Katabi nito, kumunot ang noo ni Wendy dahil sa asal at mga salita ng saleswoman. “Hindi ba ang inyong serbisyo ay hindi kanais-nais? Paano kayo nakapasok sa sales ng ganyan ang inyong modo?”“Oh?” irap ng saleswoman kay Wendy at ito ay kinutya. “Hindi niyo ba alam kung nasaan kayo? Ito ay ang Bentley showroom! Lahat ng sasakyan dito ay nagkakahalaga ng mahigit ilang milyong dolyares!”“Aaminin ko na mayroon kayong taste, dahil sa paghanap niyo agad sa Mulsanne sa oras na pumasok kayo. Hindi niyo ito kayang bilhin kahit gaano niyo ito titigan, kung ganun bakit ko kailangan maging magalang sa inyo?”“Paano mo nasabi na hindi namin ito kaya bayaran?” naiinis na si Wendy. Humalakhak ng tawa ang saleswoman na para ba itong sinabihan ng nakakatawang biro. “Isusubo ko itong basahan na ito kung kaya niyo ito bayaran, ayos ba iyon?” Matapos noon, naiiritang kumumpas ng kamay ang saleswoman sa paraang tinataboy niya ang mga ito. “Tama na, tama na. Nakita niyo na ito, kaya ‘wag na kayong tumay
Dahil hindi na padadagdagan ni Jasper ng accessories ang kanyang sasakyan, natapos niya ng mabilis ang proseso at maari ng imaneho ang sasakyan pauwi. Ang automobile industry sa taong 2000 ay kaayaaya pa hindi katulad ng lagay nito sa hinaharap, dahil sa mga dadag na insurance. Matapos makuha ni Jasper ang susi, maari na siyang dumiretso papunta sa DMV upang makuha agad ang kanyang plaka. Kinuha ni Jasper ang susi kay Xena at pumasok na sa kanyang sasakyan habang ang saleswoman ay nanginginig na sinusubo ang basahan sa kanyang bibig. Binuksan ang headlights, minaneho niya ang kanyang sasakyan palabas ng showroom. Buong oras na iyon, hindi na tinignan ni Jasper kung talagang sinubo ng saleswoman ang basahan o hindi. Magarang minamaneho ang anim o humigit kumulang na pitong milyong dolyar na sasakyan, lubos na nagagalak si Jasper. Dahil hindi kilala ng mga pangkaraniwang tao ang ganitong kagarbo na sasakyan sa panahon na iyon, ang awra nito ay kapansin pansin. Ang mapag masid na ta
Nang marinig ang mga salita ni Jasper, patakang nagtanong si Wendy, “Ano ang gusto niya?”“Ang pinakamataas na ambisyon ng isang manager ay mapagtanto na ang kanyang mithiin ay kailangan upang mapakita ang kanyang tunay na talento.” ngumiti si Jasper. “Sa hindi inaasahan, ito ang ibibigay ko sa kanya.”Hindi naintindihan ng lubos ni Wendy, pero ito ay mukhang maganda. Imbes na isama si Wendy sa opisina ni Jack, si Jasper ay nagpunta sa coffee shop kasama siya. Dahil sa pagbabasa ng maigi ng autobiography ni Jack, alam ni Jasper na itong coffee shop na ito ay ang lugar na pinaka gustong puntahan ni Jack sa Andros. Ito ang lugar kung saan sigurado na dadaan siya araw-araw pagkalabas galing trabaho. “Isang cappuccino at isang Jamaican Blue Mountain, please.”Pagkatapos mag order, sina Jasper at Wendy ay umupo sa tabi ng bintana. Gustong tanungin ni Wendy si Jasper kung bakit hindi ito pumunta sa opisina ng lalake, pero dahil walang sinasabi na kahit ano si Jasper, pinigilan niya ang s
Kaswal na nagsalita si Jasper habang nilalaro ang tasa ng kape sa kanyang kamay.Hindi naintindihan ni Jack ang sinabi nito at ito ay tumitig na may bakas ng galit kay Jasper, lumabas ang kanyang mga salita, “Hindi ko naiintindihan ang iyong ibig sabihin.”Tumingin si Jasper kay Jack at ngumiti. “Ang iyong Ph.D. sa Computer Science sa Fornia State University ay peke.”Hindi isang pagtatanong ang tono ng boses ni Jasper, kung hindi isang pahayag na ito ay katotohanan. Sa kanyang nakaraan, ilang taon na lamang ay lalabas din ang mga dinayang kwalipikasyon ni Jack. Ito ay magbibigay sa kanya ng malaking gulo, at isa sa mga rason kung bakit siya ay aalis sa Weresoft. Nagiba ang ekspresyon ng mukha ni Jack, ito ay biglang nagalala. “Ano ang iyong gusto?”“Hindi ko sinusubukan takutin ka, Mr. Tanner, pero sigurado ako na lagi mong aalalahanin ang iyong pekeng certificate ng edukasyon. Ang kasinungalingan ay mananatiling kasinungalingan, at oras na lamang ang makakapagsabi bago ito ma
”Mahigit apat na bilyon…”Ito ay isang pigura na nakaka taas ng dugo at nakaka putok ng ugat. Naramdaman ni Jack na namanhid ang kanyang anit ng makita ito. Kahit na ang kasalukuyan niyang boss ay si Charles Granger, ang pinakamayaman sa mundo, at ang apat na bilyong dolyares ay maliit na bahagi ng kanyang yaman, ito ay dahil amo niya si Charles. Bilang professional manager, ang taunang sahod ni Jack ay kinokonsidera na isa sa mga pinakamalaking sahod sahod na trabaho sa bansa. Ngunit, natuyo ang bibig ni Jack nang makita niya ang kagimbal gimbal na pigura. “Kung mayroon ka pang pagdududa, Mr. Tanner, maari ka sumama sa akin sa Commercial Bank para makasigurado,” Ngumiti na lamang si Jack sa hiya at naramdaman ang suntok sa salita ni Jasper. “Sapat na iyan. Alam kong wala kang rason para mag biro ng ganito, Mr. Laine.”“Totoo. Ang ating oras ay mahalaga para sa ganyan.” Sinenyas ni Jasper ang upuan kung saan umupo si Jack. Naiintindihan ang ibig sabihin ni Jasper, umupo muli
“Alam kong naniniwala ka sa akin, at pinapangako ko na tutuparin ito. Gusto ko nandoon ka kapag nangyari ito.”Humagikgik si Jasper, habang ang isang kamay ay naka hawak sa manibela at ang isa naman ay humawak sa kamay ni Wendy. Hawak ang kanyang kamay, nilagay niya ito ng dahan-dahan sa kambyo. Mayroon siyang magandang pasahero sa upuan ng kanyang magarbo na sasakyan habang siya ay nagmamaneho. Ito ay isang eksena na pinapangarap ng mga lalake. Sa oras na iyon, si Jasper ay patungo na sa kanyang tagumpay. Ang pinaka importante sa kanya ay si Wendy ang magandang pasahero. Ang kanyang pinaka iingatan at malambot na kamay ay nanginig sa mga palad ni Jasper dahil sa kahihiyan, at sa kinis ng kanyang balat ay ayaw ng pakawalan nito. Hindi inaasahan ni Wendy na kikilos ng ganun kabilis si Jasper. Buti na lang madilim sa loob ng sasakyan. Ang kanyang namumulang pisngi ay makikita lamang pag ito ay dumaan sa mga poste ng ilaw. Bumilis ang tibok ng puso ni Wendy at naramdaman
Ilang negosyo ba ang mayroon sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares?Pag isinantabi ang pang national, mayroong mababa pa sa isang daang bilang ang pang pribadong negosyo sa loob ng bansa na nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong dolyares. Ibig sabihin nito sa oras na marehistro ang kumpanya ni Jasper, magiging kabilang ito sa top hundred na negosyo sa bansa. “Ibang klase kang lalake, Jasper.” sabi ni Mr. Ziegler na may kasamang pagkamangha sa kanya. “Salamat sa pagtulong sakin, Mr. Ziegler, kung hindi ang buong proseso ng pagrehistro ay aabutin ng mas matagal.” Magalang na pagpapasalamat ni Jasper. Tumigil ang pag kaway ni Mr. Ziegler. Ngayon na ang lokal na gobyerno ay nagsisimula na manghingi ng puhunan, ang mga mayayaman na kagaya ni Jasper ay kinokonsidera na VIP kahit saan sila mag punta. Walang rason para hindi siya umasta ng mataas at malakas. “Masyado kang mabait. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Ano gusto mo ipangalan sa kumpanya mo pala?
“Kung hindi lang dahil sa imbitasyon na lagi kong natatanggap mula sa mga malalapit na babae kong kaklase, hindi ako pupunta,” paliwanag ni Wendy.“‘Wag kang mag alala, hindi ko ito masyadong iniisip. Sariling problema ni Ivan ‘yan kung gusto ka niya ligawan. Napakaraming tao diyan na naghahabol sa’yo. Subalit, dahil siya ay magpapakita sa harapan mo, gusto ko sabihin sa kanya na ‘wag niya na niya pangarapin pa,” hagikgik ni Jasper. “Ang iyong mga salita ay madaling magbigay ng ibang kahulugan sa relasyon nating dalawa,” bulong ni Wendy. “Hindi magkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. Totoo ang aking sinasabi, at alam mo din iyon,” siguradong sagot ni Jasper.“Hey! Hindi ka pa nga handa! Ikaw… paano mo nasasabi iyan?!”“Ano kailangan kong paghandaan? Ang ibig kong sabihin dapat tutok ka sa trabaho mo sa akin imbes na nag iisip ka tungkol sa mga relasyon. Bilang amo mo, ayoko ng isang sekretarya na laging nag iisip ng ibang lalake.”“...Punta ka sa impyerno!” ......Ala singko