"I love you, babe..." masuyong saad ni Lorenzo kay Tamara habang ang kanyang mga mata ay hindi man lang mapuknat sa pagtitig dito... sa pagtitig sa kanyang asawa."You've been saying that since a while ago," napapangiti nitong saad. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang magsalita ngunit alam niya namang tinutukso lamang siya nito. Bakas naman kasi ang kaligayahan sa mukha nito mula pa kanina."I will never get tired on saying those words, my wife. I love you so much.""At hindi rin ako magsasawang sagutin ka ng 'I love you too'. Lagi, Renz, lagi kitang mamahalin," madamdamin nitong sabi sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay muli na namang bumukal ang mga luha sa mga mata nito.She has been emotional since their wedding started. Mas lalo pa nga itong naluha nang banggitin na nila ang kanilang mga wedding vows kanina.Nang makita ang emosyong nakalarawan sa mukha ni Tamara ay marahan niya pa itong hinapit sa baywang. Bahagyang mahirap na itong yakapin nang mahigpit sapagkat malaki na nga an
Isa-isang pinasadahan ni Lorenzo ng tingin ang mga bagong disenyong ipinasa sa kanya nina Crisanta. Hawak niya sa kanyang mga kamay ang folder na naglalaman ng mga bagong gawa ng mga ito. Lahat ay masusi niyang pinag-aralan at sinuri.Para sa bago nilang proyekto ang mga naturang disenyo. Isang kilalang personalidad ang sadyang nagpagawa sa kanila ng mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bagong pagawang bahay nito.Dalawang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin sila nawawalan ng mga kliyente. Nanatiling matagumpay ang Olivar Furniture Company at sa mga nakalipas na taon ay mas nadagdagan pa ang kanilang mga empleyado sapagkat mas dumarami ang mga proyektong nakukuha nila."These are good. Set a meeting by Wednesday to talk about these. I also want a presentation about the materials that we are going to use for these furniture," maawtorisado niyang wika kay Monique at Crisanta na ngayon ay magkatabing nakatayo sa harap ng kanyang executive desk.Isinara niya na ang folder na hawak-
Dire-diretsong naglakad si Lorenzo sa kahabaan ng pasilyo habang muling sinusubukang tawagan ang numero ng kaibigan niyang si Ethan. Kasalukuyan na siyang nasa airport ng Davao at hindi pa natatagalan mula nang lumapag ang eroplanong kanina ay sinakyan niya mula sa Manila patungo sa probinsiyang iyon.He was on that province to spend some days on his friend's private beach resort. Nagmamay-ari si Ethan ng isang pribadong beach resort sa isla ng Samal--- ang Ocean Pearl Private Resort.Napagpasyahan niyang magtungo roon upang kahit papaano ay magkaroon ng bakasyon. Gusto niya munang ipahinga ang kanyang sarili mula sa sandamakmak na trabaho sa kompanyang pag-aari ng kanilang pamilya.Mula nang tumuntong siya sa edad na bente-singko ay siya na ang namamahala sa furniture company na inumpisahan pang itayo ng kanyang abuelo. He is now thirty-five at pakiramdam niya ay ngayon niya kailangan ng pahinga mula sa maraming gawain sa kanilang kompanya.But Lorenzo knew better. He was on that pro
Katulad ng mga sinabi ni Roberto ay sinadya nga ni Tamara ang beach resort na pinagtatrabahuan nito, ang Ocean Pearl Private Beach Resort. Malayu-malayo rin iyon mula sa kanilang tinitirhan ngunit hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ang nasabing lugar upang makita at makausap muli si Roberto.Ayon dito ay ilang taon na itong namamasukan sa naturang resort. Ito ang pinagkakatiwalaan roon at nagsisilbing tagapamahala kapag nasa Manila ang amo nito.Sa loob ng ilang taon mula nang makilala niya si Roberto ay sa resort na iyon sila nagkikita. Madalian lamang at madalas pa ay agad din siyang pinapauwi nito sa tuwing nagagawi siya roon. Kaya nga nang malaman niya na pupunta ito sa airport nang isang araw ay dali-dali siyang gumayak patungo roon upang makausap ito. Bagay iyon na wala rin namang silbi dahil nagmamadali rin ito sa pagbalik sa resort.Naiintindihan niya naman iyon dahil trabaho lang ang ginagawa nito pero hindi niya rin maiwasang makaramdam ng tampo dahil sa sitwasyon nilan
Kulang ang salitang gulantang sa nadarama ni Tamara nang marinig niya ang mga sinabi ng lalaki. Ang bigla nga nitong pagsulpot kanina ay labis na niyang ikinagulat, mas higit pa ang mga sinabi nito sa kanya.Hindi niya inaasahan na makitang muli sa resort na iyon ang lalaking nakabungguan niya sa airport nang isang araw. Sa laki ng Davao ay hindi na niya inakala pa na magkrus muli ang kanilang mga landas. At sa ganoon pa talagang senaryo!"Hindi ba?" saad pa ng lalaki sa tinig na nasisiguro niyang punong-puno ng sarkasmo. "Narinig ko ang usapan ninyo. Bakit ka pinagbabawalan na pumarito ni Mr. Asuncion? At bakit nababahala siya na baka makita ka ng asawa niya? May itinatago kayo?"Sa dami ng mga sinabi ng lalaki ay hindi agad nakasagot si Tamara. Ni hindi siya makaapuhap ng ano mang salita na ibabato dito. Damang-dama niya kasi ang panliliit dahil sa tono na ginamit nito.She swallowed hard. Sa kabila ng nadarama ay hindi siya nagpakita na naaapektuhan siya dahil sa mga sinabi ng lala
"H-Hindi ako makapaniwalaang kaibigan ka nga ni Sir Ethan. You are insane," saad ni Tamara sa halos nagugulumihanang tinig. "Naririnig mo ba ang mga sinabi mo, Mr. Olivar?""Of course, I do," balewala nitong tugon. Mistula pa nga itong naaaliw sa naging reaksyon niya. Patunay roon ang isang nakalolokong ngiti na naglalaro sa mga labi nito habang nakatitig sa kanya."Nababaliw ka na nga kung ganoon?" wika niya pa. "You were asking me to be your woman. Bakit naman ako, sa tingin mo, papayag sa gusto mo? Hindi ako---""Iyon naman ang papel mo sa buhay ni Mr. Asuncion, hindi ba?" sansala nito sa kanyang pagsasalita. "You are his woman. You did not even deny it. At ang mga sinabi mo kanina ay parang mga nagpatibay lang ng mga hinala ko sa iyo. But why stick to Mr. Asuncion if there could be a better replacement?"Nahahati ang damdamin ni Tamara sa mga sinasabi ng lalaking kanyang kaharap. Una, gusto niyang mainsulto dahil sa mga binato nitong salita. Dalawang beses pa lamang sila nagkikita
Dire-diretsong naglakad patungo sa kanilang bahay si Tamara. Pasado alas-siyete na ng gabi ngunit marami-rami pa ring bata ang nasa daan at naglalaro. Ang iba ay nagtatakbuhan pa at kailangan niyang ilagan upang hindi siya mabunggo. Sa isang sulok naman ng daan ay naroon ang mesang lagi na ay may inuman session ng kanilang mga kapitbahay. Nasa tapat mismo iyon ng bahay ng kapitbahay nilang si Mang Orling.Ganoon lagi ang senaryo sa lugar nila. Karamihan sa mga taga-roon ay katulad din nila ang estado sa buhay--- isang kahig, isang tuka. Kung hindi kikilos ay walang kakainin. At iyon ang uri ng buhay na gustong takasan ni Tamara.Hindi siya ganoon kaambisyosa. Maiahon niya lang talaga sa hirap ang kanyang ina ay sapat na para sa kanya. Hindi niya rin naman nais na habang-buhay ay naroon siya sa lugar na iyon at mag-aasam na lang kung may kakainin ba o wala.Iyon ang dahilan kung bakit nais niyang makabalik sa kanyang pag-aaral. Bente-kwatro anyos na siya at isang taon pa lang sa kolehi
Agad na nanlaki ang mga mata ni Tamara dahil sa ginawa ni Lorenzo. Sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma sa kanyang kinatatayuan habang sakop pa rin nito ang kanyang mga labi. Isang mariing halik nga ang ibinigay nito sa kanya habang ang isang kamay ay mahigpit na nakapigil sa kanyang batok. Ang kabilang kamay naman nito ay nakahawak pa rin sa kanyang palapulsuhan.Until Tamara gasped softly as his lips moved on hers. Mistula itong nag-uudyok na ibuka niya ang kanyang bibig at tanggapin ang halik na binibigay nito. And because of what he did, Tamara was able to taste the alcohol that he had a while ago.Sanay naman siyang makakita ng mga lalaking umiinom. Sa lugar nila, waring normal na sa kanilang mga kapitbahay ang mag-inuman. Kahit walang okasyon at sa kabila ng hirap ng buhay ay nakakakuha ng pagkakataon ng ilan nilang mga kapitbahay na magkaroon ng inuman session.At aaminin niyang hindi niya gusto ang amoy ng alak sa ibang tao. Lalo na sa tuwing humahalo ang amoy ng inu