SIXTY FOUR
HABANG humahakbang ang kanyang mga paa ay tumutulo din ang kanyang mga luha. Labag na labag sa kalooban niya ang gagawin niya pero kailangan na.
Habang pababa ng hagdan ay walang tigil ang pagbuhos ng kanyang mga luha. Ayaw niyang lumayo at ayaw niyang umalis sa tabi nito kahit pa hindi siya nito mahal at tinuturing lamang na pampalipas oras nito.
Napakabigat ng kalooban niya, tila siya sinasaksak sa bawat hakbang niya. Napakasakit. Sobra.
Parang may bumikig sa kanyang lalamunan at tila siya sinasakal. Napakagat labi siya at pilit na sinusupil ang kanyang mga hikbi.
Sa dahan - dahan niyang paglalakad ay mabuti at nakababa siya ng hagdan.
SIXTY FIVE"I don't care anymore, kase ikaw na yung importante ngayon." He answered trying to be close to her again. Ngunit katulad ng ginawa niya kanina ay muli siyang humakbang patalikod. Umiling siya at natawa ng pagak ng mga oras na iyon dahil kung kailan siya nito minahal ay saka naman niya na dapat ng layuan ito dahil mas mahihirapan lamang ito kapag ipinagpatuloy niya ang pananatili niya doon.Mas makakaya na niyang madurog ang puso niya kaysa makasama niya nga ito ngunit napakalaking panganib naman ang nakaantabay rito.At alam niya sa sarili niya na hi
SIXTY SIXNAKASANDAL siya sa huling upuan ng kotse habang nakatingin sa daan. Dapat ay masaya siya na nakawala na mula sa pagkakakulong niya sa piling nito. Kung noon siguro noong bago pa lamang siya nitong nabihag ay matutuwa sana siya ng sobra, ngunit ngayon ay iba na.Habang papalayo siya mula sa bahay kung saan siya nanatili ng ilang araw kasama ang lalaking alam niyang mahal na mahal niya ay tila unti - unting namamatay ang katawan niya. Tila nawawalan na siya ng pakiramdam ng mga oras na iyon dahil sa sakit na nararamdaman niya.Wala siyang ibang inisip noon kung hindi ang makatakas sa piling nito, pero ngayon na unti unti na siyang naka
SIXTY SEVENISANG mahinang pagyugyog sa balikat niya ang nagpagising sa kanya. Sa muling pagmulat ng kanyang mga mata ay si Nick mula ang bumungad sa kanyang mga mata.Agad siya nitong nginitian at pagkatapos ay hinalikan siya nito sa kanyang noo. Wala siyang naging reaksiyon ng mga oras na iyon at hinayaan na lamang ito.Pagkatapos ay inalalayan na siya nito na lumabas ng sasakyan. Pagkalabas nila ng sasakyan ay nakita niyang nakatayo sa harap ng bahay ang kanyang Mommy at Daddy. Agad na tumakbo ang mga ito ng makita siya upang yakapin. Napakatagal ng panahon na hindi sila nagkita.Mahigpit ang naging pagyakap ng mga ito sa kanya ngunit nanatili lamang siya na tila estatwa habang yakap - yakap siya n
SIXTY EIGHTPATULOY pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa mga oras na iyon. Agad niyang isinara ang pinto pagkatapos niyang makapasok sa loob ng silid.Sumandal siya sa pinto at patuloy sa pag - iyak. Durog na durog ang kanyang puso sa mga oras na iyon. Wala na siya sa tabi ni Zake at parang wala ng silbi ang buhay niya ng mga oras na iyon.Naipaikot niya ang kanyang tingin sa loob ng kanyang silid, wala pa ring nagbago doon. Wala siyang gamit na natanggal ang pinagkaiba lang ay ang mga bagong kobre kama ng kanyang kama dahil bago na ito.Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil tila naninikip ito. Parang nahihirapan siyang makahingaBakit sa dami ng tao sa mundo ay bakit kailangan pa na siya ang makaranas ng l
SIXTY NINEMATAAS na ang sikat ng araw ng magising siya. Kung hindi pa nga pumasok sa loob ng kanyang silid ang sikat ng araw at matamaan ang mukha niya ay paniguradong hindi pa siya magigising ng mga oras na iyon.Naitaas niya ang kanyang kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkatapos ay bumangon na siya, nag - inat siya at itinaas ang dalawang kamay. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakakumot pa lamang ng mga oras na iyon.Napalingon siya sa bintana ng kanyang silid, mataas na nga talaga ang sikat ng araw. Mukhang napahaba ng husto ang kanyang tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya natulog kagabi dahil sa pag - iyak. Hindi niya kase mapigil ang sarili na isipin ang mga bagay - bagay kaya hindi niya rin maiwasan ang masaktan pa.
SEVENTYBUMABA siya sa kanilang kusina pagkatapos niyang maligo. Wala siyang naabutang tao doon nang bumaba na siya kaya kumain na lamang siyang mag - isa. Hindi pa nga pala siya kumain kagabi, isa pa ay kailangan niyang kumain ng kumain upang makabawi siya ng lakas niya..Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaharap sa hapag, kahit hindi na siya kumakain ay nanatili lamang siya doong nakaupo at nakatitig sa kawalan habang nakasandal sa upuan ng inuupuan niya.Hindi na niya alam kung ano ang dapat niya pang isipin ng mga oras na iyon. Gusto na niyang iwasan si Nick pero paano niya iyon gagawin? Paano niya sasabihin dito na wala na kahit isang katiting siyang pagtingin dito na nabaling na niya lahat ang kanyang pagmamahal kay Zake ng mga oras na iyon.Hindi niya din ala
SEVENTY ONENANGHIHINA siyang naglakad paupo pabalik sa kanilang kusina, muli siyang naupo sa inupuan niya kanina. Nanginginig pa ang mga tuhod niya ng mga oras na iyon dahil sa takot na hindi niya naman alam kung bakit niya naramdaman.Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang Daddy at tiningnan siya kung may masama na bang nangyari sa kanya.Puno ng pag - aalala ang mukha nito ng mga oras na iyon. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin sa ibang direksiyon. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Sunod - sunod ng tanong nito sa kanya. Isang iling lang ang naging sagot niya rito, hind
SEVENTY TWOPASADO alas sais na nang lingunin niya ang wall clock na nakasabit sa dingding niya. Napalingon din siya sa labas ng kanyang bintana kung saan iniwan niya talaga iyong bukas ng mga oras na iyon.Naglalaban na ang dilim at liwanag ng mga oras na iyon at halos mas nananaig na ang kadiliman kaya malapit ng tuluyan na magdilim ang buong labas dahil gabi na.Hindi niya pa rin maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa mga oras na iyon. Agad siyang tumayo kanina at umalis sa harap ng lamesa pagkatapos nilang mag - usap ng kanyang ama upang i - empake lahat ng gamit niya. Napakadami niyang gamit at mga damit ngunit pinili lamang niya ang kanyang mga dinala na inilagay niya sa kanyang maleta.Akala niya ay nagbibiro lamang ang kanyang ama sa sinabi nitong pag - iimpake dahil kanina noong pumasok siya sa kanyang silid at nahiga sa kanya