Rehas at madilim na paligid ang bumungad sa akin. Agad nangunot ang aking noo. Nasaan ako? Wag mo sabihing kinulong niya ako? Gugutumin ako bago patayin?
Sinubukan kong bumangon. Pilit akong umayos pero may malamig akong naramdaman na nakadikit sa paa ko. Tinignan ko 'yon at doon ko nakita ang isang kadena.
Letse naman. Talagang nakakulong ako sa letseng kulungan na 'to!
Kinapa ko ang katawan ko. Wala namang masakit sa mga parte nito. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi man lang niya ako binugbog kaagad. Kainis! May paiyak iyak pa siyang nalalaman tapos ikuku
"Hindi ka pa ba kakain?" tanong sa akin ni Elena nang marinig naming sumara ang pinto.Muling namayani ang katahimikan. Dilim na naman ang namuo sa silid na 'to.Napaismid ako at umayos ng upo. "Wag na, baka may lason pa yang pagkain na 'yan."Hindi siya umimik at mas piniling lumapit sa rehas. Kinuha niya ang pagkain at nagsimulang kumain. Tignan mo! Binibiro lang, eh! Kanina pa kaya kumakalam yung sikmura ko!Bahagya akong natawa. "Kapag bumula yang bibig mo tatawanan talaga kita."Nagkibit balikat ito at hindi ako pinansin. Patay gutom. Mabilaukan ka sana letse ka.Nang mangalahati ang nasa pinggan niya ay agad niya 'yong inilapag.Nagkunwari akong tatanggi. "Wag kang makulit. Hinding hindi ko kakainin 'yan," ani ko habang nakatingin sa pagkain.Kumunot ang noo nito at tumingin sa akin. "Sino nagsabing sa'yo 'to?" tanong niya na i
Sa apat na taon kong pamumuhay, simula nang nawala ang ate at si mama, ang tanging gusto ko lang ay mapatay ang mga taong humamak sa kanila. Apat na taon akong nagkimkim. Apat na taon akong nagtiis. Puro sakit at galit ang namayani sa apat na taon kong pamumuhay.Ngayon. Nasa harapan ko na ang tatay ng lalaking pumatay sa mama ko.Ang akala ko noon na kapag natanggap ko na 'tong misyon na 'to at nakapaghiganti na ay ok na ang lahat. Akala ko kapag nakapaghiganti ako ay matatahimik na ang damdamin ko. Akala ko mawawala yung sakit at galit. Pero habang ginagawa ko ang misyon na 'yon ay iba ang naramdaman ko. Hindi ko akalain na sasaya ako kahit na panandalian lang. Si Kyro at Jacob ang nagsilbing panandaliang saya sa misyon ko. At hindi ko akalain na mababago non ang takbo ng buhay ko.Nakaupo kami sa loob ng selda. Nakatitig ako sa lalaki habang ito naman ay nakatingin sa itaas. Nasa labas si Aileen at tinitignan kung may d
Dali dali akong tumayo at lumabas kaagad sa madilim na selda na 'to. Hindi pa man ako nakakalayo sa paglalakad ay kaagad na tumulo ang luha ko. Parang nasaksak yung puso ko dahil sa mga nalaman ko ngayong araw. Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Naghalo na sa sistema ko ang sakit at emosyon sa aking dibdib. Kaagad kong pinahid ang luha ko. Hindi ko na inisip ang itsura ko. Masyado akong nilalamon ng sakit.Madilim ang paligid. Kasabay non ay siyang pagdilim ng puso ko. Masyado akong naiinis. Masyado akong nasaktan. Kahit anong pilit kong alisin sa isip ko na huwag umiyak ay kusang pumapatak ang luha ko.Hindi ko matanggap! Hindi ko matanggap na yung taong nagkunwaring tumulong ay siyang may kasalanan ng lahat ng 'to. Hindi ko masikmura ang mga nalaman ko. Ang akala ko ay hinahanap niya si Papa pero mukhang malabo. Tanginang panot na 'yan!Napasigaw ako sa inis. Nasabunutan ko ang sarili ko at napaluhod sa sahig.
Paglabas namin ay kaagad na bumungad ang kakahuyan. Nagtataasan ang mga puno. At agad din akong sinalubong ng malamig na simoy ng hangin.Nakatulala lamang ako habang tumatakbo. Nasa unahan si Ryan at siya ang nagsisilbing direksyon namin. Nagpaiwan ang daddy ni Jacob kaya apat na lang kami nila Elena ang kasalukuyang tumatakbo.Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na buhay pa si papa. Ang tagal namin siyang hinanap. Ang tagal namin siyang pilit na hinanap. Pero bakit? Bakit ngayon lang siya nagpakita?Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganon ang lahat. Ang alam ko ay close na close si Papa at si tito. Hindi kaya...Sandali akong natigilan dahil sa naisip ko. Ito ang ayoko sa lahat. Ayokong hindi nasasagot ang mga katanungan ko. Hindi pwedeng umuwi ng walang sagot sa magulo kong isipan.Napahinto rin sila at tumingin sa akin."Anong problema?" Tanong sa akin
2 Years LaterNapaunat ako nang wala sa oras. Tunog nang tunog ang cellphone ko dahilan para magising ang diwa ko.Napatingin ako sa laptop na nasa harapan ko. May mga papel pa rito at sa tabi non ay ang mug na wala ng lamang kape.Letse. Nawiwili na ako sa pagtulog dito sa study table, ah! Mukhang nakatulog ako dahil sa puyat at pagod. Ang hirap ng ganito! Encode dito! Encode do'n!Tumingin ako sa relo at mukhang maaga pa para sa paggising ko. Kainis naman! Kung kailan kailangan ko ng tulog ngayon, oh!Muling tumunog ang cellphone ko. Humihikab ako habang hinahanap kung saan lupalop ko siya nailapag kagabi.Tinaas ko ang mga papel sa harapan ko at doon ko nakita ang hinayupak na cellphone na kanina pa tumutunogTinignan ko muna kung sino ang gumambala sa tulog ko bago ko sinagot.
Kung may gusto man akong maalalang pangyayari sa nakaraan ko, hinding hindi ako magdadalawang isip na kunin ang pagkakataon na 'yon.Palabas na ako ng apartment ko kaya naman agad akong sinalubong ng malamig na hangin.Nakakainis. Gusto ko talagang maalala ang past ko. Masyado kasing pormal ang buhay ko ngayon. Para bang hindi ganito yung nakasanayan ko dati. Parang napakalayo ss dati kong buhay.Gusto kong may maalala kahit kaunti man lang. Siguradong ako ang may pinaka magandang karanasan noon. Marami siguro akong masasayang memorya na paniguradong ikatutuwa ko."Last week pa 'yon! Puro ka trabaho! Kapag ikaw tumandang dalaga!"Itong si Cyril. Paano ako tatadang dalaga, eh, marami ngang afam ang umaaligid sa akin. Kahit saan ako magpunta merong lumalapit. Kahit saan ako tumingin may nahuhuli akong nakatingin sa akin. Sa ganda kong 'to? Hello?Pero kahit ma
"Magcucut ka na naman ng class?" tanong sa akin ni Cyril. Nadaanan ko ang room niya at mukhang nahuli pa ako ng wala sa oras."May nakalimutan lang ako sa bahay. Babalik din naman ako kaagad," sagot ko na kinunotan niya ng noo."Totoo? Baka mamaya hindi kita makita, ah! Alalahanin mong aabangan ka ni mama mamayang uwian!" sigaw niya na nagpairap sa akin."Oo na, oo na! Letse," sagot ko bago tuluyang umalis.Bumaba ako ng building. Nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad akong lumabas ng campus. Nakakatamad kasi sa room. Masyado akong uugatin do'n. Mas mabuti pang mag mall. Mas marami pa akong makikita. Inubos ko ang oras ko sa pamimili. Ang daming sale ngayon kaya paniguradong mauubos ang pera ko. Madami na akong bitbit na paper bag sa dalawa kong kamay. Kulang pa. Kulang na kulang pa an
"Hey," bati ko rito.Ngunit hindi ito natinag. Para akong hangin dahil nanatili pa rin siyang nakatingin sa bintana. Bahagya kong ginulo ang buhok nito, "Kyro," mahinang usal ko.Dahan dahan itong lumingon sa akin. Muli ko na namang nasilayan ang maamo nitong mukha. Napakainosente. Malayong malayo sa kanyang ama.Kusang sumilay ang ngiti sa aking labi. "Get your coloring book and coloring materials na," masuyong saad ko. Tumango naman ito. Ilang sandali lang ay kinuha na nito sa kanyang bag ang kanyang mga gamit. Hindi ko mapigilang matuwa. "Vey good!" Nang makita ko itong busy sa pag-aayos ng kanyang gagamitin ay tumayo ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa aking upuan nang maramdaman ko ang paghawak ng maliit niyang kamay sa laylayan ng aking damit.Hi