatingin si Abby sa mga mata ni Lala na tila nagsasabing oo.

"Sino ang ama? Si Paul ba?" Dagdag na tanong ni Lala. Nagpipigil siya sa nararamdamang sakit at selos.

"Hindi.." sagot ni Abby na medyo mahina ang boses.

Nagulat si Lala. Nanlaki ang kanyang mga mata.

"Ano? Sino?"

Napalunok muna si Abby
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status