Share

Chapter 2

Kent Axel’s Point Of View.

Wala sa sarili akong pumasok sa opisina sa mismong underground, “Sino ang babae na ‘yon?”

“Y-Yung humalik sa’yo sir?” Tinanguan ko ang lalake na nauutal pa sa kaba, napaghawak niya ang kamay at tumingin sa sahig.

“B-Bawal po kasi sabihin at ang nalalaman lang po namin ay hindi siya kasama sa Sanez Organization,” sobrang hinang sabi ng lalake na kaharap ko, hindi mapirmi ang mga daliri niya sa paglalaro.

“Saang grupo kung ganoon?”

“S-Sa Luna po,” magalang niyang sagot, nanatiling nakayuko.

I sighed, “Alamin mo,” nagsalubong ang kilay ko at tumitig sa kung saan.

“S-Sir b-baka po kasi—”

“Just do what I’ve told you,” mariing sabi ko at tumayo na ngunit inis akong napapikit ng tila maramdaman pa rin ang labi niya sa labi ko.

Hinablot ko ang jacket at nagmamadaling lumabas para makauwi na ako sa bahay.

Kalaunan ay nalaman ko na si Polaris ang babaeng iyon, kabilang siya sa Luna at hindi ko sigurado kung kilala sila ng asawa ng panganay kong kapatid.

Dahil ang Luna ay kilala bilang secret organization, kahit pagkatao nila ay sikreto at itinatago.

“Kent Axel,” napalingon kaagad ako sa tawag ni dad, matipid akong ngumiti nang akbayan niya ako.

“Balita ko inalam mo ang tungkol kay Polaris?” mahinang sabi niya na para bang sikreto ang pinag-uusapan namin.

Tumikhim ako bago sumagot, “She made a grave mistake dad, I can’t forget about it. It’s even bugging me to sleep.”

“Grave mistake?” he curiously asked and gave me a glance, “Did she point a gun on you?”

“No dad, she kissed me after she slapped my damn face.” Napahinto ako nang malakas na tumawa si dad, natakpan pa niya ang bibig upang pigilan ang tawa, kaya naman mas nagsalubong ang kilay ko.

“What’s the grave mistake she did? Kissed you or slapped you?” Pigil tawa niya pang tanong, kung kaya’t bumuntong hininga ako.

“Dad,” nagrereklamo kong tawag sa kanya dahilan para tapikin niya ang likod ko at ngumisi.

“First kiss mo?” Napaawang ang labi ko sa sinabi ni dad, seryoso ba siya?

“Well, I guess that’s a yes. Wala ka naman naging girlfriend,” he chuckled.

“Pero anak, hindi ba siya ang matagal mo ng hinahanap?” tanong ni dad dahilan para pumasok sa isip ko ang kababata na nakilala ko sa training ground noong bata ako.

“H-Hindi sigurado dad kung iisa ba sila, ngunit hindi rin malabo na siya nga ang kababata ko,” bulong na sabi ko at malalim na napaisip.

Ang kababata ko na ‘yon ay ang masasabi kong first love ko, nakakatawa mang isipin ngunit sa gulang ko na nuebe ay nagkaroon na ako ng tinatawag na first love.

Noon man ay hindi na rin nilisan ng nakababata ko na ‘yon ang isip ko, tumira na rin yata siya sa puso ko na kahit pa magkagusto ako sa iba ay hindi ko na siya maiaalis sa pagkatao ko.

“Kent Axel, masyadong malalim ang iniisip mo na kahit magkatabi lang tayo ay hindi mo ako naririnig,” mahina at natatawang sabi ni dad.

“Ah sorry dad,” napapahiyang sabi ko.

“Sige na’t magpahinga ka na rin, huwag mo na masyadong pagtuunan ng pansin pa,” he said and left me standing in front of the sky full of stars with the moon shining a little bit lighter tonight.

After a few months, the classes started normally. I was fixing the necktie I was wearing, it’s part of our uniform when Thursday.

Abala ang isip ko na pumasok sa classroom at derederetsong naupo sa upuan na makita ko, tulala ako at nakatitig sa kakapasok na professor.

Agaran naman siyang dumada sa harapan, ngunit kakaisip ko yata sa Polaris na nakilala ko sa organization ay kahit dumikit na amoy niya sa balat ko ay hindi na nawala at naamoy ko pa rin.

“4th year students!” Nakuha ng prof ang atensyon ng lahat sa malakas nitong sigaw, “Paalalahanan ko lamang kayo na huwag magpakalat kalat sa hallway kapag may klase, ayoko rin na may tayo nang tayo sa klase ko.”

Nilingon ko ang babaeng nakatayo sa gilid ko ngunit halos mailayo ko kaagad ang mukha nang sumalubong sa mukha ko ang dibdib niya at prenteng nakatitig sa kinauupuan ko.

“What about you miss? Ano’t para kang multo na masama ang tingin kay Sandoval?” tanong ng prof sa babae.

Nagtataka kong tiningala ang mukha nito, salubong ang kilay at akala mo ninakawan ng upuan—

“Sir, upuan ko po ang inupuan niya.” Halos maiiwas ko ang mukha sa mabilis niyang turo sa akin habang nakatingin sa prof namin.

‘Lakas ng trip nito ah?’

“Mr. Sandoval, care to find another seat? Her bag is already sitting on your seat.” Napapahiya akong tumayo at lumipat sa kabila, hindi ko napansin dahil abala ako sa pag-iisip.

Inis kong nilingon ang babae sa dating kinauupuan ko, binuklat nito ang libro na para bang may itinuturo na ang guro sa harapan.

“Gusto mo ba ako?” sabi niya dahilan para umawang ang labi ko sa pagkadismaya.

“What? No.”

“Huwag mo ‘ko titigan na para bang kamukha ko yung ex mo,” sabi pa niya. Hindi ako makapaniwalang suminghal at tinanaw na lamang ang guro sa harapan.

Pasimple kong sinusulyapan ang babae dahil tingin ko hindi dahil sa kakaisip ko kay Polaris galing ang amoy at ang pabango na ‘yon.

Parehas na parehas sila ng amoy ng babaeng sumampal at humalik sa akin.

Pero baka marami lang ang gumagamit ng pabango na ‘yon, at baka pati ako ay nahawa na sa kahibangan ng katabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status