Share

69 [ LIHIM NA PAG-TINGIN ]

DALAWANG ARAW na ang lumipas simula nung 1st month ni baby.Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung para saan nga ba ang bulaklak na pinabigay ni sir.Masaya naman ako dahil may bulaklak na natanggap.Pero nalulungkot din kasi hindi siya mismo ang nagbigay.Nilagay ko lang dito sa flower vase ang bulaklak para hindi malanta.Ang bango pa ng amoy.Hindi ako mahilig sa bulaklak at wala akong alam na pangalan ng bulaklak, pero gustong gusto ko itong bulaklak na nasa harap ko ngayon.

Ilang linggo ko ng hindi nakita si sir.Sabi ni Mamay ay bumalik raw sa Maynila at hindi pa nakauwi.Hindi ko alam kung bakit hinahanap ko siya.Na mi-miss ko lang siguro ang presensya niya, kahit tatlong araw ko lang naman siyang nakilala.Pero hindi naman ata imposible na magustuhan mo ang isang tao sa loob ng tatlong araw, hindi ba?

Nahihibang na nga ata ako.

“Ano ang tinatawa-tawa mo d’yan?” biglang sulpot ni Mamay.

“Wala po,May may iniisip lang po,” tugon ko agad at umiwas ng tingin.

“Asus!Kitang-
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status