Sayna's POV (Part 2) Umalis si Enver para umuwi sa kanila at makausap si Mr. Clinton. Gusto niya raw sabihin kung pwede munang iatras ang pag-alis ko hanggang sa tuluyan na niyang magamay. Sinabi ko sa kanya na hindi na niya kailangang gawin iyon at may tiwala kami sa kanya lalo pa’t ako naman ang magtuturo. Hindi ko alam kung bakit gusto pang iatras ni Enver ang pag-alis ko gayong wala na namang dahilan pa para magtagal kami sa kasal na ito. Inalam ko ang problema na kinakaharap namin ngayon sa Almarez at tama nga ang espekulasyon namin na nagiging parehas na nga kami sa kanila na tila may nakakaalam ng bawat hakbang namin. Ngunit kaagad din akong napahinto nang makatanggap ako ng text mula kay Vince. Vince: Let’s talk. May itatanong ako at kung pwede sana ikaw lang mag-isa. Not urgent but if you have time now, pwede tayong sabay na magmeryenda. Pero seryoso ang pag-uusapan natin. Pumunta sa lugar na sinabi ni Vince at pumayag na sabay kaming magmeryenda. Nakaramdam ako ng ka
Enver's POV Nang magkita kami ni Papa sa bathroom, medyo alangan siya sa amin at lagi naman kaming ganun. Matapos kong marinig ang pag-uusap nila ni Sayna kanina, hindi ko alam kung paano magre-react sa harap niya pero hindi ko na iyon masyadong inisip at umakto na lang ng maayos. Binanggit niya sa akin ang plano niyang ipasa sa akin ang kompanya pero wala siyang masyadong idenitalye pero gusto niya akong pumunta sa conference room pagkatapos ng meeting nila. Naliwanagan lang ako sa lahat ng plano niya nang magkaharap kaming tatlo. Wala naman akong reklamo dahil iyon ang plano. Nagunita ko tutol ako sa kasal na ito kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit nahihirapan akong isipin na matatapos na ang pagsasama namin ni Sayna. Ganun din ba siya? Pero ano ngayon kung pareho kami? May magbabago ba? Pero malabo ring mangyari iyon dahil alam kong mas priority niya ang kanyang ambisyon kaysa sa ibang bagay. Kaya nga niya nagawang isakripsyo ang kanyang kalayaan para lang mailigtas ako
Enver's POV (Part 2) “Bakit ka umiyak?” mabilis siyang umiling bilang pagtatanggi. Sinubukan kong ngumiti para pagaanin ang kanyang kalooban. Hinaplos ko ng pababa at angat ang kanyang gilid para maramdaman niya ang presensya. Pero pinigilan niya ang kamay ko at mahinang tumawa. “Nakakakiliti, Enver.” sinubukan ko ulit siya kilitiin pero pinigilan niya lang ulit ako. “Bakit ka nga umiyak?” umiwas siya ng tingin at pinilit kong iangat ang tingin niya sa akin. “Bigla lang akong nalungkot sa sinabi mo. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako kung anong meron tayong dalawa. Hindi maganda ang simula natin pero alam kong dapat na rin nating tapusin kung anong meron tayo kapag nasa Europe na ako.” “Hindi naman tayo kaagad maghihiwalay. Basta hangga’t walang annulment, mag-asawa pa rin tayo.” Natitilan si Sayna at mariing tumitig sa akin. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at mas lalo akong na-turn on. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang panga at bahagyang hinaplos ng ak
Sayna’s POV Kinakabahan ako sa kung anong namamagitan sa amin ni Enver. Hindi ko alam kung anong gagawin para pigilan ang isipan ko na alamin kung ano ba ang meron sa aming dalawa. Hindi ko gusto na pangunahan ang lahat nang dahil lang sa maayos kami at maganda na ang pakikitungo naman sa isa't isa. Paano kung nakikisama lang pala dahil pareho kaming may pangangailan sa aming katawan? Baka kapag tinanong ko siya tungkol doon muling kaming bumalik sa dati. It will become more awkward if I just ask him without strong evidence that he likes me or strong will to ask him. Pero kailangan ba ng matibay na ebidensya para doon? “Handa ka na ba?” Natauhan ako sa malalim kong pag-iisip at kaagad napatayo. Mabilis akong tumango at lumapit sa kanya. Nagtataka na tila gusto niyang magtanong ngunit hindi siya nagsalita. Lumakad na kami papunta sa sasakyan niya at naging tahimik kami hanggang sa makarating sa venue ng racing nila ngayong gabi. Abala pa ako sa mga Almarez pero wala pa naman akong
Sayna's POV (Part 2) Kumunot ang noo ko at hindi pa rin maintindihan kung bakit ganito ka-tense ang buong paligid. Lagi namang tensyonado ang lugar dahil iba't iba ang dahilan ng mga racer na nandito - maging tungkol man iyon sa kasiyahan o pero. Subalit may kakaiba akong kutob. Naiintindihan ko na iyon nga ang dahilan ni Enver. Ilang beses na niya itong nabanggit sa akin. Hindi na kailangan ng pera ng isang Enver Servencio. He's racing because it was fun. Pwede nga siyang sumali sa racing na legal pero mas pinili niya dito. Napansin marahil ni Leo na hindi nawala ang pagkalito ko kaya naman muli siyang nagsalita. "Feeling ko masamang balita itong bago na sumali," tinuro niya ang screen kaya muli akong napatingin doon. Nasa unahan pa rin si Enver pero hindi naman nalalayo ang ilan at sila lang din 'yong mga nakasali na nung nakaraan. Hindi ko alam kung sino ang bago ngunit bago ko pa ito matanong ay sinagot na ni Leo. "Iyong itim na Ferrari. He's kind of reckless and eager. Kung
Enver’s POV“Putcha!” malakas kong singhal at maiging kinokontrol ang aking paghinga. Kanina ako lang at ang kalsada pero ngayon nakadikit na sa akin ang isa sa bagong racer na sinabi ni Leo nung nakaraang araw. Talagang dumidikit siya para pabagalin ako.Dulot na rin marahil ng adrenaline sa aking katawan mas pinabilis ko pa ang sasakyan ko hanggang sa malampasan ko siya pero nakasunod din kaagad at walang balak na magpaiwan. He comes up next to mine at one of the curves. His engine roars. Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at gumawa ako ng delikadong galaw nang apakan ko ang brake ilang segundo bago ang recommended para sa curb bago ako gumawa ng isang paliko. Soft tires screeching against the asphalt. It was like a music to my ears. Naiwan ko sa aking likod ang baguhan na iyon - nakalimutan ko ang pangalan niya at mukhang kailangan kong alamin kung sino siya. Natawa ako sa ginawa ko pero desperado akong manalo dito. Gusto kong alamin kung anong gustong malaman ni Sayna sa akin
Enver's POV (Part 2) Hindi man lang ako nagulat o kaya mabilis na tinanggi ang alegasyon. Tila alam ko na ang tungkol sa nararamdaman ko at kailangan ko na lamang ng pagkumpirma. Sa tanang buhay ko mas natakot pa akong aminin ang tibok ng puso ko para kay Sayna. Sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa nararamdaman kong ito. Nagtatanong ang isip ko kung dapat ko bang balewalain dahil alam kong aalis siya at walang permanente sa aming dalawa. Dapat ko bang isipin na merong walang hanggan sa aming dalawa? “Good luck, bro. Pero subukan mo na umamin dahil baka parehas kayo ng nararamdaman.” iyong ang nais kong marinig ngayong araw at ang sign na hindi ko pa gustong harapin. “Hindi tayo sigurado,” mapait kong tinig habang nakatingin na kay Sayna at marahang hinaplos ang kanyang kamay gamit ang aking hintuturo. NAGPAALAM si Leo dahil aasikasuhin niya pa kung sino ang lalaking gumawa nito sa akin. Malakas ang loob ng lalaking iyon para hindi siya matakot na maaaring ma
Sayna’s POVMalinaw na sa aking ang sagot. Iyon ang huli kong sinabi sa kanya bago ako tuluyan na umalis sa kwarto niya at asikasuhin ang ibang bagay imbes na samahan siya bilang asawa ko at kahit gusto ko. Ngunit alam ko rin na kailangan na matigil kung anong meron kami. Mas mabuti kung lalayo muna ako para mapag-isip. Alam kong gusto niya ako. Kita ko sa kanyang mata na gusto niya ako at walang kahit anong salita ang makakatumbas kung gaano ako natatakot na baka pareho kami. Aalis ka, Sayna! At baka hindi na rin ako babalik pa dito para maging totoo ang paghihiwalay namin. Wala naman kaming malalim na pinagsamahan bukod sa pisikal na pagsasama. Subalit, kailangan ko pa itong paulit-ulit na ipaalala sa aking sarili para hindi ko makalimutan. “Mr. Clinton, I’m sorry to disappoint you. Gusto ko lang naman sanang makilala si Enver lalo pa’t nagkakasama kami lagi. Hindi naman ito makakaapekto sa trabaho ko. Pangako ‘yan,” magalang kong sabi. Kaagad akong pumunta dito sa kanyang baha