NANG magising ako hindi ko alam kung nasaan ako dahil sa ibang kwarto na ako nagising. Doon ko lang napansin na may dextrose pala sa aking kamay ngunit walang tao kundi ako lang. Pansin ko na naka-hospital gown na rin ako. Pero napansin ko rin ang handbag ni Sayna sa sofa kaya alam kong nandito siya. Kaya lang anong ginagawa ko dito? Wala akong maalala bukod sa biglang nandilim ang paningin ko kanina. Nahimatay ba ako? Wala na naman akong maramdaman na kahit ano. Marahil okay na ako? Mabilis na dumapo ang mata ko nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng aking kwarto. Hinintay ko kung sino ang papasok at kaagad na napangiti nang makita si Sayna. Minsan gusto kong batukan ang aking sarili sa pag ngiti kapag nakikita ko si Sayna. Para akong bata na hindi alam kung anong gagawin kapag wala siya at sobrang saya naman kapag alam kong malapit lang siya sa akin. I feel like a dog wagging his tail on his owner. “Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa ulo mo?” nag-aalala niyang tanon
Sayna’s POV I regretted it. Iyon ang sumagi sa isip ko kaya lang hindi ko ito maramdaman. Makailang beses akong napakurap ng aking mga mata bago napaatras. Walang mali sa paghalik ko sa kanyan pero mali ang lumabas sa aking bibig. Nakatulala lang ako kay Enver bago ako tuluyang umalis sa bathroom nang hindi lumilingon sa kanya. Hindi rin naman niya ako tinawag para patigilin sa pag-alis kaya nagtuloy-tuloy ako at makalabas na sa private room niya. Dere-deresto ang lakad ko hanggang sa makarating sa lobby. “Sayna.” Mabilis akong napalingon sa gilid ko at kumaway sa akin si Doc Mike, ang private doctor ni Enver. Lumapit siya sa akin. He’s wearing a blue scrub suit and there’s a stethoscope arounds his sharp shoulder and neck. He looks fine and clean. Matangkad din siya pero mas matanda sa amin ni Enver. Sa pagkakaalam ko kaedaran niya si Mr. Clinton. “Doc Mike,” bati ko at hindi ko alam kung anong idudugtong dahil okupado pa ang isip ko sa nangyari kanina. “May magandang balita ako
Sayna's POV (Part 2) "I just want to. No particular reason at all. Just one week extension is enough for me," sagot naman ni Enver. "Pero in exchange, gusto kong mangako ka sa akin na hindi ka na babalik sa illegal racing," aniya ni Mr. Clinton. "Kung sa tingin mo babalik ako na ganito ang kalagayan ko, malabong mangyari iyon. Pero mukhang hindi na." Bigla silang natahimik at kaagad naman akong lumapit sa sofa bago pa nila ako maabutan na palihim na nakikinig sa kanilang usapan. Kakahiga ko pa lang sa sofa nang biglang bumukas ang pintuan. Kaagad na nagsalubong ang tingin namin ni Enver. May dala siyang paper bag at mamahalin na kape na lagi kong iniinom sa kanyang kamay pero wala naman lumagpas ang tingin ko sa kanyang tingin ngunit wala namang sumunod na papasok pa. Nasaan na si Mr. Clinton? Umalis na ba rin? Binalik ko ang tingin ko kay Enver nang lumapit na siya sa akin. I examined him. He was wearing a maroon tight t-shirt that hugged his toned body and black sweatpants. Wala
Enver's POVNALILITO ako kung bakit hindi ako pinapansin ni Sayna simula pa kahapon nung umuwi ako. Gusto ko pa naman sanang gamitin ang oras na ito para makasama siya bago siya umalis. Inumaga na ako ng uwi dahil pagkatapos kong malaman ang tungkol kung sino ang may gawa ng pagbangga sa akin ay hindi ko alam na pupunta pala kami sa party ni Charred. Nagkaroon lang ng simpleng kasiyahan dahil birthday niya. Hindi ko sana gustong magtagal kaya lang nalaman ko na si Charred pala ang tumulong para makilala ko kung sino ang bumangga sa akin kaya hindi nanatili muna ako doon. Kailangan ko na lang itong makaharap pero hindi pa ngayon dahil nandito pa si Sayna. Gusto ko itong makausap kapag pumunta na siya sa Europe dahil ramdam kong magkakaroon ng problema. Hindi ako umuwi na amoy alak ako kaya nakitulog ako kila Leo. Sapat naman ang tulog ko kaya pumasok pa rin ako sa trabaho pero late na nga lang kaya hindi na ako nagbreak. Ginawa ko muna ang trabaho ko na kinagulat ko na biglang dumami
Enver's POV (Part 2) Huminga lang ako ng malalim na hininga. “Huwag muna nating pag-usapan ang tungkol sa kanya.” “Akala ko ba sasabihin mo sa akin kung anong tungkol sa inyong dalawa, sa buhay mo?” “Oo at pinakita ko sa ‘yo ang buhay ko tungkol sa sarili ko pero ang tungkol kay Papa,” umiling ako. “Hindi ko pa kaya sa ngayon.”Tumango siya at binasa ang kanyang labi. I got attracted. I lifted her chin again but now to get closer to me. Malapit ng maglapat ang mga labi namin nang bahagya niya akong itulak. Umiwas siya ng tingin. “Hindi ko kayang halikan ka sa ngayon. Naaalala ko ‘yong babae. Sorry.” Dali-dali siyang tumayo at iniwan ako sa sala. Hinawi ko ang aking buhok papunta sa likod kasabay ng aking paghinga. Kasalanan ko ‘to. Kung hindi na lang sana ako sumama pa kay Leo, sana hindi galit ngayon sa akin si Sayna. Bakit ko kasi hinayaan na halikan ako?! Binulong na ito sa akin ng babae pero akala ko tinanggap niya ang pagtanggi ko. Fvck it! Hindi ako pinansin ni Sayna. D
Sayna’s POVHABANG nag-aayos ng aking gamit ay nagunita ko ang mga sinabi sa akin ni Vince. Never kong naisip na makikita ko pa ang maganda niyang ngiti dahil palagi siyang galit sa akin dahil nga sa pagpayag ko na magpakasal kay Enver. Kahit na sinabi niyang susuportahan niya ako ay alam kong mabigat ang kanyang loob kaya naman nakakatuwa na nakakagulat na makita muli ang kanyang ngiti. Subalit kaakibat pala nito ang isang mabigat na balita. Hindi ko alam kung tama ba ang salitang iyon para tapatan ang nararamdaman ko pero masaya ako para sa kanya. He really deserves all the best in this world. Sinabi niya sa akin na sa Almarez na siya nagtatrabaho bilang corporate lawyer. Alam kong sinubukan niya dati dito sa Servencio pero hindi siya natanggap at sobrang nasaktan talaga siya. Kaya naman ngayong nahanap niya ang para sa kanya ay sobrang saya ko kahit na may inaalam ako sa Almarez. Wala namang masyadong alam doon si Vince pero mas lalong hindi ko na siya pwedeng pagkatiwalaan tungk
Sayna's POV (Part 2)Wala ako sa aking sarili na napangiti. “Sana hinintay mo na lang ako sa condo. Pauwi na rin naman ako.” Ngunit hindi ko iyon naisip maliban ngayong nakita ko siya. Tila wala akong lakas na bumalik dahil alam kong hindi na naman kami magpapansinan at bigo naman ako na pigilan kung anong nararamdaman ko para sa kanya. Mas lalo akong kumapit ng yakap kay Enver. Binaon ko ang dibdib ko at hinayaan ang aking sarili na umiyak tutal hindi naman siguro mahahalata dahil umuulan. “Please don’t cry.”Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at inangat ito para magtama ang paningin naming dalawa. Pinunasan niya ang luha ko na humalo na sa ulan. “Let’s try.”Napakunot-noo ako. “Anong ibig mong sabihin?” “I’ve changed and I want us together.”“Ilang araw lang naman tayong hindi nagpasinan. Paano mo nasabing-”“I want to try, Sayna. I want this to be real. I wanted what we have to make it real.”Hinanap ko sa mata niya kung totoo ba ang naririnig ko. Nagsasabi man siya ng t
Sayna’s POVHINATID ako ni Enver sa airport at hindi ko akalain na labis akong magiging emosyon. Parang gusto ko na lang tuloy umatras at sabihin kay Mr. Clinton na ibalik na lang ako sa dati kong puwesto sa kompanya habang tinuturuan ko si Enver na maging Chairman ng Servencio Group pero hindi ko ginawa. Inisip ko na mawawala lang ang sakripisyo naming dalawa kung hindi namin susubukan ang ganitong relasyon. Pareho man kaming bago ang ganitong set up pero kapag nakayanan namin, alam kong malalagpasan pa namin ang iba pang problema. Pumunta kaagad ako sa suite ko. Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto at nakaramdam ako ng kalungkutan na hindi ko inaasahan. Para sa akin masyadong malaki ang suite na ito para sa isang tao at hindi ko na maalala kung kailan ba ako naging mag-isa sa isang kwarto. Inayos ko na rin ang mga gamit ko habang nagmumuni-muni sa bago kong magiging tahanan sa loob ng hindi ko pa alam na panahon. Binagsak ko ang katawan ko sa kama nang matapos ako sa lahat n