Share

Kabanata 21.1: REWARD

Enver’s POV

Halos mawalan ako ng kontrol dahil sa ginawang pagbangga sa akin. May mas malala pa naman na nangyari doon kaya lang may plano sa akong gawin na hindi na tuloy nasunod. Hindi ako mahilig magpakitang gilas lalo pa't delikado sa uri ng ganitong laro pero ngayong nandito si Sayna ay tila gusto kong gumawa ng magpapa-impress sa kanya.

Hindi ko na alam kung ilang sasakyan ang nalagpasan ko pagkatapos kong mabangga. Pero tinuon ko ang atensyon ko sa apat na nasa unahan ko. Isa iyong kay Charred na Nissan Nitro na siyang nangunguna, hindi na ako nagulat dahil sobrang baliw at halimaw ito sa racing. Pangalawa naman si Chinito boy, pangatlo iyong baguhan na sinabi ni Leo na prodigy daw sa racing, at itong pang-apat naman ay Mexican guy na nauna sa akin.

Hindi ko alam kung nangangalawang na ba kaagad ang galing ko sa racing matapos kong ikasal pero hindi ako papayag na walang makukuhang pwesto ngayong gabi. Dati sa pagri-race ko, wala naman akong masyado ng iniisip kundi ang ilab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status