“Itong collector’s item ay kilala bilang Angel’s Heart. Ito ay isang alahas na binili ni Ms. Shannon White mula New Zealand isang dekada na ang nakalipas. “Ayon kay Ms. Shannon White, may sikreto dito sa collector’s item. Ngunit, hindi niya din alam ang sikreto dito. Hindi niya nakuhang malaman ito pagkatapos pagisipan mabuti ng mahigit isang dekada.”“Bago mamatay si Ms. Shannon, nais niyang ilagay itong collector’s item sa auction. Lahat ng makukuha ay ibibigay sa Leukemia Research Foundation. Ang simulang presyo ay 1 Harbor Dollar.” Ang alahas na binebenta sa panimula g presyo na 1 Harbor Dollar ay mukhang napaka simple at ordinaryong pendant lamang. Ang pendant mismo ay nakahulma sa hugis na anghel na nakahawak ng puso. Base sa materyal at itsura nito, ito ay mukhang nagkakahalaga ng 100,000 Harbor Dollar. Subalit, si Shannon White ay isa sa pinaka sikat na philantrophist sa Harbor City. Ang kanyang pagkamatay, dahil sa leukemia, ay naging malaking usap usapan noon. Dahil
Sa mga nakikinig kay Zane ay naisip na siya ay may magandang punto. Sa ganitong punto ng pagkakataon, karamihan ng tao sa Harbor City ay sobrang xenophobic. Mababa ang tingin nila sa mga taga labas, lalo na sa mga Mainlanders. Pakiramdam nila ang Mainland ay mga burol na wala masyadong kapunoan at ang magulo na ilog ay kung saan ang mga pulubi ay nakatira. Ito ay isang barbarikong lugar. Sa kanilang mata, ang mga kilos ni Jasper ay nagpapakita na naghahabol ng impluwensya habang nagdadalawang isip gastusin ang kanyang pera. Nakikita na marami ang sumasang ayon sa kanya, si Zane ay mapanghamak na tumingin kay Jasper. “Nakuha ko ba? Manahimik ka at manatiling kang tahimik sa isang tabi, aso ka. Hindi ka ba nahihiya sa sarili mo?” Kampanteng kinausap nito ng mahinay. Naging matigas ang ekspresyon ni Zane nang ito ay magsalita. “Hindi ko matagalan ang mala aso mong amoy kapag ako ay nakaupo sa parehas na silid sayo. Ang baho mo,” galit na sinabi nito. “Si Mr. Zane Lancaster ay
Kung si Jasper ay napakadali talunin, paano niya ito pagkakatiwalaan na magpahinga muna para sa kanyang kalusugan sa kritikal na oras?Paano nakakasiguro ang mga Laws na may malaking pusta sa kanya?Hindi mabilang na diskusyon ang nangyayari sa function hall. Marami ang nagulat sa malakas na financial power at tapang ni Jasper. Kung kaya nito maglabas ng 100 milyong Harbor Dollars ng cash, wala ng magaabala pa tingnan kung magkano talaga nagkakahalaga ang Angel’s Heart. Itong 100 milyong Harbor Dollars ay sapat na upang durugin ang arogantent galaw ni Zane Lancaster. Nandilim ang mukha ni Zane. Iniangat ni Jasper ang bidding price sa sagad nito. Wala ng paraan para sa kanya na sundan ang bid.Siya ay naging arogante at hambog hanggang sa huling segundo kanina. Agad itong ngumisi. “Sige na, sige na. Magaling ka. Ang alahas na ito ay may halaga na hindi lalagpas ng ilang daang libong Harbor Dollars. Ang tanga na ito ay binili ito para sa 100 milyong Harbor Dollars. Hindi mo ba
Ang pink na diamond ay mahinang umilaw sa ilalim ng ilaw, pero ang kinang nito ay nakakabulag ng mata ng lahat sa function hall. Si Zane ay hindi makapagsalita sa gulat. Tinitigan niya ang pinko diamond sa kamay ni Anna at hindi makapaniwala. Sa oras na iyon, namanhid ang anit ni Zane. Paano nangyari ito?Paano ang isang lumang palamuti na binili ni Jasper na hindi gaano pinag isipan ay isang hindi mapepresyuhan na kayamanan?! Kahit na siya ay hindi mula sa jewelry industry, bilang isa sa mga mayayaman na pamilya, si Zane ay marami ng nakita na mamahaling gamit kaysa sa pangkaraniwang tao lang. Kaya, madali niyang masasabi kung may halaga ang isang gamit. Itong pink diamond na ito ay paniguradong hindi mababa ang halaga!Pakiramdam niya napakaraming sampal na hindi niya nakikita ang tumatama sa kanyang mukha na dahilan ng pamamaga nito. Nagngalit ang ngipin ni Zane habang namumula ang kanyang mga mata. Siya ay sobrang nagseselos na baka hindi niya na mapigilan ito. N
Alam ng lahat na ang pink diamond ay opisyal na nilagay sa auction, ito ay talagang mabebenta sa presyo na mas mataas pa dito. Ang tingin at ekspresyon ng lahat ay nagiba. Tumingin sila kay kay Jasper na para banb isang Diyos. Anong klaseng tao siya upang magkaroon ng kapasidad na akma at matalas na pagiisip? Paano niya nalaman ang sikreto ng Angel’s Heart? “Naibigay ko na ang diamond kay Anna. Hindi na ito binebenta,” pagsaad ni Jasper ng katotohanan. Sa pangungusap na ito, mariin niyang tinanggihan ang oportunidad na magkaroon ng kita na 200 milyong Harbor Dollars. Ang ekspresyon ng mukha ni Jasper ay napaka kalmado at walang bahala na para bang tumanggi sa isang itlog na ihahanda ng isang chef bilang almusal. “Ito ay talagang…sayang.”Bigo man ang puso, ang chairman ay binalik ang pink diamond kay Anna. Wala itong ibang pagpipilian. Kung si Jasper ay walang balak ibenta ito, imposible para sa kanya na agawin ito mula sa kanya, di ba? Nakatitig si Anna sa pink diamon
“Hahaha.”Si Michael Lane, na nakaupo sa lamesa ng mga big boss, ay tumawa ng malakas.“Zachary, si Jasp ay mahusay!”Pinakita ni Michael ang pagkamangha nito kay Jasper. Ang ibang mga boss ay nakatingin kay Michael ng masama. Si Michael ay laging kampi kay Zachary. Hindi na kailangan na umakto ito ng puno ng suporta sa kanya ngayon. Subalit, hindi nila maitanggi ang katotohanan na mahusay ang galaw ni Jasper. May maliwanag na ngiti sa mukha ni Zachary. “Ang batang ito ay laging ganito,” sabi niya. Kahit na ito ay nagsasalita sa kaswal na tono, ang kanyang pinili na mga salita ay nagpapakita kung gaano niya kagusto at pinapahalagahan si Jasper. Alas, ang pinuno ng Law family ay hindi basta basta tumatawag ng sino bilang ‘batang ito’. Ito ang tawag ng nakakatanda sa kanyang junior. Si Zachary at Michael ay maganda ang kalooban. Salungat kay Bob Lancaster at Kennedy Langdon na hindi kaaya aya ang ekspresyon ng mga mukha. Sila ay hindi nakisali sa palitan, pero kahit si
Umiling si Zachary at tumawa ng malakas. Sa sobrang pagkamangha, hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na kutyain si Kennedy Langdon. Sa inaasahan, dumilim ang ekspresyon ni Kennedy. Ang mga boss ay masayang naghagikgikan pagkatapos magka tinginan sa isa’t isa. Parehas na sitwasyon ay nangyari sa kalagitnaan ng auction na may kasamang labanan ng yaman. Gayon pa man, madaling makilala kung sino sa pagitan ni Mitch at Jasper ang mayroong upper hand. “Si Mr. Mitch Langdon ay may bid na 100 milyong Harbor Dollars para dito sa asul at puting porselanang mangkok. Going once. “Going twice.“Going thrice, it’s a deal! Con-Congratulations kay Mr. Mitch Langdon,” anunsyo ng host. Hindi na tinangka pa tumingin ng host kay Mitch, na may bakas ng pagkamuhi sa mukha nito. Sinimulan na nito mag auction ng susunod na gamit pagkatapos madaling tapusin ang mga proseso. Paunti ng paunti ang mga gamit na isuction. Hindi na nagbid muli sa Jasper pagkatapos noon. Sa itsura na bakas na m
“Hahaha, ito ay sobrang nakakatawa. Tingnan mo ang mukha ng g*gong iyon. Mukha siyang sinipa sa mukha ng isang donkey. Hahaha…”Nang naging matapang si Henry Law, wala na siya pakialam kung si Zane ay anak ni Bob Lancaster o ng iba pa. Ito ay walang awa niyang binastos. Pagkatapos marinig ang kanyang sinabi, nag iba ang ekspresyon ng lahat. Gusto nilang tumawa pero walang nagtangka. Kahit na hirap silang pigilan ang pagtawa. Sa sobrang galit ni Zane siya ay malapit ng sumuko ng dugo. Ngunit, hindi ito nagtangka na may gawin kay Henry Law. Kaya niya lamang pigilan ang kanyang galit at tumingin kay Henry at Jasper. Ang auction na malapit ng matapos ay nagtapos na pagkatapos nitong gambala. Subalit, ang lahat ay nakaramdam ng pagkainip sa natitirang parter ng auction. Isa pa, pinanuod lang nila si Jasper na kalabanin si Mitch at Zane sa dalawang pasiklaban. Ang lahat ay balewala kung ikukunpara dito. Pagkatapos matapos ng auction, ang host ay nagmadaling bumaba ng stage na pi