Share

Chapter 98

HALOS tatlumpung-minuto nang nakatayo si Sahara sa ilalim ng dutsa habang patuloy lamang sa pag-iisip.

Kung noon siguro, madali siyang makakapagdesisyon na tanggapin ang tulong ni Mr. Tantoco at tuluyang iwan si Ricky. Pero hindi rin niya maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay hirap na hirap siya sa sitwasyon. Ibig bang sabihin noon ay nagbago na talaga siya? Na kaya na niyang lumimot at magpatawad at magmahal nang totoo?

Umiiling-iling na isinara ni Sahara ang dutsa at nagsimula nang magpunas ng buhok at buong katawan. Nagsuot na siya ng roba at nag-ayos na para sa umagahan. Kabilin-bilinan ni Armando kagabi na kailangan, alas sais ng umaga ay handa na siya para sa almusal dahil mayroon siyang mga importanteng bagay na dapat malaman. Sa totoo lang, nag-aalala siya sa kung ano ang mangyayari. Kahit pa nag-alok ito ng tulong, marami pa rin siyang alinlangan. Paano kung katulad rin ni Mr. Tantoco si Ricky? Paano kung saktan lang rin siya nito?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status