SIXTY EIGHT
PATULOY pa rin ang pagbagsak ng kanyang mga luha sa mga oras na iyon. Agad niyang isinara ang pinto pagkatapos niyang makapasok sa loob ng silid.
Sumandal siya sa pinto at patuloy sa pag - iyak. Durog na durog ang kanyang puso sa mga oras na iyon. Wala na siya sa tabi ni Zake at parang wala ng silbi ang buhay niya ng mga oras na iyon.
Naipaikot niya ang kanyang tingin sa loob ng kanyang silid, wala pa ring nagbago doon. Wala siyang gamit na natanggal ang pinagkaiba lang ay ang mga bagong kobre kama ng kanyang kama dahil bago na ito.
Napahawak siya sa kanyang dibdib dahil tila naninikip ito. Parang nahihirapan siyang makahinga
Bakit sa dami ng tao sa mundo ay bakit kailangan pa na siya ang makaranas ng l
SIXTY NINEMATAAS na ang sikat ng araw ng magising siya. Kung hindi pa nga pumasok sa loob ng kanyang silid ang sikat ng araw at matamaan ang mukha niya ay paniguradong hindi pa siya magigising ng mga oras na iyon.Naitaas niya ang kanyang kamay upang takpan ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Pagkatapos ay bumangon na siya, nag - inat siya at itinaas ang dalawang kamay. Ang kalahati ng kanyang katawan ay nakakumot pa lamang ng mga oras na iyon.Napalingon siya sa bintana ng kanyang silid, mataas na nga talaga ang sikat ng araw. Mukhang napahaba ng husto ang kanyang tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya natulog kagabi dahil sa pag - iyak. Hindi niya kase mapigil ang sarili na isipin ang mga bagay - bagay kaya hindi niya rin maiwasan ang masaktan pa.
SEVENTYBUMABA siya sa kanilang kusina pagkatapos niyang maligo. Wala siyang naabutang tao doon nang bumaba na siya kaya kumain na lamang siyang mag - isa. Hindi pa nga pala siya kumain kagabi, isa pa ay kailangan niyang kumain ng kumain upang makabawi siya ng lakas niya..Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakaharap sa hapag, kahit hindi na siya kumakain ay nanatili lamang siya doong nakaupo at nakatitig sa kawalan habang nakasandal sa upuan ng inuupuan niya.Hindi na niya alam kung ano ang dapat niya pang isipin ng mga oras na iyon. Gusto na niyang iwasan si Nick pero paano niya iyon gagawin? Paano niya sasabihin dito na wala na kahit isang katiting siyang pagtingin dito na nabaling na niya lahat ang kanyang pagmamahal kay Zake ng mga oras na iyon.Hindi niya din ala
SEVENTY ONENANGHIHINA siyang naglakad paupo pabalik sa kanilang kusina, muli siyang naupo sa inupuan niya kanina. Nanginginig pa ang mga tuhod niya ng mga oras na iyon dahil sa takot na hindi niya naman alam kung bakit niya naramdaman.Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang Daddy at tiningnan siya kung may masama na bang nangyari sa kanya.Puno ng pag - aalala ang mukha nito ng mga oras na iyon. Napaiwas siya ng tingin dito at tumingin sa ibang direksiyon. "Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Sunod - sunod ng tanong nito sa kanya. Isang iling lang ang naging sagot niya rito, hind
SEVENTY TWOPASADO alas sais na nang lingunin niya ang wall clock na nakasabit sa dingding niya. Napalingon din siya sa labas ng kanyang bintana kung saan iniwan niya talaga iyong bukas ng mga oras na iyon.Naglalaban na ang dilim at liwanag ng mga oras na iyon at halos mas nananaig na ang kadiliman kaya malapit ng tuluyan na magdilim ang buong labas dahil gabi na.Hindi niya pa rin maintindihan ang lahat ng mga nangyayari sa mga oras na iyon. Agad siyang tumayo kanina at umalis sa harap ng lamesa pagkatapos nilang mag - usap ng kanyang ama upang i - empake lahat ng gamit niya. Napakadami niyang gamit at mga damit ngunit pinili lamang niya ang kanyang mga dinala na inilagay niya sa kanyang maleta.Akala niya ay nagbibiro lamang ang kanyang ama sa sinabi nitong pag - iimpake dahil kanina noong pumasok siya sa kanyang silid at nahiga sa kanya
SEVENTY THREETUMAWA ito dahil sa pagsigaw niya. Tawa ng tila isang baliw.Napapikit ng mariin ang kanyang ama na tila hinihintay nito na kalabitin na nito ang gatilyo ng baril na nakatutok na sa ulo nito. Ang kanyang ina ay napaiyak ng malakas dahil sa matinding takot.Muli siyang nagpumiglas na makadaan sa mula sa mga lalaking nasa harap niya na pumipigil sa kanya ngunit sadyang malakas talaga ang mga ito at hindi siya makadaan.Wala siyang magawa kundi ang umiyak at sumigaw."P
SEVENTY FOURHINILA siya nito hanggang sa labas at hindi na siya nakaangal pa. Nagpahila na lamang siya, gusto niya mang hilahin ang kanyang kamay na hawak - hawak nito habang naglalakad sila ay hindi niya nagawa dahil mahigpit ang pagkakahawak nito doon.Sumalubong sa kanya sa kanilang paglabas ang nagkumpol kumpol na sasakyan sa kanilang harapan na nasisiguro niyang sinakyan ng mga tauhan nito. Hindi niya alam kung bakit ganito na ito ngayon ngunit hindi naman niya makuha ang magtanong rito.Tila ba wala siyang lakas na tanungin ito at isa pa ay parang hindi pa iyon ang tamang oras para tanungin niya ito dahil parang ang gulo - hulo pa ng sitwasyon at isa pa ay parang hindi pa ito makakausap ng maayos.Inakay s
SEVENTY FIVENAGISING siya na maliwanag na ang buo niyang paligid at mataas na rin ang sikat ng araw. Nagmulat siya ng kanyang mga mata, isang hindi pamilyar na silid ang kinamulatan ng mga mata niya. Hindi iyon ang silid niya at hindi rin iyon ang silid ng mga magulang niya.Ilang beses siyang kumurap bago nag - sink in lahat ng nangyari sa kanyang utak. Doon niya pa lamang naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Ang tanging natatandaan niya lang ay ang pagtakip ni Nick ng panyo sa kanyang ilong kung saan iyon na ang naging dahilan ng pagkawala ng malay niya. Hindi niya alam kung ano na ang mga sumunod na nangyari pagkatapos nun at kung nasaan na siya sa mga oras na iyon.Agad siyang nag - inat na. Ng
SEVENTY SIXHINDI niya napansin na napatagal na pala siya sa kanyang banyo. Wala naman siyang gjnawa kundi ang tumunganga lamang doon at hindi niya na napansin na inubos na pala niya ang mahigit kalahating oras na nasa loob nito.Kung hindi pa siya kinatok ni Nick ay hindi niya pa maiisip na lumabas na dahil na rin sa pagsigaw nito sa labas ng pinto kaya naalarma na siya dahil mukhang galit na ito.Nagmamadali siyang lumabas sa banyo at nabuksan niya ito na nakapameywang sa harap ng pinto at nagsasalubong ang mga kilay. Hindi na din magana ang mukha nito dahil mukhang inis na inis na.