Share

Chapter 5

“Uhm Kent,” tawag ni Saji, habang umiinom ay nilingon ko siya bilang hudyat na sabihin niya na ang gusto sabihin.

“N-Nakita kasi kita sa labas, b-bakit biglang lumuhod yung lalake sa’yo?” mahinang tanong niya, pasimple kong nakagat ang ibabang labi.

“What do you think?” I asked and then glanced to watch her reaction.

“Because of the cigarette?” she wondered, tumikhim ako at mahinang ngumisi.

“Maybe,” sambit ko at uminom na lang, napansin ko naman na tahimik niyang pinaglaro ang mga daliri.

Is she bothered by it?

After three weeks, tumawag sa akin ang ate ko at mukhang galit na galit. Kadarating ko lang sa campus at pitong tawag na kaagad.

“Kent Axel, ano ‘yung nalaman ko? Jusko naman. Alam ko kung gaano kaikse ang pasensya mo pero estudyante ‘yon!” panimula niya.

“Ang alin? Ano ‘yon ate?”

“Yung lumuhod na student sa’yo sa labas ng pavilion hall, nakaka-stress. Hindi pa ba sapat na stress na ako dito sa Palawan?”

“Ate, about that—

“Ayusin mo, naka-post sa mismong bulletin board at sa online, ipapa-delete ko. Make sure hindi makarating kila mommy, bye.” Pinatayan niya kaagad ako ng telepono.

Nangunot ang noo ko at naalala na si Saji ang nakakita no’n, huminga ako ng malalim bago naglakad.

Pagkarating sa classroom ay nakita ko kaagad si Saji na nagbabasa ng libro.

‘Hindi talaga mapagkakatiwalaan ang mga tao sa panahon ngayon.’

“Uy Kent—”

“Follow me,” hinila ko ang pulsuhan niya palabas ng classroom.

Pagkarating sa walang tao na lugar ay hinarap ko siya, “Magkaibigan tayo ‘di ba? I trusted you!” napipikon kong sigaw.

Nagulat siya at napatitig sa akin, “B-Bakit? W-Wala naman akong ginagawa ah?”

“Talaga? Ikaw lang ang nandoon nang nag-uusap kami, at ngayon kalat na ang issue sa buong school. Hindi ikaw? Sinong niloloko mo?” galit na galit kong sabi, halos tumaas ang balikat ko upang mahabol ang paghinga.

Sumeryoso ang mukha niya, “Hindi nga ako,” mariing sabi niya.

“Osige sino?” Pinigilan ko ang sariling sumigaw pa.

“Hindi ko alam! Bakit ba ako ang kinakanti mo sa pagkalat ng issue? Wala akong ginagawa! Magkasama tayo palagi ano ka ba?”

Peke akong tumawa, “Ikaw lang ang nakalaalam no’n, Saji. Sino pa bang sisisihin ko?”

“Hindi ko nga alam e!” pagtaas niya ng boses.

Tinaliman ko ang tingin sa kanya, “Simula ngayon ay huwag mo na akong lalapitan o kauusapin. Hindi na kita kaibigan, traydor.”

Umawang ang labi niya may sasabihin pa sana ngunit tinalikuran ko na siya at iniwan.

‘’yon ba ang plano niya kaya niya ako kinaibigan? Traydor’

Makalipas ang tatlong araw ay hindi ko siya pinansin, ngunit ganoon rin siya. Tahimik lang siya at hindi ginawang magdaldal.

Huminga ako ng malalim, nauna siyang umalis ngunit inayos ko pa ang mga gamit ko bago pumunta sa cafeteria sa school.

Pagkarating ay napangiwi ako muli dahil mukhang may ganap na naman sa gitna. Bahagya ko namang natanaw ang nagaganap ngunit awtomatiko akong natigilan nang makita kung sino ang nasa gitna.

Mabilis kong hinawi ang kumpulan ng estudyante, nakita ko si Saji na basa ang putting uniporme at may mga galos.

‘Ano’t gan’to bigla?’

Namataan ko ang grupo ni Jared na masayang nanonood habang tumatawa naman ang grupo ng babae na kaharap ni Saji.

“Ano na Saji Argelia? Tumayo ka diyan! Matapang ka at maingay, ano’t bigla kang tahimik?” Bumuntong hininga ako at mabilis na pumagitna nang ihahampas na sana sa mukha ni Saji ang tray.

“What the hell?” Napaatras kaagad ang babae nang makilala ako.

“K-Kent Axel,” gulat na tawag ng bully sa pangalan ko.

“Oohh here comes the hero,” sarkastikong sabi ni Jared at tumayo.

Huminga ako ng malalim at tinalikuran sila, pinantayan ko si Saji na nakasalampak sa sahig. Ngunit nanginginig ang kamay nito habang nakakuyom.

‘Nanginginig ba ang mga ‘yon sa takot o dahil sa galit?’

“Tumayo ka diyan,” mahinang sabi ko at inalis kaagad ang jacket ko dahil sa lumalabas ang kulay ng suot niyang panakip dibdib.

Umiwas tingin ako matapos isuot sa kanya ‘yon at isara, “Tayo.”

Nang hindi siya gumalaw ay pilit ko siyang itinayo, panay ang salita ni Jared ngunit wala akong maunawaan.

“Sabi ko naman sa’yo, Saji Argelia. Pagsisisihan mong kinaibigan mo ang tao na ‘yan, ganoon ka niya kabilis itinakwil hindi ba?” Nagpantig ang tenga ko at nilingon si Jared.

“Anong ibig mo sabihin?” mahinahon kong panimula.

“Pinatunayan ko lang naman sa kanya kung gaano ka kalupit, Kent Axel.” Ngisi sa labi niya ay mabilis na umubos sa pasensya ko.

“And look how you mistreated your so-called friend, just like what you did to me.”

Kumuyom ang kamao ko, ngunit nilingon ko si Saji na umalis at umiika pang naglalakad.

“I’ll let you pass today, but there will be no tomorrow.”

Humabol ako kay Saji matapos bantaan ang mga gumawa no’n sa kanya. “Saji,” nang mahabol siya ay tumayo ako sa harapan niya.

Walang gana niyang sinalubong ang tingin ko, “Umalis ka sa harapan ko,” seryoso niyang sabi.

“About what happened—”

“There’s no need, baka sa susunod idiin mo na naman sa akin ang hindi ko ginawa. ‘Wag na lang,” malamig niyang tugon at nilampasan ako.

Nasapo ko ang noo at sinundan siya ng tingin.

‘Kahit sino magagalit sa ginawa mo, Kent Axel! Mag-aabogado ka pa naman.’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status