Share

Chapter 13

13

"Erin, bilisan mo. Kailangan na nating makaalis agad. Hindi tayo pwedeng abutin ng tatay Iryong mo."

Tumatakbo ang dalawang babae sa gilid ng kalsada. Ramdam na rin ni Erin ang pagkapagod dahil sa kanilang pagtakbo.

"Inay, sandali lamang. Nagdurugo pa rin ang sugat mo." Nag aalang sabi ni Erin sa ina.

"Huwag mong intindihin 'yan, ang mahalaga ay makaalis tayo rito. Bakit ba kasi walang dumadaang sasakyan rito? " Natatarantang sabi ng ina ni Erin.

"Inay..." Umiiyak na sabi ni Erin.

"Hindi ito ang panahon para umiyak ka. Bilisan mo."

Patuloy na binagtas ng mag ina ang madilim na kalsada. Kahit na parehong nakayapak ay walang pakialam ang kanyang ina.

Habang naglalakad ay may narinig silang ugong ng mga sasakyan.

"Bilisan mo Erin, baka iyan ang tatay Iryong mo. Tumakbo kana. Bilisan mo! "

"Hindi kita iiwan 'nay. "

"Umalis kana! Magtago ka! Kapag iyan ang tatay Iryong mo ay hindi na tayo makakawala. Ibinenta ka niya sa kaibigan niya. Bilisan mo! Parang awa mo na anak." Umiiyak na sab
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status