“WHERE are you going?”
Hindi naituloy ni Sahara ang pagbukas ng pinto dahil sa tanong na iyon. Dahan-dahan niyang nilingon si Ricky na noon ay nakatayo sa likuran niya, hawak ang isang tasa ng kape.
“I-I just need to buy some new make up.”
“Come on, I’ll drive.” Ibinaba nito ang tasa sa ibabaw ng center table at kinuha ang susi ng kotse sa bulsa.
Umiling siya. “Hindi na, Ricky. Nariyan naman si Mang Julio and besides, may meeting ka, hindi ba?”
“I can re-schedule it, honey,” sabi nito sabay halik sa kanyang pisngi. “It’s Sunday anyway. I guess I deserve some time off from the office and be with my love.”
“No, really, honey. I can manage. Ayoko namang maka-istorbo ako sa trabaho mo and baka may makakita sa atin na magkasama. Si…Martina baka-“
“It’s perfectly fine. She’s out of town so you don’t
“SO, who is he?”She just came out from the shower when she saw Ricky sitting on the bed, with newspaper in his hands. Seryoso ito sa pagbabasa. He was already dressed up with his favorite black suit. Ngayong gabi kasi ang birthday ng isa sa malalapit nitong kaibigan sa negosyo at gusto nitong isama siya roon bilang ‘executive assistant’. Yeah, she should get used to it, but she couldn’t. Hanggang kailan nga ba siya mananatiling isang ‘executive assistant’ ng isang Arch. Ricardo Aguas?“The guy at Mandy’s. The one with a group of people, beside our table. Who is he?”Si Baste. Hindi alam ni Sahara na napansin pala iyon ni Ricky. “Bakit?” sa halip ay tanong niya. Tumuluy-tuloy siya sa walk-in closet para kumuha ng isusuot na damit.“He smiled at you…and you smiled back at him.”Kunwa’y inabala ni Sahara ang sarili sa pamimili ng isusuot
HALOSisang oras rin ang naging biyahe nila mula condominium hanggang sa hotel kung saan gaganapin ang 75th birthday ng kaibigan ni Ricky. Hindi naman raw iyon magarbong handaan pero siyempre, dahil sa isa ito sa mga pinakamayaman at pinakamatagumpay sa larangan ng pagnenegosyo, ang simple’ng pagtitipon ay dapat lamang na sa isang magarang hotel gawin.It was one of those newly-opened first-class hotels. Marami na siyang napuntahang mga hotel sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at kahit sa ibang bansa at masasabi niyang isa iyon sa pinakamaganda.The lobby alone was magnificent. It has stunning dark mahogany wood all throughout and its interior design includes beautifully potted plants and the exquisite black, yellow and beige tones of the furnishings complement the walls.Sa isa sa mga Italian restaurants sa loob ng hotel ang dinner pero kailangan muna niyang manatili sa lobby at magmukhang tanga para hintayin si Ricky. Marco was
ITwas definitely the worst night. Ever. Oh, well…that was second to the worst night – dahil wala pa ring tatalo sa gabing nakita niya ang pagtatraydor at panloloko nina Karen at Baste. Sino ba naman ang makapagsasabi na muling pagtatagpuin ang landas nila ni Karen, sa panahong may kani-kaniya na silang buhay? Ayos lang sana sa kanya kung makikita siya nito sa ibang sitwasyon at pagkakataon, pero hindi. Kung bakit ba naman kasi kailangan nitong malaman na walang nangyari sa relasyon niya kay Ace noon, at ngayon ay nakikisama siya sa isang lalaking may asawa at anak.Okay lang sana, tanggap na niya na mas maganda pa rin ang buhay nito sa kaysa sa kanya pero nang sabihin nito ang tungkol kay Baste, na ito ang ama ng ‘little angel’ nito, parang gusto na niyang lamunin ng lupa.Sahara knew that Karen’s laughing at her, behind her back.“Ma’am, saan po tayo? Tutuloy na po ba tayo sa condo?” seryos
“MARCO, can we stop for a while? I just need to pee.”“No problem, ma’am.”Mabilis na minaniobra ni Marco ang kotse para i-park iyon sa tapat ng isang coffee shop. Nag-alok ito na sasamahan siya sa loob pero tumanggi siya.“Sigurado kayo, ma’am?” nag-aalala nitong tanong. “Pero sabi ni Sir, dapat bantayan ko kayo.”Kumunto ang noo niya. “Kailangan ko lang mag-CR, sabi ba ng Sir mo, hanggang sa loob ng CR, samahan mo ako?”“H-hindi naman po kaya lang-“ Umiling ito nang marahan at napakamot sa batok.“I’ll be right back. Sandali lang ako, okay?”At bago pa sumalungat si Marco ay mabilis siyang bumaba ng kotse at patakbong tinungo ang entrada sa coffee shop. Inayos pa niya ang suot na malaking sunglasses at luminga-linga bago tuluyang pumasok sa loob. Mabuti na lamang at kaunti lamang ang customers doon nang mga or
“SAANna po tayo, ma’am?”Katatapos lamang ng go-see ni Sahara at kapapasok pa lamang niya sa loob ng kotse nang marinig niya ang tanong ni Marco. She put her sunglasses on and smiled at him. “May ipa-follow-up lang sana ako sa Buenaventura Ad Agency. Sa The Forum muna tayo,” tugon niya. Mula sa agency ay tutuloy na siya sa coffee shop, bahala na kung paano niya iyon gagawin nang hindi nakikita ni Marco. Siguro, magkukunwari siyang masakit ang tiyan at gagamit ng CR sa coffee shop ng gusali. Panalangin lang niya ay naroon na si Ace pagdating niya.Tumangu-tango si Marco. “Yes, ma’am.” Sa rear-view mirror lamang siya nito tinitingnan at napansin niya ang manaka-naka nitong pagngiti sa kanya. “Pero ma’am, alam po ba ni Sir Ricky na dadaan tayo sa The Forum?”Umiling siya. “Sandali lang naman tayo. He doesn’t really have to know.”“Baka naman makik
"N-NASAANako?"Iniligid ni Sahara ng paningin sa paligid. Pupungas-pungas siyang lumingun-lingon at pinakiramdaman ang sarili. Pinilit niyang maupo sa malawak na kama pero hindi niya iyon magawa dahil parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Idagdag pa na hindi niya maigalaw ang mga kamay. Muntik na siyang mapasigaw nang makitang nakatali ang dalawa niyang kamay gamit ang packaging tape.“Shit, ano’ng nangyari?” tanong ni Sahara sa sarili.Pilit niyang inalala kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya naroon sa lugar na iyon. Muli niyang iniligid ang paningin sa kabuuan ng lugar. Dahil sa makapal ang kulay asul na kurtina sa naglalakihang mga bintana ay hindi niya maaninag kung ano ang nasa labas niyon, o kung may araw pa o gabi na. Halatang mamahalin ang mga kagamitan sa loob, mula sa mga kabinet at dekorasyon hanggang sa malaking renaissance painting na nakasabit sa ibabaw ng vanity table. Classic Italian ang te
“SAHARA!”Napabalikwas siya dahil sa malakas na kalabog sa pinto na narinig niya, kasunod ang pagbagsak ng kaisa-isang plorera sa kanilang bahay. Napanalunan pa niya iyon sa perya noong nakaraang pista at iniregalo sa kanyang ina sa kaarawan nito.“Sahara!”Hindi pa man siya tuluyang nakakatayo ay pumasok na si Conrad sa kanyang kuwarto. Kahit pa siguro nakapikit ay alam niyang lasing na naman ito dahil umaalingasaw ang amoy ng alkohol sa buo nitong katawan.“Nasaan ang nanay mo?” malakas nitong tanong. Pasuray-suray itong lumapit sa kanya.“H-hindi ko alam,” mahina niyang tugon. Gabi na nang bugbugin sila ng kanyang ina ni Conrad dahil wala silang maibigay na pera’ng pambili sa mga bisyo nito. At ngayong umaga na, sigurado siyang iyon pa rin ang dahilan kung bakit hinahanap ang kanyang ina.“Nasaan ang nanay
“SAHARA…” Dahan-dahang lumapit kay Sahara ang lalaki’ng iyon mula sa dilim.“S-sino ka?” mahina niyang tanong. Pilit niyang inaninag ang mukha nito pero wala siyang makita dahil na rin sa sobrang liwanag na nagmumula sa likuran nito.Naupo ito sa harap niya at itinaas ang kanyang mukha para matingnan siyang mabuti. “Who are you expecting, honey? Si Ace?” matigas nitong tanong. Kasabay ng paghigpit nito sa pagkakahawak sa kanyang panga ay ang pagbukas ng ilaw. Muli siyang napapikit at nang muling dumilat ay nagulat siya kung sino ang nasa kanyang harapan.“R-Ricky, let me explain…I’m sorry…”“I don’t need your explanation, Sahara,” matigas na sabi ni Ricky. “I already know everything.”Pilit pumalag ni Sahara sa pagkakakapit nito sa leeg niya pero sadya itong malakas. “R-Ricky…please…hindi ko s-sinasadya