Share

Chapter 6

Kinahapunan ay wala man lang akong nagawa para makausap si Saji, iniiwasan niya ako at alam kong galit siya dahil bukod sa napagbintangan ko ay sinigawan ko pa.

Habang nag-aayos siya ng gamit ay mabilis kong ipinatong sa armchair niya ang pirasong papel na nakatupi.

Natigilan siya at hinawi niya ‘yon gamit ang siko dahilan para malaglag.

‘Ang attitude!’

Kinabukasan ay sinubukan ko na naman siyang kausapin, “Saji—”

“Ano ba? Ikaw yung nagsabi na layuan kita at huwag kausapin.” Iritable siya at ramdam ko ‘yon.

“Sorry.”

Natigilan siya at matagal akong tinitigan, “Ano?”

“Sorry,” mas mahina kong sabi.

“Tsk,” singhal niya at iniiwas ang tingin sa akin.

“Yung best friend mo naman pala may gawa, sa akin mo isinisi. Ayos.“ She even gave me a thumbs-up after being sarcastic with me.

“Let me treat you in return,” kalmadong sabi ko.

“Ayoko— tumanggi,” sa sinabi niya ay ngumiwi ako, akala ko ayaa tanggapin ngunit sino ba naman tatanggi sa libre ng kaibigan?

Habang kumakain ay bigla siyang nagsalita na may amos pa sa gilid ng labi. “Kumusta yung issue ngayon?”

“Wala namang bago,” mahinang sagot ko, sa totoo lang ay ayokong alalahanin.

Hindi siya nakaimik at kumain na lang, rinig na rinig naman ang bulungan sa paligid.

“May bagong hottie raw sa engineering campus ‘te, malapit lang sa med building ‘yon ‘di ba?”

“Kaso may girlfriend raw.”

“Dinig ko nga.”

“Harold Fernandez ‘di ba?”

Napatingin ako kaagad kay Saji na nasamid, “Ikaw siguro yung girlfriend?” Nanlaki ang mata niya at napainom ng juice.

“N-Noon, oo, ngayon iba na. Pinagpalit ako sa malapit e,” mahina niyang tawa.

“That’s awful—” Naputol ang sinabi ko dahil may lalakeng tumayo sa gilid ng table namin at inilapit kay Saji ang mukha.

‘What the hell?’

“A-Ano ba Harold?” Lumayo si Saji ngunit ngumiti ang lalake sa kanya at mas lumapit.

“Nice seeing you again, Saji.”

‘Kupal pala ‘to e? May nobya ng bago ganoon pa rin umasta?’

“It is not nice to see you here, Harold.” Tumayo si Saji ngunit halos mapapikit ako nang buhusan siya ng juice at matalsikan ang puting uniporme ko.

‘Nadamay pa nga.’

Huminga ako ng malalim nang sabunutan si Saji ng babae at ingudngod ang mukha niya sa kinakain.

“Ano ba?!”

“Mila!” Umawat yung Harold ngunit wala siyang nagawa.

“Ex ka na ‘di ba!? Bakit hindi ka dumistansy—” Nilapitan ko sila at inawat ko si Mila sa ginagawa, nang ayaw niya bumitaw ay diniinan ko ang hawak sa pulsuan niya dahilan para mabitiwan niya si Saji.

“You should know when is the right time to cause a scene, miss.” Patulak ko siyang binitiwan dahilan para galit niya akong tignan.

“Ano’t nakikialam ka? Sino ka ba ha? Malandi kasi ‘yang babae na ‘yan!”

Bumuntong hininga ako, “Nobyo mo ang pagsabihan mo sa pagdistansya, payapa kaming kumakain,” iritableng sabi ko.

“Look what you did to my uniform,” I looked down at my uniform and glanced at them.

‘We already caught everyone’s attention.’

“Ayoko sa lahat ay yung naiistorbo ang pagkain ko, lalo na’t nadudumihan ang kasuotan ko.”

“Wala akong pakialam!” bulyaw ng babae.

Nilingon ko si Saji na napapahiyang inayos ang sarili, “Ayos ka pa?” bulong ko.

Hindi siya sumagot, “Sa susunod na maulit ‘to, I’ll withdraw all of your documents so you could leave us alone,” mariing sabi ko at hinawakan si Saji sa pulsuan.

“Tara na.”

Pagkarating sa locker ay kumuha ako ng plain shirt at inabot sa kanya, “Anak ka ba ng kamalasan?” natatawang sabi ko dahilan para matawa siya at umiling.

“Baka nga nang umulan ng kamalasan, wala akong dalang payong.” Natawa na lang ako sa sinabi niya, inabutan ko na rin siya ng wipes.

“Take a shower,” utos ko at kumuha rin ng shirt ko.

Pumunta ako sa men’s shower room at nilinisan ang sarili, lagkit ng juice.

Bigla ay napaisip ako, kung siya ang babaeng nakita ko sa underground magagawa niya ipagtanggol ang sarili ngunit hindi.

Baka kaparehas niya lang ng nickname, sino ba naman kasi tatawag sa’yo ng Polaris?

‘Baliw.’

Natapos ang araw at pagkauwi ko ay nagulat ako nang makaharap si Lauren habang papunta ako sa kwarto ko.

“Kent Axel, just because you’re the son of the owner magc-cause ka na ng scene palagi. Hindi mo ba mapigilan ang sarili mo umiwas sa gulo?” sabi niya na ikinangunot ng aking noo.

“Ba’t ako?” Tanong ko kay Ate Lauren.

Siya ang gitnang kapatid namin at ang adopted sister ko.

“Mr. Fernandez told me you pushed her girlfriend.”

“Lol, I have all the reason to do so, nadumihan ang damit ko dahil binuhusan ng girlfriend niya si Saji ng isang pitsel ng juice. Bakit ako lang ang sinisisi mo?” naguguluhan kong tanong.

“I heard you threatened them that you’ll withdraw their documents—”

“That’s because they caused a scene first.”

“Kent Axel saan ka ba nagagalit? Dahil nadumihan ang uniporme mo o dahil binuhusan si Saji ng juice?” sabi niya na ikinatahimik ko.

“Ano bang tanong ‘yan?” mahinang sabi ko.

“Stop arguing, Kent Axel I need to talk to you. Follow me to my study.” Napaayos ako ng tayo dahil nagsalita si daddy, iniiwas ko ang tingin kay Lauren at sumunod kay dad.

Pagkapasok sa study niya ay bahagya akong kinakabahan, “Explain this to me,” he calmly said and showed me some footage from the underground.

Natigilan ako sa napanood, ito yung tinulungan ako ni Polaris. “Do you know this woman? She’s not registered on our system,” wika ni dad.

Napakurap ako, “Yes dad, based on what I investigated she’s Polaris,” mahinang sabi ko.

“Oh,” tila hindi pa siya makapaniwala sa narinig kaya naman mas nagtaka ako lalo sa reaksyon niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status