Share

CHAPTER VIII - "Keep Your Friends Close and Your Enemy Closer"

Annie's POV

Nang magising ako ay, agad kong dinampot ang cellphone sa katabing table nang kama ko.

Binasa ko ang mensahe sa akin ni Leigh na pupunta kami sa ospital, dahil bibisitahin namin ang Daddy ni Yosep.

Bigla kong naalala ang nangyaring pagtatalo sa pagitan namin ni Vico kagabi, napatingin ako sa litratong nakapatong sa table na katabi nang kama ko. Kinuha ko yun at niyakap.

Pagkatapos nun ay binalik ko iyon sa dati nitong kinalalagyan at bumangon at nag-ayos nang sarili.

Pumunta ako sa ospital gaya nang napag-usapan, pagkadating ko doon ay nakita ko silang nagiipon-ipon sa lobby, sinalubong nila ako at sabay-sabay na pumasok sa loob.

Habang nasa pasilyo nang ospital napansin kong naiilang si Vico sa akin at hindi ako pinapansin, ganun din ako sa kanya, pero hindi ko matitis na may tensyong namamagitan sa amin kaya naisip kong wala naman sigurong masama kung kakausapin ko siya.

"Ah Vico, pwede ba kita makausap?" hindi ko na natiis kaya tinawag ko siya, napangiti ako nang tumango siya bilang pagsangayon.

"Gusto ko lang humingi nang Sorry sa nangyari kagabi" panimula ko

Napatingin silang lahat sa akin at tumigil sa paglalakad

"Hindi mo kailangan mag-sorry, ako dapat ang humingi ng sorry sayo dahil ako naman nagsimula. Pasensya ka na Annie, marami lang ako iniisip dahil sa nangyari, wala naman ako sinisisi sa nangyari, gusto ko lang talaga ligtas tayong lahat, kaya I'm sorry talaga sa mga nasabi ko."

Alam kong parehas kami na nahihirapan sa mga nangyayari pero alam kong may point parin siya sa mga nasabi niya sa akin kagabi.

"Tama ka naman eh, may mali naman talaga ako sa nangyari. Wag kayo mag-alala mula ngayon mag-iingat na ko." seryosong paliwanag ko

"Kalimutan mo na yun, ang mahalaga makagawa tayo ng paraan pa'no mahahanap si Abby at Yosep."

Nang sabihin niya yun ay hindi ko napigilang yakapin siya.

"Salamat, I'm sorry talaga." 

Masaya akong nagkaayos na ulit kami ni Vico, nang magpatuloy na kaming maglakad papunta sa kwarto ng daddy ni Yosep, nagpahuli ako sa kanila, hindi ko napigilang pagmasdan silang lahat.

I'm sorry guys, hindi ko naman kagustuhang mangyari 'to kung alam niyo lang, sabi ko sa isip ko at tsaka ako nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.

Nang makarating kami sa tapat ng kwarto ng ospital kung saan nadoon ang Daddy ni Yosep, naulinigan naming na may kausap siya at nang silipin ko sa nakaawang na pinto, kinakausap siya nang isang lalaking naka-uniporme nang pulis na pawang nagtatanong sa mga nangyari, naghintay kami sa labas at nakinig.

"Papunta sana kami sa isang restaurant para makipagkita sa isa sa bagong investor ng kumpanya ko, may nabangga ang sasakyan naming isang tao, lumabas kami nang kotse para sana tingnan kung sino at kung nasaktan ba siya, pero pagbaba namin ng sasakyan walang bakas nang katawan ng tao sa sahig, sinubukan kong silipin sa ilalim nang kotse pero bigla nalang may pumalo sa ulo ko at sumunod noon hindi ko na alam ang nangyari, nagising nalang ako na nakatali sa loob nang sasakyan at wala na si Yosep." Dinig naming mula sa labas ang mga sinabi niya.

"Hindi niyo po ba talaga nakilala o nakita kung sino yung taong nabangga niyo? Maaari po kasi na siya ang kumuha sa anak niyo." tanong nang pulis

"Hindi, sobrang bilis nang pangyayari, ni hindi ko nakita ang mukha niya."

"Wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? May tao po ba kayong nakagalit o nakaaway na may kakayahang gumawa nito?" dagdag na tanong ng pulis

"Wala, wala akong naaalala, maayos ang relasyon ko sa mga business partner at mga empleyado ko, kahit sa mga kaibigan ko, at wala ding nakakaaway ang pamilya namin, kaya hindi ko alam kung bakit nangyari 'to." napatungo nalang kaming lahat sa kanyang sinabi, kung alam lang niya.

"Sige po Sir, maraming salamat po, wag po kayong mag-alala, gagawin po namin lahat para maimbestigahan ang nangyari. Sige po Mr. De Guzman, maraming salamat po, babalitaan nalang po namin kayo sa magiging imbestigasyon namin, tuloy na rin po ako" 

Nagpaalam na siya at lumabas ng kwarto, bumati kami sa kanya at pumasok na sa loob, pero napansin kong hindi pumasok sa kwarto si Vico at kinausap ang pulis.

"Ahm Jerry dito lang kayo ha, samahan ko lang si Vico sa labas, kausap niya yung pulis." dinig kong pagpapaalam sa kanya ni Leigh

"Sige, dito lang kami, ako na bahala dito." sagot sa kanya ni Jerry

Paglabas niya ng kwarto, alam kong kakausapin nila ang pulis at makikibalita, kaya sumunood din ako sa kanila.

"Samahan ko na kayo." sabi ko sa kanya, tumango lang siya bilang pagsangayon.

Napalingon sila parehas sa amin, nang mapansin nila kami lumabas nang pintuan.

"Sorry po Sir, ako po si Leigh at ito naman po si Annie gusto lang po namin magtanong, may balita narin po ba kayo tungkol sa pagkawala ni Abby Jimenez?" tanong ni Leigh sa lalaking pulis na kaharap ni Vico

"By the way ako nga pala si Chief Diego Garcia, ako ang may hawak nang kaso nang pagkawala ng mga kaibigan niyo, tungkol sa pagkawala ni Ms. Abby Jimenez sa totoo lang wala pa kami malinaw na imbestigasyon, pero pinagtataka namin, isang linggo na mahigit ang nangyari pero wala pa narereceived na tawag ang pamilya niya sa mga kidnapper's para humingi nang randsome money, maaaring hindi lang ito kidnapping, lalo nang umigting ang paniniwala ko ngayon sa sumunod na pagkawala ni Mr. Yosep De Guzman, kayo po ba? wala po ba kayong alam na pwedeng gumawa nito? 

"Ah, w-wala naman po." sagot ni Vico

"Pero kayo ang madalas na kasama ng dalawa, maaaring may alam kayo o nabanggit sila bago ang kanilang pagkawala."

Kinabahan ako sa pagtatanong niya sa amin.

"W-wala po talaga, w-wala po silang nabanggit samin, nagtataka rin po kami bakit nangyayari 'to." sagot ko

"Tama po siya, wala po talaga sila naikwento samin." dagdag pa ni Leigh

"Sige po, kung may malalaman man po kayo makipag-ugnayan lang po kayo samin para mas madali po natin masolved ang kaso at mahanap ang kaibigan niyo."

"Sige po maraming salamat po!" muling sagot ni Leigh 

Nagpaalam na siya at bumalik kami sa kwarto ng daddy ni Yosep

"Kasalanan ko 'to, kung hindi ko sana isinama si Yosep hindi sana nangyari 'to, sana ako nalang kinuha niya at hindi ang anak ko." 

Pagkapasok namin sa loob kausap pa nila si Tito at mukhang sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari. Sa mga sinabi niya ay parang na-guilty ako, dahil kung hindi sana ako umalis ay hindi mangyayari 'to sa kanya at hindi mawawala si Yosep.

"Wag niyo po sisihin sarili niyo Tito, wala pong may kasalanan sa nangyari, hindi naman po natin ito kagustuhan, wag po kayo mag-alala tutulong po kami para mahanap si Yosep." paliwanag ni Louie.

"Salamat, salamat sa inyo."

"Sige Tito, magpahinga na po kayo, kami na po bahala." tumango lang siya sa sinabi ni Zhelle at pinikit na ang kanyang mga mata. 

Inintay namin siya makatulog at umalis na sa ospital.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status