Share

Chapter 9.2

Agad niyang ipinarada ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng gusaling pinuntahan niya. Dahil nga tanghali na ng mga oras na iyon ay nasisiguro niyang nasa opisina na nito si Andrei kaya doon na siya dumiretso at hindi na sa condo nito. Bago siya lumabas ng kotse ay napairap siya sa hangin, paano ba naman ay makikita na naman niya ang impaktang sekretarya ni Andrei na kinaiinisan niya ng sobra- sobra.

Napabuga na lamang siya ng malalim na buntung- hininga upang kahit papano ay mabawasan ang stress niya kahit hindi pa man sila nagkikita nito. Ilang sandali pa nga ay mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang kotse at pagkatapos ay taas ang nooong naglakad papasok sa gusali.

Kitang- kita niya ang mga tinginan sa kaniya na hindi niya naman pinansin. Ang iba ay punong- puno ng paghanga ngunit ang iba ay syempre pagka- disgusto ang makikita sa mga mukha nila marahil siguro sa inggit o kung ano pa man. Ganun pa man ay hindi niya iyon pinansin at nagtuloy- tuloy sa kung nasaan ang elevator at m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rebecca Capitle
sorry vena....ang lungkot ko para sayo....malay mo darating ang time n maisip k rin ni andrei....dont lose hope....more update plsss
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status