Share

28

"Asan ba daddy mo?" tanong ko kay Kyro.

Nahampas ko ang noo ko dahil nakalimutan kong hindi na pala ulit ito nakakapagsalita. Buti na lang at tumuro ito sa itaas.

"Ikaw na lang ang mauna, Ky. Susundan ka na lang ni Teacher," ani ko.

Umakyat kami sa itaas. Nagtataka talaga ako kung bakit parehong pareho ang disenyo ng bahay namin sa bahay nila. Hindi ba pwedeng makasuhan ang isa sa amin ng Plagiarism? Kahit saang parte ay parehong pareho.

Huminto kami sa dulong pinto. Kulay itim ito at halos matawa ako dahil sigurado akong pareho rin ang disenyo non sa loob.

"Gising na ba si Daddy mo?" tanong ko Kyro bago siya buhatin.

Umiling ito dahilan para magtaka ako. Anong oras na ba? Mag-aalasyete na, ah. Sa pagkakatanda ko ay kanina pa dapat nakaalis ang isang to. Sa resthouse kasi ay maagang umaalis ang demonyong iyon.

"Kumain ka na ba?" tanong kong muli.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status