Share

Chapter 95

ANG pandalawahang mesa sa dulo ng café ang napili ni Ricky. Totoo nga ang sinabi nito na ekslusibo ang lugar at mabibilang lamang sa daliri ang mga tao na naroon.

Ang café ay nasa rooftop ng isang gusali na mayroong tatlumpung palapag kaya naman napakaganda ng backdrop ng lugar. Kumikinang ang mga ilaw sa ibaba na parang mga bituin at malamig ang simoy ng hangin. Sa isang iglap, parang nawala ang lahat ng alalahanin ni Sahara lalo na sa tuwing titingnan niya ang mala-postcard na tanawin. Maliban sa mangilan-ngilang maliliit na ilaw sa kisame ay wala nang iba pang nagbibigay-liwanag sa café. May kadiliman, tahimik - na tila bagay na bagay sa mga tulad nilang may inililihim.

Sahara chose her favorite deep green dress with pink blossoms design and subtle pleat detail while Ricky wore his usual – navy blue long sleeves polo with maroon dotted necktie and black slacks. That night, they were an image of an ideal couple at sigu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status