Share

Chapter 7

Habang nasa malalim na pag-iisip ay natauhan ako sa sunod-sunod na putok ng baril sa ibaba, kinakabahan akong tumakbo pababa ngunit natigilan ako sa nakita.

Pinakabog no’n ang dibdib ko, lalo na’t panay dugo ang nasa sahig at may nakabulagtang katawan.

May namasok ba sa amin? O isa sa pamilya ko ang nakabulagtang iyon?

“Stop looking,” mahinang bulong ko sa isang ate ko. Hindi siya sanay sa mga ganitong klase kumpara sa amin ng nakakatanda kong kapatid.

Panigurado rin akong hindi na naman siya makakatulog.

‘What the fuck happened?’

Bumaba ako sa first floor at nakita ko si mommy na ibinaba ang baril sa center table at nilapitan ang bangkay.

Tiningnan niya ang pulsuhan nito, “He’s still alive, call our underground’s ambulance and take him there. We have a lot to ask him,” salubong ang kilay niyang sabi kaya sumunod ako kaagad.

“Who is he mom?” I asked after calling the ambulance.

“One of our enemy,” mahina niyang sabi. Bigla ay nawala ang soft side niya, hanggang sa mapansin ko ang tumutulong dugo sa kanyang braso pababa sa kamay niya.

Nilapitan ko siya, “Mom you’re bleeding.”

“I’m okay anak, daplis lang ‘to.”

“No, stay seated. I’ll disinfect your arm,” nag-aalala kong sabi at mabilis na kinuha ang gamit namin.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako kumuha ng pre-med kesa related sa kurso ko, this kind of accidents may happen.

Matapos siya gamutin ay sinunod ko ang lalake na may tama, hindi naman malala ang tinamaan sa kanya dahil hindi pa rin legal ang pumatay sa amin basta-basta.

Pag pumatay kami ay buhay rin namin ang kapalit, kumpara sa natural na batas ay pwedeng life-sentence lang.

Dinala ko ang lalakeng ito sa underground, “Pinasok niya kami at nasaktan niya si mom, make sure to keep him checked and well locked.”

“Yes, Mr. Sandoval.” Marahang yumuko ito sa harapan ko bago nila inasikaso ang lalakeng dinala ko.

Pakay niya bang patayin o saktan ang isa sa amin?

***

“Sir, kung magiging pair po ang isang babae at lalake. Hindi po ba mas delikado ‘yon?” tanong ko sa professor namin na nakatitig sa akin habang kinakamot ang sintido niya.

“Aber paano naman naging delikado ‘yon? Kaya nga ganoon dahil nang kailan ay may holdup na naganap sa dalawang babae na pares.” At sa huli ay nanalo siya sa pinaglalaban, kaya naman tinuro ko si Saji na nagbabasa.

“Papayag ako pero siya ang partner,” seryosong sabi ko, nagulat naman si Saji at naturo ang sarili niya.

“Eh kung papayag si Ms. Collins,” ani ni sir at tinignan si Saji.

“Goods lang sir,” thumbs up pa ni Saji, maya-maya ay inusod niya ang upuan sa gilid ko.

“Bakit ayaw mo sa iba?” bulong niya habang inaayos ang pencil case niya.

“Ayaw ko rin sa’yo, no choice lang,” matipid kong sagot. Napangiwi siya at sinadyang sikuin ang braso ko, napailing na lang ako sa ginawa niya.

Kalaunan ay isinama ko siya sa bahay dahil doon namin gagawin ang project at reporting, “Hubby! Si Kent Axel nag-uwi ng babae!” sigaw ni mommy at natutuwa.

Nasapo ko ang noo sa kahihiyan, “Mom, classmate ko po at partner ko sa project.”

“Ay— hindi girlfriend?” baka sakali ni mommy kaya napailing ako kaagad.

“Nako tita hindi po, classmate lang po talaga.” Iniling iling pa ni Saji ang ulo na para bang ayaw na ayaw niya kaya ngumiwi ako.

“Uhm saan kayo mag-study Kent Axel? The study is currently unavailable,” sa sinabi ni mommy ay lumapit ako sa kanya.

“Why mom?”

“Your sister caused a ruckus this morning, she said you should investigate who hurt me,” bulong ni mommy habang nakahawak sa braso ko.

“Why did it end up unavailable?”

“She shot it hehehe, maikse ang pasensya ng ate mo, tulad mo.” Umawang ang labi ko at tsaka ako napahawak sa batok.

“Sa kwarto ko na mommy? Study area doon, I’ll leave the door open, no worries.“ Nag-init ang tenga ko nang kakaibang ngumiti si mommy.

“Well, you’re old enough anal. I really don’t mind,” sabi niya kaya lumabi ako at inakbayan si mommy.

“Don’t be like that mom, may apo ka na huwag mo na muna dagdagan.” Natawa siya sa sinabi ko, hinayaan ko naman si Saji na maglibot hanggang sa garden.

“I’m just saying that you should get a girlfriend na, okay? You’re old and once you entered law school, mahihirapan ka na isingit ang panliligaw.” Paalala niya at hinaplos ang ulo ko na para ba akong baby pa rin sa paningin niya.

“Then, I won’t get a girlfriend until I graduate mom. That solves it,” ani ko pa at proud na ngumiti, ngunit ngumuso si mommy.

“Anak, ang dami nagkakagusto sa—”

“Pero ako ni isa sa kanila mom, walang gusto, sisimulan na namin yung project mom.” Paalam ko at sinulyapan si Saji na kahit halaman ay sinusuri.

“Ganda ng halaman niyo tita, pero parang ang expensive naman po ng vase,” turo niya pa sa magandang vase na galing sa Bali.

“Oh you got an eye for those things, hija. That’s from Bali, a gift from my friend.”

Meanwhile, we started doing our project and I was summoned by my dad to his study, kaya naman hinarap ko si dad.

“Anak, I know you’re a bit busy but can you go to the underground? Kahit 30 minutes lang, they’re questioning the man who shot your mom.” Sa baka sakali ni dad ay hindi ako nagdalawang isip sundin siya.

“Sure dad, right away.” Yumuko ako at sinunod kaagad ang sinabi niya.

Sa mismong underground ay natanaw ko kaagad kung paano pumapalag ang lalake na sumagot sa mga tauhan namin.

Pagkarinig nila sa akin ay mabilis silang yumuko upang magbigay galang, “Ayaw umamin?” wika ko at sinulyapan ang lalake na masama ang tingin sa akin.

“Hindi siya umaamin kung sino ang nag-utos sa kanya, sir.” Inabot sa akin ng tauhan namin ang isang pares ng taser.

“Isa lang kailangan ko,” ibinalik ko ang isa tsaka ko nilapitan ang lalake.

“Kilala mo naman ako, ‘di ba?” bungad ko at sinuri ang mukha niya.

“Ultimate Sandoval,” mariing tawag niya sa pangalan ko dahilan para awtomatikong ngumisi ang labi ko.

“Then you should know how I make a criminal, admit his sins?” ani ko dahilan para kumuyom ang kamao niya.

“Kung hindi ka aamin, sa oras na mahanap ko ang pamilya mo—”

“Huwag mong idamay ang pamilya ko rito!” nanlikisik ang mata nitong sigaw sa akin.

“Then speak, hindi ka na rin naman makakaalis pa rito.”

“Kung kakanta ako pamilya ko naman ang sasaktan nila! Ano pang silbe ng pag-amin ko rito para iligtas ang sarili ko kung mapapahamak ang pamilya ko? Patayin mo na lang ako!” sigaw niya.

Hindi ko siya makapaniwalang tinignan, “Hand me the pictures,” mariing utos ko sa tauhan namin.

Inabot naman nito ang litrato ng pamilya ng lalake sa tagong tinitirahan ng mga ito, “I’ll give you time to save your precious family, magsalita ka na.” Hinawakan ko siya sa balikat at nakangisi kong ihinarap ang litrato sa mukha niya.

Mangiyak ngiyak niya itong tinignan, “Decide now!” malakas na bulyaw ko.

“Ang Luna! Ang mga Luna!” napapikit siya matapos isigaw ‘yon.

Nangunot ng husto ang noo ko, ang Luna? Kakampi namin ang Luna, ano bang sinasabi nito?

“Ang North Luna,” pabulong niyang sabi.

North Luna?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status