Share

Chapter 9

ISABELLA:

NAKABIBINGING katahimikan ang naghahari sa aming dalawa ni Sir Typhus, matapos kaming iwanan ni Dos. Pero bago siya umalis ay paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang kapatid na umayos. Tatawa-tawa lang naman ito sa mga babala ni Dos sa kanya. Na tila hindi natatakot kahit sinabihan siya ni Dos na makakatikim siya dito, kapag binastos niya ako.

Nagkataon naman na hindi pumasok ang dating secretary nito kaya hindi ko malaman ang gagawin. Nandidito lang ako sa desk ko katabi ito na abala sa pagpirma ng mga papeles. Inaantok tuloy ako dahil wala naman siyang ipinag-uutos sa akin. Ni wala ngang demo dito ng mga dapat kong gawin.

Napatuwid ako ng upo na napainat ito at humikab na napalingon sa akin. Napalapat ako ng labi na pinanatili sa laptop ang paningin.

"Baby, pwede mo ba akong igawan ng kape?" malambing utos nito.

Napalunok ako na pilit ngumiti at tumayo na ng desk ko. Nakamata lang naman ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa matiim niyang pagtitig. Nagtungo ako ng p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status