Share

Chapter 6

6

Lumipas ang isang buwan, tangging si Manang Lucing at Dr. Rowan ang dumadalaw sa akin sa kwarto. Simula ng insidente sa pool ay pinagbawalan ulit ako ni Xavien lumabas sa aking silid. Tanging ang pagbabasa ng mga libro ang kinagiliwan ko sa nagdaang isang buwan.

Ni anino ni Xavien ay hindi ko nakikita sa silid na ito. Si Pixie ay ayaw rin akong makita ayon kay Manang Lucing.

"Oh señora, ito na ang pagkain mo. Wala si Manang Lucing dahil nagkaproblema sa bahay nila." Hindi na ako nagulat sa pakikitungo sa akin ni Shiela.

"Ah, salamat."

Padaskol niyang nilapag ang pagkain ko sa mesang nasa silid. Halos natapon na ang lahat dala niya sa tray.

"Ewan ko ba kung bakit nandito ka pa, nakakabwisit. " Irap nito sa akin bago lumabas.

Napatingin ako sa pagkaing dinala niya. Kung siya ang magdadala sa akin ng mga pagkain ay baka ganito lagi ang mangyari. Tiningnan ko ang pagkaing dala niya. Mayroon iyong nilagang baboy kanin at halos mabulok na mangga.

Sinubukan ko pa ring kainin ang dala niya, nang malasahan iyon ay halos maduwal ako dahil panis na iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinayaan ang dala niya doon. Mabuti na lamang at mayroon akong sariling tubig sa aking silid.

Naupo na lamang ako sa may tabi ng bintana at ipinagpatuloy ang pagbabasa.

Lumipas ang kalahating oras ay bumalik na si Shiela.

"Ang kapal naman ng mukha mong magsayang ng pagkain, palamon ka nga lamang sa bahay na ito! "Galit na lumapit si Shiela sa akin.

"Panis ang pagkain ibinigay mo sa akin."

"Panis? Ano naman? Mabuti nga at binibigyan ka ng pagkain rito. Kainin mo ito. "Kinuha niya ang mangga at pilit na ipinakain sa akin.

"Nasasaktan ako..." Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Wala akong pakialam! Bakit kasi bumalik ka pa sa bahay na ito! " Galit niyang hinila ang buhok ko.

"Aray... Ano ba? " Mangiyak ngiyak na sabi ko.

" Masasaktan ka talaga! Lumaban ka! Bwisit ka! Ang tagal tagal kong nagtiis sa pagiging matapobre mo sa bahay na ito! Wala ka ng kawala ngayon! Hinding hindi na maniniwala sa iyo si Sir Xavien! " Patuloy siya sa pagsabunot sa buhok ko. May mga parte pa siya sa katawan ko na nakalmot na.

"Tama na... Parang awa mo na..." Umiiyak na sabi ko.

"Shiela! Gaga ka, tigilan mo si Ma'am Andrina." Awat ni Sabel sa kanya pagkapasok sa kwarto.

"Umalis ka diyan Sabel. Bwisit ang babaeng ito." Patuloy pa rin siya sa pananakit sa akin.

"ANONG NANGYAYARI DITO? " Galit na sigaw ni Xavien.

"S...ir." Namumutlang binitiwan ni Shiela ang buhok ko.

"Sir." Nagyukong sabi ni Sabel.

"Ang sabi ko! ANONG NANGYAYARI DITO? " Lumapit siya sa akin.

"Huwag... Huwag mo akong lalapitan.." takot na lumayo rin ako kay Xavien.

"Sir, si Ma'am Andrina po kasi... Siya po ang nauna, dinalhan ko po siya ng pagkain. Tapos inaway pa po niya ako. Sinabi ko lang din po sa kanya na umalis si Manang Lucing, inaway na po niya ako. Nagalit po siya at itinapon ang pagkain na dinala ko. Lumaban lang po ako ng saktan niya ako Sir..." Bigla itong umiyak at nagpapaawang lumapit kay Xavien.

"Hindi... Hindi totoo yan..." Umiiling na sabi ko.

"YUN ANG TOTOO! " Sinigawan niya ako at kumapit sa braso ni Xavien.

"Sir, please po... Nagsasabi po ako ng totoo..."

Kita ko ang madilim na reaksiyon ni Xavien. Alam ko na ang kasunod nito... Sasaktan niya ako... Dahil sa takot ay niyapos ko na lamang ang sarili at halos isiksik ang sarili sa ilalim ng lamesa.

"LUMABAS NA KAYO! " Galit at mabagsik na sigaw nito sa dalawa.

"Opo sir." Agad na sagot ni Sabel.

"Pero sir..." Kahit natatakot ay ayaw bumitaw ni Shiela Kay Xavien.

"Hindi mo ba naiintindihan ang sinasabi ko Shiela? " Malamig niyang tiningnan ang babae. Nanginginig namang bumitaw si Shiela kay Xavien at masama akong tiningnan bago lumabas ng silid.

Nang makaalis ang dalawa ay saka lamang kumilos si Xavien sa kanyang pagkakatayo. Mas lumapit pa ito sa akin.

"Huwag mo akong sasaktan... Wala akong ginawa sa kanya. Please, maniwala ka..." Umiiyak na sabi ko.

"Totoong panis ang ibinigay niya sa akin..." Umiiyak pa rin na sabi ko.

"Tumayo ka riyan. Linisin mo ang sarili mo at papadalhan kita ng bagong pagkain. Wala si Manang Lucing." Malamig na sabi niya. Nagulat naman ako doon, hindi niya ako sinaktan.

Dahil sa takot ay dali dali akong sumunod. Pumasok agad ako sa banyo at nilinisan ang sarili. Pagkatapos ay lumabas na rin ako agad. Nagulat pa ako ng makita kong nakaupo siya sa kama at wari'y iniintay ako. Ang nakakalat na pagkain ay nanatili ring nandoon. Dahil sa takot ay sinimulan kong linisin ang nakakalat doon.

"Sinabi ko bang pakielaman mo iyan? " Napapitlag ako dahil sa sinabi niya.

"Pa...pasensiya na..." Yun lamang ang sinabi ko at tumayo.

"Nilinis mo ba ang mga sugat mo? "

Napatingin ako sa aking braso bago umiling.

"Kuhanin mo ang first aid kit mo sa CR at linisin mo yan." Malamig na utos niya. Agad naman akong tumalima at kinuha ang first aid kit. Sinimulan kong linisin ang aking braso.

"Ganyan ka ba magtanga tangahan? Hindi ganyan ang paglilinis! " Bulyaw niya sa akin.

Nanginginig ko naman inulit ang ginagawa.

"Akin na yan! Talagang ipagpapatuloy mo iyang kalokohan mo." Galit siyang lumapit sa akin. Hindi ko magawang umimik at patuloy na nanginig dahil sa takot sa kanya.

"Calm down, I won't hurt you. " Malamig na sabi niya. Mas lalo naman akong napapitlag nang dumampi ang gamit niyang bulak sa aking braso.

"Tsk, masakit ba? "

Umiling lamang ako.

"Pipi ka ba? "

"Hi..hi... Hindi."

"Good. Kailangan mo yang boses mo kapag nasa korte na tayo." Ngisi niya sa akin.

"Ko..korte? Ipapakulong mo ako? " Mas lalo lamang akong natakot sa kanya.

"Malamang, kulang pa ang pagkulong ko sa ito dito sa bahay. Pagdudusahin muna kita rito bago kita ipakulong. Ipinapahanap ko na rin ang punyetang kabit mo Andrina. Kaya magpalakas ka, para kapag nagkita kayo sa kulungan ay marami kang enerhiya." Malamig na sabi niya. Napaiyak na lamang ako dahil doon, wala naman akong ibang magagawa. Ni pagtakas ay hindi ko magagawa...

"Huwag kang umiyak, hindi ba't iyan ang gusto mong gawin? Ang makasama ang lalaking iyon? " Diniinan niya ang bulak sa aking balat. Masakit... Ngunit wala naman akong magagawa. Kahit pa takot ay sinalubong ko ang kanyang tingin, susubukan kong magmakaawa ulit. Para siyang mabangis na hayop na nakatingin sa akin.

"Huwag... Parang awa mo na... Hindi ako ang asawa mo... " Umiiyak na sabi ko sa kanya.

Pagak siyang tumawa.

"Hindi na ako magpapadala sa panloloko mo Andrina." Walang emosyong sabi niya sa akin.

Patuloy lamang ang pagtitig niya sa akin habang umiiyak lamang ako.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Marahas niya akong hinalikan. Pilit akong nagpumiglas sa kanyang pagkakahawak sa akin ngunit hindi ako makawala. Mapagparusa ang bawat halik na iginawad niya sa akin.

"Kiss me back Andrina, damn it." Gigil na gigil na sabi niya sa akin.

"Hmm..hmmmp.. hu...wag..." Nahihirapan kong sabi sa kanya. Pinisil niya ang braso kong may sugat kung kaya naman ay bumukas ang aking bibig. Kinuha niya ang pagkakataon at ipinasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Ginalugad ang bawat sulok niyon.

Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ko magawang makatakas sa pagkakahawak niya sa akin. Marahas niyang sinira ang suot kong damit habang patuloy akong hinahalikan.

"Ito ang gusto mo, hindi ba? " Galit na sabi niya habang puno ng gigil na pinisil ang aking dibdib.

"Na..nasasaktan ako. Parang awa mo na, huwag mong gawin ito." Umiiyak na pakiusap ko sa kanya.

Madiin pa rin niyang hinawakan ang dibdib ko, kahit pa may bra iyon ay ramdam ko ang init ng kanyang palad na humahawak doon.

"Ganito ang gusto mo di' ba? Bakit umiiyak ka ngayon. " Patuloy ako sa pagpupumiglas. Marahas niya akong inihiga sa kama at doon ipinagpatuloy ang paghalik sa akin. Bumaba ang kanyang labi sa aking leeg, madiing halik ang iniwan niya doon. Siguradong mag iiwan iyon ng mga marka doon.

"Putangina, kaya gustong gusto ka ng mga lalaki dahil diyan sa katawan mo. " Malamig na sabi niya.

"Huwag, tama na! Tama na! " Ngunit parang baliw na walang naririnig si Xavien. Walang pag iingat niya akong hinahawakan.

"Huwag mo akong artehan Andrina! Hindi na ako maniniwala sa kaartehan mo." Galit niya akong sinampal.

Hinubad niya ang suot na polo at itinapon sa kung saan. Sinira niyang muli ang suot kong bra at sinibasid ng halik ang tinatakpan noon.

"Ako naman ang bumibili ng mga damit mo kaya may karapatan akong sirain iyon." Parang baliw na sabi niya sa akin.

Sumisigaw at nanlalaban pa rin ako sa kanya.

"Walang makakarinig sa iyo Andrina. Isinama mo ba sa pagkalimot mong soundproof ang kwartong ito." Ngisi niya sa akin.

Masakit ang iginagawad niyang pisil sa aking dibdib. Pinaglaruan at kinagat niya ang dalawa kong dunggot doon.

"HUWAG! TAMA NA! HINDI AKO SI ANDRINA! PARANG AWA MO NA! TULONG ! TULUNGAN NIYO AKO! TULONG! PLEASE! " Huling sigaw ko, nananalangin na may makarinig sa akin.

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Xavien sa huling sigaw ko. Napatitig siya sa akin at saka nagmamadaling umalis sa ibabaw ko.

"Putang ina." Hinanap niya ang hinubad niyang polo kanina at saka nagbihis. Nanatili ako sa kama at doon patuloy na umiyak. Sobrang sakit ng katawan ko dahil sa pagiging marahas niya.

Walang lingon siyang lumabas sa aking silid.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status