Share

Chapter 4

“Pero Kent totoo ba ang chismis?”

Nalingon ko siya sa sinabi, “Alin?”

“Mag-aabogado ka?” tanong niya at panigurado hindi rin siya makapaniwala, “I mean posible naman na maging abogado ka as long as kumuha ka ng 4-year course bago pumasok sa law school, but what are your reasons behind it?”

‘Daldal.’

“More knowledge, the hotter you get,” I smirked.

“Wow,” hindi makapaniwalang sabi niya, “Talkshit ka rin ‘no?”

Ngumiwi na lang ako, hindi ko na siya pinansin na walang kapaguran magsalita. Naririndi na ako.

Hanggang sa biglang may tumayo sa harapan namin, “New chic?” I glanced to Saji who was also confused by Jared.

He was my friend until it got ruined by his girlfriend who liked me.

“Kaibigan ka ni Kent?” Maganda ang ngiti ni Saji, ngunit tumawa ng mahina si Jared at inayos ang necktie niya.

“Oo, sa sobrang close namin inakit niya ang girlfriend ko. Ayos ba? Kung ako sa’yo umiwas iwas ka na, unless gusto mo ring masira,” Jared sarcastically said.

Ngunit natigilan ako nang mahinang hampasin ni Saji ang mesa kasabay ng kanyang pagtayo.

“Kung ganoon hindi ka niya kaibigan, mukha bang mang-aakit ‘yan ng nobya ng iba?”

“Eh ang sungit-sungit, masama ugali, akala mo nga divorced na kung umasta. Hindi man lang ngumiti, tas aagawan ka pa?” sabi ni Saji, pinagtatanggol ba ako nito o nilalait?

“Wala kang alam,” mariing sabi ni Jared. Napipikon yata siya sa pinagsasabi at pananalita ni Saji.

“Let it go,” awat ko na lang kay Saji.

“Eh, inaaway ka e—”

“C’mon, we’re not kids to argue,” mahinang sabi ko pa.

Inis na naupo si Saji, “Your dress doesn't suit you, miss. Kababae mong tao, brusko ka gumalaw.” Pang-iinsulto ni Jared na mukhang ikinainit ng ulo ni Saji.

“Huh! Yung magandang tuxedo mo hindi rin bagay sa’yo, lalakeng lalake ka manamit pero hindi ka manly umasta!” Pasimple kong nasapo ang noo nang muli siyang tumayo.

“I said enough,” sita ko kay Saji.

“Mag-iingat ka sa paligid niya, miss. Pag nalaman mo ang pagkatao niya ay baka matakot ka at tumakbo na parang pusa.” Tinalikuran kami ni Jared at ngingisi ngisi na umalis.

Sinulyapan ko si Saji na nagtataka, “Baliw ba ‘yon?”

“Ikaw, pwede pa.”

“Huh? Wala kang kwentang kaibigan Kent Axel! Wala!” bulyaw niya dahilan para pasimple akong ngumisi.

Tumayo siya at naiwan ang cellphone niya sa mesa, ihahabol ko pa sana ngunit napansin kong kumuha lang siya ng light alcoholic drink na inaalok ng mga waiter.

Ngunit tumunog ang cellphone niya na hawak ko, nangunot ang noo ko nang matanaw ang text message.

From unknown number:

Polaris, do your work properly.

Nangunot ang noo ko at ibinaba na ‘yon. Sa muli ay napaisip ako at nagduda kung sino ba talaga siya.

Hanggang sa bigla akong naalimpungatan nang kaharap ko na ang mukha niya, maganda ang ngiti niya at sinulyapan ang cellphone niya.

“Gusto mo makuha ang number ko ‘no—”

Nanlaki ang mata ko nang masagi ang likuran niya dahilan para maglapat ang labi naming dalawa.

Napalayo siya kaagad at nahawakan ang labi, “S-Sorry!” mabilis niyang sabi at galit na humarap sa likod niya.

“Sino ang tumulak sa akin!?” Napalunok ako at napatingin sa kung saan, ngunit hindi ko inaasahan na sa paglingon ko ay matatanaw ko ang mata na nagnamasid sa amin, kumunot ang noo ko lalo na nang mabilis itong tumakas at pumuslit sa maraming tao.

Maaring ilan sa mga spy ng kalaban namin ay nag-aaral dito, kung ganoon ay mautak sila. Pero mas mautak ako dahil hindi ko nakakalimutan ang mukha ng mga nagmamasid sa akin.

Nilingon ko naman si Saji na hindi pa tapos makipag-away dahilan para hawakan ko siya sa pulsuhan at napilitan siyang mapaupo.

“Stop causing a scene,” mahina ngunit naninita kong sabi dahilan para mataray siyang suminghal at pinagkrus ang braso sa dibdib dahilan para mapaiwas tingin ako nang umangat sa tube dress niya ang malusog na dibdib.

‘Shit, ano bang iniisip mo Kent Axel!’

Napailing ako at mabilis na napainom ng light alcoholic drink na provided ng school.

Ngunit natigilan ako nang mapasulyap sa cellphone ni Saji na nakatanggap ng panibagong mensahe.

‘Manuscript? Ah, siya ba yung writer na Polaris?’

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung sino na siya, buti na lang at siya pala yung writer na ‘yon.

Maya-maya ay lumabas ako para sundan ang nagmasid sa akin, prente akong naglakad sa bahagyang madilim na daan at tanging streetlights lamang ang liwanag pati na rin ang buwan na bilog at buong makikita.

Nang matanaw ko ang lalake na nagsisindi ng sigarilyo ay mabilis kong tinapik ang lighter na hawak niya dahilan para bahagyang lumipad ‘yon sa ere na mabilis kong sinalo.

“K-Kent,” gulat na sambit niya sa pangalan ko, matipid akong ngumisi at sinindi ang lighter na hawak niya.

“Make a wish,” I whispered and stared directly at his eyes, I felt how nervous he is when his iris started to shake.

“S-Sorry!” mabilis na sabi niya kasabay ng pagluhod at pinagkiskis ang dalawang palad, sa muli ay tumaas ang gilid ng labi ko at pinigilan na ngumisi.

“N-Nautusan lang ako, h-hawak nila ang kapatid ko at wala akong magawa kundi maglatag ng impormasyon tungkol sa nalalaman ko sa’yo!” paliwanag niya.

“Ah, ano bang nalalaman mo tungkol sa akin?” pagsusuri ko, nanatili siyang nakayuko.

“M-May bago kang kaibigan, h-hindi ko alam kung anong balak nila sa kanya p-pero baka puntiryahin siya! H-Hindi ko kilala ang nag-utos dahil may takip ito sa mukha, Kent Axel. Patawarin mo ako,” nang iyuko niya ang ulo hanggang sa sapatos ko ay hindi ako makapaniwalang tumawa.

‘Idadamay talaga nila ang inosente para ipitin ako?’

“Tumayo ka, umalis ka at bawiin mo ang kapatid mo.” Inilayo ko ang paa sa kanya at bumalik na sa loob ng event pavilion.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status