Share

38

"Hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni Elena nang marinig naming sumara ang pinto.

Muling namayani ang katahimikan. Dilim na naman ang namuo sa silid na 'to.

Napaismid ako at umayos ng upo. "Wag na, baka may lason pa yang pagkain na 'yan."

Hindi siya umimik at mas piniling lumapit sa rehas. Kinuha niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Tignan mo! Binibiro lang, eh! Kanina pa kaya kumakalam yung sikmura ko!

Bahagya akong natawa. "Kapag bumula yang bibig mo tatawanan talaga kita."

Nagkibit balikat ito at hindi ako pinansin. Patay gutom. Mabilaukan ka sana letse ka.

Nang mangalahati ang nasa pinggan niya ay agad niya 'yong inilapag.

Nagkunwari akong tatanggi. "Wag kang makulit. Hinding hindi ko kakainin 'yan," ani ko habang nakatingin sa pagkain.

Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. "Sino nagsabing sa'yo 'to?" tanong niya na i

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status