Share

CHAPTER IX - "Bad News, Again!"

Leigh's POV

Kinabukasan pumunta kami sa ospital para kausapin ang Daddy ni Yosep tungkol sa nangyari, maaaring nakita niya kung sino ang may gawa ng pagkawala nang anak niya. Habang nasa pasilyo nang ospital halata na hindi parin nagpapansinan sina Vico at Annie at mapapansing may kakaiba parin sa pagitan nang dalawa.

"Ah Vico, pwede ba kita makausap?" hindi na natiis ni Annie ng tawagin ang pansin ni Vico, tumango siya bilang pagsangayon.

"Gusto ko lang humingi nang Sorry sa nangyari kagabi"

"Hindi mo kailangan mag-sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil ako naman nagsimula. Pasensya ka na Annie, marami lang ako iniisip dahil sa nangyari, wala naman ako sinisisi sa nangyari, gusto ko lang talaga ligtas tayong lahat, kaya I'm sorry talaga sa mga nasabi ko."

"Tama ka naman eh, may mali naman talaga ako sa nangyari. Wag kayo mag-alala mula ngayon mag-iingat na ko."

"Kalimutan mo na yun, ang mahalaga makagawa tayo ng paraan pa'no mahahanap si Abby at Yosep."

"Salamat, I'm sorry talaga." napangiti kami nang magyakap sila. 

Mabuti nalang nagka-ayos din sila. Alam naming hindi nila matitiis ang isa't isa, sanay naman na kami sa ganitong sitwasyon pag may hindi pagkakaintindihan ang sino man sa amin ay hindi namin pinapatagal at nagkakaayos din.

Nang makarating kami sa tapat nang kwarto ng daddy ni Yosep, dinig kong pawang may nag-uusap sa loob, nakita kong nakaawang ang pinto, sinilip ko kaya't nakita ko ang isang pulis na kinakausap niya si Tito.

Naghintay kami sa labas bago pumasok, at maya-maya pa ay lumabas na rin siya, bumati lang kaming lahat sa kanila at tsaka pumasok sa loob.

Napansin kong naiwan si Vico sa labas at mukhang kinakausap niya ang pulis.

"Ahm Jerry dito lang kayo ha, samahan ko lang si Vico sa labas, kausap niya yung pulis."

"Sige, dito lang kami, ako na bahala dito." paglabas ko nang kwarto, napansin kong sumunod din si Annie

"Samahan ko na kayo." tumango nalang ako bilang pagsangayon.

Napalingon sila parehas sa amin, nang mapansin nila kami lumabas nang pintuan.

"Sorry po Sir, ako po si Leigh at ito naman po si Annie gusto lang po namin magtanong, may balita narin po ba kayo tungkol sa pagkawala ni Abby Jimenez?"

"By the way ako nga pala si SPO3 Diego Garcia, ako ang may hawak nang kaso nang pagkawala ng mga kaibigan niyo, tungkol sa pagkawala ni Ms. Abby Jimenez sa totoo lang wala pa kami malinaw na imbestigasyon, pero pinagtataka namin, isang linggo na mahigit ang nangyari pero wala pa narereceived na tawag ang pamilya niya sa mga kidnapper's para humingi nang randsome money, maaaring hindi lang ito kidnapping, lalo nang umigting ang paniniwala ko ngayon sa sumunod na pagkawala ni Mr. Yosep De Guzman, kayo po ba? wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? 

"Ah, w-wala naman po." Sagot ni Vico

"Pero kayo ang madalas na kasama ng dalawa, maaaring may alam kayo o nabanggit sila bago ang kanilang pagkawala."

"W-wala po talaga, w-wala po silang nabanggit samin, nagtataka rin po kami bakit nangyayari 'to." sagot ni Annie

"Tama po siya, wala po talaga sila naikwento samin." dagdag ko

"Sige po, kung may malalaman man po kayo makipag-ugnayan lang po kayo samin para mas madali po natin masolved ang kaso at mahanap ang kaibigan niyo."

"Sige po maraming salamat po!" muling sagot ko, nagpaalam na siya at bumalik kami sa kwarto ng daddy ni Yosep

"Kasalanan ko 'to, kung hindi ko sana isinama si Yosep hindi sana nangyari 'to, sana ako nalang kinuha niya at hindi ang anak ko."

Nang makapasok ako sa loob ay naabutan kong kausap nila ang Daddy ni Yosep

Ramdam kong sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari, mabuti nandito kami kahit papaano ay napagaan namin ang kalooban niya.

Inintay namin siyang makatulog bago kami umalis sa ospital.

"Ahm guys pwede bang mauna na ako sa inyo? Pinapapunta kasi ako ni Daddy sa office." Paaalam ni Sam

"Samahan na kita, sabay na ako sayo, parehas lang naman way natin pauwi, nagmamadali din kasi ako may kailangan lang ako gawin, Kung okay lang naman sayo" tanong ni Annie

"Sige, No Problem! tara! Guys' sorry ha, baka masabon na naman ako ni Daddy pag hindi ako nakarating"

"Sige, basta mag-iingat kayo ha!" paalala ko.

Nang makaalis si Annie at Sam, nagpaalam na din kami sa isa't-isa at nagdesisyong umuwi muna sa aming mga bahay.

Ilang oras ang lumipas pagkadating ko sa bahay, tinawagan ako ni Louie.

"Hello, Leigh nagtext ba sayo si Sam kung nasaan siya? Tinawagan kasi ako nang Mommy niya di pa daw umuuwi, Nagalitan ata ng Daddy niya kanina, umalis daw sa office at hanggang ngayon hindi pa daw umuuwi, hindi kaya, nakuha na din siya?"

"Diyos ko, wag naman sana! Natanung mo na ba sila baka alam nila kung nasaan si Sam, Si Annie, baka alam niya kung nasaan si Sam, siya ang huling kasama niya diba?"

"Ou, natawagan ko na silang lahat, hindi rin nila alam, Si Annie nauna daw siyang ihatid bago pumunta nang opisina, at yun narin huling kita niya kay Sam, ikaw na nga ang panghuli kong nakausap, anong gagawi natin."

"Hindi ko alam, sa ngayon umasa nalang tayo na sana ligtas siya."

"Sige tawagan ulit kita pag may balita na tungkol kay Sam."

Dumaan ang mahabang oras, hindi ko alam pero umiral na naman ang kaba sa dibdib ko, sana naman walang nangyari kay Sam.

Ilang beses ako nanalangin na sana hindi, wala, walang kasunod na masamang mensahe, pero mali ako.

Ilang minuto palang ang nakakaraan, dumating ang mensaheng hinding-hindi ko hihilingin na matanggap. 

Parang hinigop lahat nang lakas ko nang natanggap ang mensahe at mapanood ito, wala na, wala na talaga kami magagawa, uubusin niya kami.

Ngayon ang buhay namin ay naka-depende nalang lahat sa bawat pag-ikot nang bote, na iniintay nalang naming matapatan kami nang pagtigil nito at doon na magtatapos ang buhay namin. 

Sa nangyayari isa lang ang napatunayan ko, totoo ang karma at nangyayari na sa amin ngayon. Hindi ko akalaing sa ganitong paraan namin pagbabayaran ang nagawa namin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status