Share

Chapter 91

"N-NASAAN ako?"

Iniligid ni Sahara ng paningin sa paligid. Pupungas-pungas siyang lumingun-lingon at pinakiramdaman ang sarili. Pinilit niyang maupo sa malawak na kama pero hindi niya iyon magawa dahil parang binibiyak ang ulo niya sa sobrang sakit. Idagdag pa na hindi niya maigalaw ang mga kamay. Muntik na siyang mapasigaw nang makitang nakatali ang dalawa niyang kamay gamit ang packaging tape.

“Shit, ano’ng nangyari?” tanong ni Sahara sa sarili.

Pilit niyang inalala kung ano nga ba ang nangyari at bakit siya naroon sa lugar na iyon. Muli niyang iniligid ang paningin sa kabuuan ng lugar. Dahil sa makapal ang kulay asul na kurtina sa naglalakihang mga bintana ay hindi niya maaninag kung ano ang nasa labas niyon, o kung may araw pa o gabi na. Halatang mamahalin ang mga kagamitan sa loob, mula sa mga kabinet at dekorasyon hanggang sa malaking renaissance painting na nakasabit sa ibabaw ng vanity table. Classic Italian ang te

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status