Share

Chapter 3

Matapos ang unang klase na wala namang ginawa ay inayos ko na ang bag ko, ngunit gulat ko na nilingon ang babae sa sinabi niya, “Ayos ba? Mukhang maangas? Mysterious?”

“A-Ano?” hindi makapaniwala kong tanong.

Ngunit tumawa siya nang malakas, “Sinusubukan ko kasi mag-arteng mysterious kaso ang hirap!”

“Pero bakit mo inagaw yung upuan ko?” seryoso niyang sabi na para bang ganoon kabilis niyang nababago ang emosyon.

‘Baliw ba ‘to!?’

“Miss, kindly stop trying to have a conversation with me, b-baliw ka na.” Iniiwas ko na ang tingin sa kanya at inis na umalis sa classroom.

Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya, “Kung ako baliw, ikaw lutang. Kumuha lang ako ng gamit sa gilid mo pero naupo ka sa upuan ko! Worse naupuan mo ang cellphone ko, basag.”

Itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya at basag nga ‘yon, ngunit mabilis akong napatingin sa crowded hallway nang mapansin ang nagmamasid.

‘Hindi ko alam na ganoon kadali makapasok ang mga kalaban sa mismong eskwelahan na ito’

“Dapat yata hindi Sandoval ang pangalan mo, dapat helium baloon kasi lagi kang lutang!” Bumalik ako sa ulirat sa sinabi ng babae na nasa harapan ko.

“Tabi,” wika ko at hinawi siya sa dinaraanan.

Hindi pa rin siya sumuko sa pagsunod, “Pwede ka ba maging friend? Uy Sandoval, saglit naman!”

Ang ingay niya.

“Sandoval—”

“Kent ang pangalan ko, hindi Sandoval. Wala ka bang commonsense?” sabi ko habang sinasabayan niya ako maglakad.

“Meron, pero out of service ngayon.” Humalakhak siya matapos niya sabihin, kababaeng tao ang ingay, brusko.

Panay ang daldal ng babaeng sumusunod sa akin, “Hindi ba pwedeng ikaw na lang si Sandoval?”

Hindi ko na siya sinagot, hanggang sa makapasok kami ng cafeteria ay nakiupo siya sa mesa ko.

“Makipagkaibigan ka na kasi? Wala akong kaibigan kasi bago lang ako, yung iba naman plastic!” Sa pagmamaktol niya ay nagkadahilan ako para mas manahimik.

“May kasama ka sa opening ball mamaya? Pwede sumama sa’yo?” sabi niya, tinaliman ko siya ng tingin dahilan para inosente niyang itikop ang mamula mula at bahagyang manguso na bibig.

“Are you asking me to be your date at the opening ball?” I unbelievably asked.

“No, I’m asking to be your friend. Confidante? Best friend? Ally?” Huminga ako ng malalim at matagal siyang tinitigan.

Ang itim at mahaba niyang buhok ay napupunta sa mukha niya, “Titigilan mo na ako pag pumayag ako maging kaibigan mo?” tanong ko.

“Hmm, sure?” Ngumiwi ako dahil hindi pa siya sigurado, “Magpapakilala na ako ha—”

“Sa opening ball na lang,” walang gana kong sabi.

Kalaunan ay nagsimula na rin ang opening ball halos lahat ng estudyante ay nasa loob na ng venue, bago pa man ako pumasok sa event pavilion ng school ay natanaw ko yung babae kanina na inaayos ang stilletos nitong suot.

“Nakakainis, ang taas-taas ng takong na pinasuot sa akin, matangkad na nga ako,” bulong nito sa sarili.

Ngumiwi ako at lalapitan na sana siya ngunit mabilis siyang naglakad na papasok dahilan para mapailing ako at pumasok na lang rin.

Sa loob ng event hall ay masasayang tugtugan at sigawan ng mga estudyante, mahirap makapasok sa eskwelahang ito dahil sa standard ng school records.

Wala naman sigurong baliw ang makakapasok rito ‘di ba?

“Hoy!”

‘Speaking of crazy, she already saw me huh?’

Nalingon ko ito ngunit natigilan ako nang malakas na kumalat ang pabangong suot niya na kaparehas ni Polaris. Ang babaeng hinalikan ako matapos sampalin.

Sino ba naman ang malakas ang loob na gagawa no’n hindi ba?

“Magpapakilala na ako ha, makinig ka mabuti. Bihira lang ako magbigay ng pangalan pero sa’yo pa,” taas noo niyang sabi.

Awtomatiko akong ngumiwi nang ilahad niya ang palad sa harapan ko bago nagsalita muli, “Saji Argelia Collins.”

Kahit wala sa mood ay tinanggap ko ang palad niya, “Kent Axel Sandoval.”

“Alam ko, bukang bibig ka ng mga babae e. May hindi pa ba makakakilala sa’yo?” sarkastiko niyang sabi dahilan para bawiin ko na ang kamay at maupo.

Hindi ko inaasahan na tatabi siya at magsagi ang braso namin kaya bahagya akong dumistansya dahil hindi ako sanay madikitan, o mahawakan.

Ngunit natigilan ako nang magsimula na naman dumaldal si Saji sa tabi ko.

“Alam mo ba na Polaris ang tawag sa akin ng iba?” sabi niya dahilan para tuluyan akong maestatwa at dahan-dahan siyang lingunin.

‘Polaris?’

Ngumiti siya at hinawi ang buhok, “Ang ganda ‘no? Parang yung north star lang na palaging katabi ng buwan kahit saan man ito mapunta,” sabi niya.

Ngunit hindi dahil maganda ‘yon kung bakit ako nahinto, kundi pumasok sa isip ko si Polaris na sumampal at humalik sa akin.

‘Nahihibang na yata ako sa kaiisip.’

Malaki naman ang posibilidad na marami ang gumagamit ng ganoon na nickname, may sumusulat nga ng libro na ‘yon ang pen name kaya’t hindi malabo.

Masyado lang akong invested kay Polaris dahil sa tagal ko siyang hinanap, ngunit wala talagang trace na kahit ano pagdating sa kanya.

Ganoon kahigpit ang Luna, masyado silang malinis gumalaw. Batid ko ‘yon dahil isang Luna ang asawa ng ate ko, kaya panigurado kahit tanungin ko ang asawa ni Ate Mia ay wala akong makakalap.

‘Paano kaya kita matatagpuan, Polaris?’

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status