Share

Chapter 114

HAPPY birthday, son!” masayang bati ni Armando sa anak.

“Thanks a lot, Dad.” Agad na lumapit si Ace sa kanila at yumakap sa ama. Wala na rin tuloy nagawa si Sahara kundi ang batiin na rin ang bagong dating.

“Happy birthday,” walang emosyon niyang sabi habang pasimple’ng tinapunan ng tingin ang kasamang babae ni Ace. Matangkad ito, hamak na mas matangkad sa kanya, at mas maputi rin. Itim na itim ang tuwid na tuwid na hanggang baywang nitong buhok, kasing itim ng suot nitong overall dress na tinernuhan ng puting criss cross bikini top. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang halos tatlong pulgada nitong red straps high heel sandals.

“Thank you,” nakangiti nitong tugon na para bang masaya itong makita siya. Nakuha pa nitong halikan siya sa pisngi, na nagdulot ng kuryete sa kanyang buong katawan. “By the way, I’d like the both of you to meet Tatianna, my girlfriend.”

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status