One Night with the Boss - Chapter 10
MASAMA pa rin ang sumpong ni Liam hanggang sa makarating sa malapad na bungalow-style one-storey house na nakatayo sa isang malawak na lote.
Ang lokasyon ay luma pero kilalang subdibisyon sa Manila.
Nanatili namang walang imik si Abigail habang nasa biyahe. Pumikit siya para maipahinga ang mga matang nanghahapdi.
Pero nakatulog siya nang tuluyan.
“Miss Santos, gumising ka na.”
Tila nagka-phobia na ang katawan ni Abigail kay Liam. Napapitlag siya nang hawakan ang isang balikat niya para alugin.
Awtomatikong isiniksik ang sarili sa sulok na para bang isang maliit na hayop na natakot.
“Nandito na tayo sa bahay.” Malamig ang ekspresyon ng lalaki kaya dali-daling bumawi ng tingin ang dalaga.
Lumapit sa nakaparadang kotse ang babaeng katulong na nagbukas at nagsarado ng gate.
“Magandang umaga, Sir Liam, er, ma’am…”
One Night with the Boss - Chapter11KUNDI siguro napakabigat ng tensiyon na dinadala niya dahil sa kuwintas, baka napatawa pa si Abigail. May karapatan ba siyang magmaktol?Atsaka, hindi pa niya naranasang magmaktol dahil wala namang makakapansin sa kanyang pamilya.Umiling nang marahan ang dalaga. Pinilit niyang lunukin ang isinubong kanin bago tinangkang magsalita.“H-hindi po.” Saglit lang siyang sumulyap sa lalaki. Ibinaling uli ang paningin sa sariling pinggan.“Talaga bang ganyan ka?”Humugot ng malalim na buntonghininga si Abigail para manatiling bukas ang lalamunan.“H-hindi kita maintindihan, sir…”“Hindi rin kita maintindihan,” salo ni Liam. “I mean, alam kong natural na tahimik ka. Pero…”Napilitang tumingin nang tuwid si Abigail sa lalaki. “Pero ano po, sir?”Bahagyang
One Night with the Boss - Chapter12 PARANG ibinabad sa suka si Winnie Sena dahil sa sobrang pamumutla. Hindi magkandatuto sa pagpupumilit na ngumiti at magpatay-malisya. Huling-huli na kasi sa akto. “G-g-good morning, Sir Liam. N-nandiyan na pala kayo…” Hiyang-hiya at walang kumpiyansa ang tono ng matapobreng babae. May ibang pintuan ang pribadong silid ng company president kaya marahil nakapasok si Liam nang hindi namalayan ni Abigail. “Say your apologies to Miss Santos—then get out!” Paasik ang utos ng big boss. Awang-awa naman si Abigail dahil parang mahihirinan si Winnie. Sa sobrang dami ng mga insulto at panlalait ng ka-opisina sa kanya sa loob ng nagdaang tatlong taon, siguradong magkaka-indigestion ang pobre. “I-I-I’m s-sorry, Miss Santos…” Halos hindi marinig ang pabulong na apology. “I can’t hear you. Repeat it, dammit!” Sabay uling napaigtad sina Abigail
One Night with the Boss - Chapter13 ‘DAPAT ba siyang matuwa?’ tanong ni Abigail sa sarili. Para sa isang lihim na umiibig na katulad niya, ang dapat na maging reaksiyon ay katuwaan lang dahil may pagtingin na din pala sa kanya ang lalaking sikretong minamahal. Ngunit bakit parang mas gusto niyang magalit? Dahil hindi siya naniniwala. Paano magkakagusto sa kanya ang isang lalaking labis na umiibig sa isang babaeng nagngangalang Mia? Hinding-hindi na siguro niya makakalimutan ang mga sinabi ni Liam kahapon. ‘Kami ni Mia ay wala pang isang taon engaged… pero tatanggapin ko pa rin siya kapag bumalik sa akin.’ Pinili ni Abigail ang huwag magalit dahil taliwas sa natural na ugali niyang mapagpasensiya. Pero hindi naman niya kayang bawalan ang sarili na masaktan at maghinanakit. Laruan lang ba ang tingin ni Liam Ramsey sa kanya?
One Night with the Boss - Chapter14 “LET’S freshen up before dinner.” Inihatid ni Liam si Abigail hanggang sa tapat ng pinto ng guest room. “Fifteen minutes?” “Opo, sir.” Tumango ang dalaga. “Good. See you later.” Tumalikod ang lalaki at maliksing lumakad patungo sa kabilang direksiyon. Nandoon marahil ang master’s bedroom. Ipinilig ni Abigail ang ulo para mawala ang pagkalito. Hindi niya dapat inuubos ang taning na kinse minutos sa pag-iisip ng kung anu-ano. Maliksing nag-shower ang dalaga. Mas mabilis siya ngayon dahil maligamgam ang tubig. Ang isinuot naman niya ngayon ay lumang slacks na itim at sweatshirt na kulay abo. Itinali niya ang scarf na ipinahiram ni Liam sa kanyang leeg dahil medyo mababa ang kuwelyo. Ang mahabang buhok na ibinalot ng tuwalya kaya hindi nabasa ay muling ipinusod nang maluwang. Sa kusina siya nagpunta, sa halip na sa kumedor. Mainit ang pagsalu
One Night with the Boss - Chapter15 NANG makarating sa opisina, agad na inasikaso ni Abigail ang pagpi-print sa file na ni-rush niyang i-type kaninang umaga. Nang matapos, inilagay niya sa bagong folder ang mga papeles at ipinasok sa private office ng boss. “Kailan mo ginawa ito?” Nagulat si Liam. “Kaninang umaga po, pagkagising ko.” “Hindi ka na sana nagpakapagod. Nandito pa sa hardisk ang file.” “Oo nga pala.” Natigilan rin si Abigail. Bakit ba niya nakalimutang gumagawa nga pala siya ng back-up file sa bawat project information na ipinata-type sa kanya? “Anyway, thank you at hindi mo nakalimutan ang tungkol dito.” Parang namalikmata si Abigail. Mainit ba ang ngiti ni Sir Liam sa kanya? “W-welcome po, sir. Lalabas na po ako.” Gustong mataranta ng dalaga na hindi niya mawari. Para kasing may kapangyarihan ang mga kislap na nasa mga mata ng lalaki
One Night with the Boss - Chapter16TUMUPAD naman sa pangako si Liam. Naging maginoo na ang pakikitungo kay Abigail sa halos lahat ng oras na magkasama sila.Kung pababayaan siguro niya ang sarili na mangarap nang gising at maniwala sa mga panaginip na nagkakatutoo, baka isipin na niyang nanliligaw ang lalaki sa kanya.Pero ang iba ang babaeng minamahal ni Liam…Bumuntonghininga si Abigail habang kinakapa ang kuwintas sa leeg. Nitong mga huling araw, ginawa na niyang ‘tagagising’ ang kuwintas ni Mia para hindi siya matuluyang mahibang.Ang utak na lang kasi ang narerendahan ng tamang katwiran, hindi ang kanyang puso.“Hello, Miss Dreamer.” Kumaway pa ang nakangiting si Winnie bago ipinakita ang dalang folder.“H-ha? Ikaw pala, Winnie. Pasensiya na. Hindi kita agad napansin.”“Narito na ang mga pay checks natin. Nandiyan ba
One Night with the Boss - Chapter17 “S-SIR!” Napasinghap siya nang magdikit ang kanilang mga katawan. Para kasing binalot ng apoy ang kabuuan niya. “Gago ka, a?” Awtomatikong umiral ang pagkabarumbado ni Kuya Lori. Nakabangon agad at dinaluhong ng malakas na suntok si Liam. “Ay! Tama na!” Iniharang ni Abigail ang sarili nang akmang susugod na naman ang kapatid. “Nakupo! Huwag na kayong mag-away, plis!” Nakiawat din si Pepang. Nangunyapit ang dalawang kamay sa isang braso ni Lori. “Sino ba’ng gago ‘yan, Abigail?” “Siya ang boss ko!” “Ako ang bagong nobyo ni Abigail!” Sabay na nagsalita sina Liam at Abigail. Napatigagal ang dalaga. Si Pepang naman ay napanganga. “Ano ba talaga?” Pakunwari na lang ang pag-angil ni Lori. May nakabahid nang pagtataka sa mabagsik na ekspresyon. “S-siya si S-sir Liam.” Ipinilig muna ni Abigail ang ulo bago sumagot nang pautal. “Ang boss namin ni Pepang.” “
Blackmailed by the Boss Synopsis: Alejandra had a very dark secret in her past that she’d managed to hide now that she was a successful career woman. Until the son of the company’s owner became the boss… Dante hated her at first sight. And he was determined to destroy her... Nagsipag at nagsikap nang husto si Alejandra para maiwan sa nakaraan ang pangit na sikreto ng kanyang pagkatao. At dahil natatakot siyang mabunyag ang pinagkakatagu-tagong lihim, napilitang maging sunud-sunuran ang dalaga sa kaaway. Ngunit tila naitakda na ang muli niyang pagkasira dahil ang kanyang puso ay napaibig pa kay Dante… * * * Blackmailed by the Boss - Chapter1 Biyernes. Araw ng suweldo. Hatinggabi. Isang raid ang isinagawa ng mga pulis sa isang tagong sulok ng Libertad. Kungsaan nagaganap ang mga lewd shows gabi-gabi. &nb