FORTY EIGHT
NAGISING siya na nasa hindi siya pamilyar na silid. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay ang navy blue na pintura ang agad na bumungad sa kanyang mga mata alam niya kung kaninong silid siya naroroon ng mga oras na iyon dahil ilang beses na siya nitong dinala sa silid na ito.
Agad siyang napalingon sa kanyang tabi, wala na ito roon at halatang kanina pa ito bumangon. Napabuntung hininga na lamang siya. Hindi niya maintindihan ito kung bakit siya nito pinapatulog sa loob ng silid nito.
Bumangon na siya at aalis na sana mula sa kama ng bigla na lamang siyang makarinig ng isang putok. Putok na nasisiguro niyang galing sa isang baril dahil hindi naman siya ganun ka ignorante sa tunog ng baril dahil nag - aral rin siya noon kung paa ang bumaril dahil sa
FORTY NINEISANG malawak na lupain ang binabaan ng sinasakyan niyang helicopter. Hindi niya nakita ang mga dinaanan nila dahil umupo sa magkabila niyang gilid ang mga tauhan ni Zake na nagbantay sa kanya.Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng kaunting inis dahil dito. Hanggang sa pagsakay helicopter ay hindi man lang siya binigyan ng kalayaan ng mga ito.Hindi din niya alam kung pinabantayan talaga siya nito o ibinilin na sadyang umupo ang mga ito sa dalawang magkabilang side niya upang hindi niya makita ang mga dadaanan nila.Napabuntung hininga na lamang siya ng lumapag ang eroplano sa malawak na damuhan.&n
FIFTYBIGLANG napamulat ang kanyang mga mata ng isang imahe ang lumabas mula sa kanyang isip at muling napatitig sa larawang nasa harap niya ng mga oras na iyon. Kamukha niya nga ito, magkahawig na magkahawig sila at sa malamang ay ito nga ang ina ni Zake.Hindi niya napansin na napatagal na pala siya sa pagtitig sa larawan at nang lingunin niya ang babaeng sinusundan niya kanina ay nakatayo ito malapit sa hagdan at halatang iritado na dahil sa tagal niya.Bigla siyang napalakad ng mabilis at lumapit na rito, napayuko na lamang siya dahil hindi niya alam kung paano pakitunguhan ito.
FIFTY ONENAGISING siya na mabigat ang pakiramdam, hindi niya alam pero parang sobrang bigat ng pakiramdam niya na halos ayaw pang maimulat ng kanyang mga mata. Pagmulat ng kanyang mga mata ay nasa silid pa rin siya, iginala niya ang kanyang mga mata sa buong silid na ngayon ay may kurtina na ang binata at sa tabi niya ay may mga paper bag na kahit hindi niya buksan at isa - isahin ang mga iyon ay nasisiguro niyang mga damit ang lamang n'yon.Napalingon siya sa bintana, umiihip ang hangin rito na dumadampi sa kanyang balat, muli siyang napapapikit at napatanong sa kanyang sarili kung hanggang kailan nanaman siya mananatili sa lugar na iyon.Ilang saglit
FIFTY TWOHINDI pa rin siya lumalabas ng kanyang silid hanggang sa mga oras na iyon, ni ang bumaba para kumain ay hindi niya ginawa dahil hindi niya alam pero ayaw niyang bumaba dahil pakiramdam niya ay hindi talaga siya welcome sa bahay na iyon dahil sa mga titig ng mga taong naroroon.Ang bawat kilos niya ay pinapanuod at sinusundan ng mga ilang pares na mata at hindi niya alam kung paano gumalaw ng maayos sa lugar na iyon. Pakiramdam niya ay tila siya sinasakal at nawawalan siya ng hininga dahil sa mga titig ng mga taong nakapaligid sa kanya.Ilang saglit pa ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang silid kaya nabaling ang kanyang tingin rito. Bumungad doon ang babaeng nakasimangot at halatang iritado ng mga oras na iyon
FIFTY THREEPAGBUKAS niya ng pinto ng banyo ay agad na napakunot ang noo niya dahil madilim naman ngunit nakakarinig siya ng lagaslas ng tubig. Hindi pa naman niya binubuksan ang tubig at isa pa ay ni hindi niya pa nga binubuksan ang switch ng ilaw sa kanyang banyo.Sa kanyang pagtataka ay agad niyang hinanap ang switch ng ilaw sa tabi ng pinto ng banyo upang lumiwanag ang loob nito, napakunot pa lalo ang kanyang noo dahil nakita niya na hindi naman nakasindi ang kanyang tubig sa kanyang banyo ngunit patuloy pa rin ang naririnig niyang paglagaslas ng tubig.Lumapit siya at pilit niyang hinahanap kung saan nagmumula ang naririnig niyang lagaslas ng tubig, lumapit siya sa bandang bowl niya at tila palakas
FIFTY FOURNAGISING siya na hindi niya maipaliwanag ang kanyang pakiramdam. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay hindi pa rin nagbabago ang pakiramdam niya.Hindi niya alam kung anong oras na siya nakatulog kagabi at kung anong oras na umalis si Zake sa tabi niya. Ramdam na ramdam niya ang pananakit ng katawan niya, sigurado siya na ilang oras lamang ang naging tulog niya dahil pakiramdam niya ay katutulog niya lamang.Ipinikit niya ang kanyang mga mata upang matulog pa sana ngunit hindi na siya inaantok pa, gising na gising na ang diwa niya.Muli siyang napamulat ng kanyang mga mata at napatanong sa kanyang saril
FIFTY FIVENAPAANGAT ang kanyang kilay habang nakatingin dito. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito at kung saan nito napulot ang sinasabi nito ng mga oras na iyon.Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito ngunit hindi niya matandaan na nakita na niya ito sa tanang buhay niya, nasisiguro niya na ngayon niya lamang ito nakita kaya imposible naman ang sinasabi nito sa kanya."Sinabi lang nila sa akin iyon," nakangising saad nito at pagkatapos ay napailing.Napakunot naman ang kanyang noo dahil sa sinabi nito. Sino naman sana ang nagsabi nito sa kanya at paano naman sana nakaksigurado ang source nito na spoiled brat nga siya?Well, una sa lahat ay hindi naman talaga siya spoiled brat. Sadyang mahal na mahal lang talaga siya ng kanyang mga magulang kaya halos lahat ng gusto niya ay ibinibigay n
FIFTY SIXNGUMITI rin ito sa kanya at pagkatapos ay nagsalita habang nakatingin ito sa kanyang mga mata."Hindi ka ba magkwekwento? Ang dami ko ng naikwento sayo kaya sana magkwento ka naman." Nakangiting saad nito.Nag - iwas siya ng kanyang tingin at napatingin sa harap niya.Ano nga ba ang dapat na ikwento niya rito o kung meron nga ba talaga siyang maikukwento? Wala naman siyang alam na ikwento rito at isa pa ay wala namang nakaka excite sa buhay niya."Wala naman akong dapat na ikwento sayo." Walang gana niyang sagot rito na may katotohanan naman.&