"Wala akong dapat i-explain sa 'yo, Massimo. Bakit ba sulpot ka nang sulpot kung saan saan?" Inis kong asik sa kaniya habang naglalakad para hanapin ang sasakyan ni Isabella.Kasalukuyan akong nagtitipa sa phone ko at tinatadtad ng text si Isabella para mabilis kaming magkita at para na rin makalayo sa makulit na taong ito, ngunit masyadong mapaglaro ang tadhana. Kakabasa ko pa lang sa text ni Isabella at sinabing pababa pa lang daw siya dahil may inayos pa siya na importanteng papeles sa may printer."Upo ka po muna, Ms. Fayra." Aniya ng guard na ini-alok pa ang upuan niya sa akin. Magalang akong umiling at nagpatuloy na lang sa kung saan man ako mapunta. Buti na lang talaga at hindi masyadong mainit dito sa may parking dahil widely open ang paligid, hindi katulad ng ibang parking na kulob masyado."Fayra, nagtatanong lang naman ako. I mean, parang nitong nakaraang buwan lang tayo nagkita at hindi ganiyan kalaki ang tiyan mo. Nakakapagtaka—""Ano namang nakakapagtaka dito, Massimo? N
Nakataas ang kilay at punong puno nang pagtataka ang mababakasan sa ekspresyon na lumulukob sa akin ngayon. Halos hindi ko mai-pasok sa utak ko kung ano ba talagang nangyayari. Ang alam ko lang at malinaw sa akin ay ang gusto nang mapirmahan ni Mateo ang proposal ng kompanya ni Sir. Gio.Dumako ang paningin ko kay Sébastien na panay ang pag-ikot ng ballpen sa pagitan ng kaniyang mga daliri. Seryoso ang mukha nitong nakatingin kay Mateo na nakatingin naman sa mga papel na sunod sunod na ibinibigay ni Sir, Gio sa kaniya."Napano 'yan?" Kalabit ni Morgan na tumayo pa mula sa tabi ni Sébastien para lang dumako sa akin at bumulong.Marahan ko siyang siniko na ikina-irap niya naman. Pinanood ko pa siyang pumunta naman kay Isabella, ngumuso ito sa kaniya at marahan siyang itinulak. Para namang bata na nginusuan ni Morgan si Isabella na para bang nalugi.Napano 'yan? Hindi ko alam. Ako pa talaga ang tinanong gayong kapatid niya naman 'yang gustong pumunta dito at mismong nag-alok sa sarili ni
"Walang makakapigil kay Gio when it comes to his company, Lyden. He's willing to do anything and everything for the better benefits he can get from it. Do you understand that?""You are friends, Morgan. Can't you use that to protect Fayra away from your brother?""I wish I could use that, Lyden. If ever I could, sana ginawa ko na bago mo pa sinabi 'yan."Hindi maalis ang paningin ko sa dalawa habang panay naman ang pagngata ko sa manggang ibinibigay ni Sébastien sa akin. Panay ang pagbabalat niya no'n habang ang mata rin ay nasa kanila Morgan at Lyden na nag-aaway kanina pa.Mabilis na dumating kay Lyden ang balita. Siguro nasabi na agad sa kaniya ni Morgan at gano'n na lang ang reaksyon niya at napasugod pa sa bahay."Ang sabihin mo, napatawad mo na 'yang kapatid mo kaya wala ka nang pakialam pa kay Fayra." Mahinang litanya ni Lyden at dumako ang tingin sa akin."Saan naman nanggagaling 'yan, Lyden? You're always making that conclusion na lagi na lang mali." Halata ang pagkainis sa b
"I don't like that name. Masyadong gamit na." Napanguso ako habang isa isang ini-scroll ang mga pangalan na pinagawa ko kay Sébastien para sa magiging baby ko. Umaasa akong may mga matinong pangalan siyang maipapakita sa akin pero dismayadong dismayado ako sa mga pangalan na nababasa ko ngayon. Wala na sa kasalukuyang panahon 'yong mga pangalan. "Arthur." "Dante." "Frederick," kasabay ng huling sambit ko sa pangalan na nailista niya ay ang mahaba kong pagkakabuntong hininga. "Wala na bang isasagad 'tong mga nailista mo, Seb? Bawat banggit ko pa lang sa mga pangalan na 'to, alam ko na agad na hindi bagay sa baby ko!" Asik ko. "Eh, anong gagawin ko? Ayan 'yong lumabas sa g****e." Kamot ulo niyang saad at kinuha ang phone sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin. "Nag-search ka pa kung ganyang pangalan lang din ang ibibigay mo sa akin." Sarkastikong sambit ko. "Ano ba kasing pangalan ang gusto mo, Fayra? Ang hirap mo namang papiliin. Gusto mo ba ng Italian name? Galing sa Greek?" Prob
"We don't need to bring that much things, Sébastien. At ikaw naman, Morgan, bakit salpak ka nang salpak sa bag? Pati damit niyong dalawa nanjan!" Inis kong sigaw nang bulatlatin ko ang laman no'ng isang bag na hawak hawak niya.Ang mga lalaking 'to, mas maraming damit na naipasok kaysa sa anak ko. Sabi na nga ba't hindi talaga magiging matiwasay kung sila ang katulong ko sa gawain 'to. Dapat talaga ay nakinig na lamang ako kay Lyden na hintayin sila mamaya para sila na lang ang tumulong sa akin.Kanina pa nasakit ang mata ko dahil sa mga pinaggagagawa nila. Kung hindi damit nila ang ilalagay ay mga supot naman ng mga candy na hindi ko alam kung para saan ba 'yon!Manganganak ako. Hindi magtre-treat or trick! Jusko, kung hindi ko siguro kontrolado ang sarili ko baka napa-aga na ang panganganak ko dahil sa kanilang dalawa.Napahilot ako sa sintido ko at tumalikod muna para makahinga ako sa mga pinaggagawa nila."Alisin niyo lahat ng mga naipasok niyo jan ngayon mismo, dali." Mahinahong u
How will things be when I finally give birth to my child one of these months? Will I make a better mother? Since yesterday, the question has been on my thoughts constantly. I'm not sure how I feel anymore. In essence, I'm beaming hesitant because my mind is constantly pondering what-if scenarios.Sa lahat ng mga pangyayaring dumating sa buhay ko. Ito na ata ang pinakanakakakabang karanasan. Kung nitong nagdaang mga buwan ay para bang nasasalamin ko na ang buhay naming mag-ina... ngayon naman ay para bang bumabalik ako sa simula. Sa simula na para bang nakalimutan ko na ang mga bilin nila mommy sa akin at ang mga lesson na in-applyan ko para naman hindi ako mahirapan sa pagbabagong lulukob sa akin ng habang buhay.Puno na ang ako ng kaba.I let a deep breath and caress my big tummy.Sana lang ay maging mabuti akong ina. Sana hindi ko siya ma-dissapoint. Lalo na sa unang pagkakataon pa man din ay wala na akong balak na ipakilala pa siya kay Mateo. Doon pa lang ay palpak na ako... pero i
Lyden's POV: Halos hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung papaano ko ipapaliwanag kay Morgan ang buong nangyari kanina. Ni hindi ko na nga maproseso sa utak ko ang sunod sunod niyang mga tanong. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang kaibigan ko. Ang kaibigan kong daladala ang anak niya na malapit na niyang mailabas. Sukdulan ang sama ng loob na nararamdaman ko ngayon. Kung sino man ang nasa loob ng sasakyang 'yon ay sana makarma siya nang masahol. "T-Tell me, Lyden. B-Bakit ba ayaw mong mag-kwento!" Asik ni Morgan na niyugyog pa ako nang ilang beses. Pinakatitigan ko siya. Mugto ang kaniyang mga mata habang nakatutok ang paningin sa akin. Punong puno nang tanong ang kaniyang mga mata. Punong puno rin nang samo't saring emosyon na hindi ko na nga mahulaan. "H-Hindi ko alam, M-Morgan. Hindi ko alam kung papaano ko ipapaliwanag sa 'yo." Aniya ko na pilit ipinapaintindi sa kaniya. "Paanong hindi mo alam? Nandoon ka! Nandoon ka!" Asik nitong muli at nagyuko at impit na naglabas ng sama ng
Mateo's POV:"May your conscience make your soul at peace after your son leaves his mother's womb... dead."I closed my eyes as I remembered again those words of my grandfather three years ago before he stormed out fuming mad at me. Halos araw araw ko na lang naalala ang mga salitang iyon na magpahanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin malaman kung ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod no'n. Hindi ka-agad ako nakapag-react dahil sa pagkabigla ko buhat nang sabihin iyon ni Lolo. Imposibleng nagbibiro lang siya sa akin. Aaminin ko. Gusto ko siyang sagutin pa-tungkol sa mga salitang hindi ko maintindihan... but i was too stunned to speak up."Nakakailang bote ka na, Mateo. Baka nakakalimutan mong may anak ka pang uuwian."Nilingon ko si Gio na naglapag ng sandamakmak na papeles sa lamesa ko. Pinakatitigan ko ang magkikita iyon at inilapag sa tabi ang baso ko na naglalaman ng alak. "I'm not coming home---" "You should, Mateo." Duro nito sa akin. Napasandal ako sa kinauupuan ko at