Share

33

Hindi ko alam kung panaginip lang ba ang mga 'to. Ang demonyong si Jacob ay naging anghel. Imagined, araw-araw akong nakangiti. Sa tatlong araw na lumipas ay tanging kasiyahan lang ang naramdaman ko.

"Papasok na 'ko, Mel. Ikaw na muna bahala kay Kyro," aniya bago ako bigyan ng halik sa aking noo.

Natulala ako. Isa 'to sa mga ginagawa niya. Tatlong araw na ang nakalipas pero walang humpay sa pagbibigay kasiyahan ang isang 'to. Masyado akong nahulog. At hindi ko akalain na ganito pala kalalim ang bangin na huhulugan ko.

"Mag-ingat ka. Siguraduhin mong uuwi ka ng maaga dahil tatadyakan kita sa leeg kapag ginabi ka," sagot ko na nagpangisi sa kaniya bago ako bigyan ng isang flying kiss.

Clićhe ba? Para kaming teenager sa isang campus. Punyetang 'to. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng ganitong side. Masyado akong nacocornyhan. Kung may cctv man dito ay paniguradong tumatawa na si Cyril.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status