One Night with the Boss
SYNOPSIS
Naranasan mo na bang umibig nang hindi mo nalalaman? Iyon bang pagmamahal na nakatago sa puso…
Kung mayroon kang inililihim na pag-ibig, huwag mong isiping hindi mabubunyag iyan. Ang pag-ibig daw ay katulad ng isang halaman. At ang iniiibig naman ay ang araw, tubig, at hangin. Sa tuwing nasisilayan mo ang iyong minamahal, ang halaman ay yumayabong nang yumayabong…
Si Abigail ay isang tahimik at masipag na sekretaryang tapat na naglilingkod sa isang simpatikong boss na si Liam. Pareho silang may minamahal at nagbabalak nang magpakasal. Ngunit nang magbiro ang tadhana, pinagsabay sila. Kapwa nagtaksil ang kanilang mga kasintahan.
Ang kalungkutan ay nagmistulang tanikalang gumapos sa mga pusong nalulumbay. Inalo nila ang isa’t isa…
Natuklasan ni Abigail ang tunay na damdamin para kay Liam, ngunit hinding-hindi maaaring ilantad… Tama na sa kanya ang isang gabing pagkahibang.
*  
One Night with the Boss - Chapter2 ABALA na sa pagta-type sa computer keyboard si Abigail nang tumunog ang buzzer ng intercom. Sanay na siya sa matinis na ingay kaya hindi na nagugulat kahit katabi lamang ang mekanismo. "Sir?" Maliksing sinagot ni Abigail ang tawag ng boss mula sa private office. "Black coffee lang, Miss Santos," wika ng malalim at medyo paos na boses-lalaki. Mabilis na tumalima ang dalaga sa maikling utos. Nagsalin siya ng umuusok na brewed coffee sa isang porcelain cup na may katernong platito. Inilagay iyon sa isang maliit at kuwadradong aluminum tray. Huminto siya sandali sa tabi ng office desk upang damputin ang steno pad at isang kahon ng mga bagong tasang lapis na palaging nakahanda. Kahit namasukang janitress, walang plano si Abigail na manatiling tagalinis ng comfort rooms habambuhay kaya kumuha siya ng crash course sa stenography habang iginagapang ang sarili n
One Night with the Boss - Chapter3 "DIYOS ko!" Muntik nang mabitawan ni Abigail ang mga dala dahil sa sobrang pagkabigla kaya dali-daling inilapag. Ang mababang metal filing cabinet ang pinakamalapit kaya doon naipatong ang coffee tray at ang stenopad. "S-sir, ano pong nangyari dito?" Ang tinukoy niya ay ang mga papeles at mga gamit na nakakalat sa sahig. Parang dinaanan ng isang buhawi ang loob ng opisina. Tinangay ang eleganteng kaayusan. Pati na rin ang liwanag. Nagmistulang kuweba dahil hindi nakasindi ang mga ilaw at hindi nakahawi ang mga kurtina. "Close the damned door!" Tarantang tumalima si Abigail. Ikinandado niya ang pinto kahit hindi iniutos. Wala ibang dapat makakita sa company president sa mga sandaling iyon. Nanlalalim ang mga matang namumula dahil sa puyat o sobrang pag-inom ng alak. Gusut-gusot ang mamahaling business suit na kulay light brown. Nakasabit la
One Night with the Boss - Chapter4 UMAGANG-umaga nang muling mayanig ang mundo ni Abigail. Mas malakas ngayon dahil siya na mismo ang sangkot. Eksaktong alas siyete nang pumanaog ang dalaga upang ipagtimpla ng kape ang sarili. Kanina pa siya gising pero hindi agad lumabas ng kuwarto dahil inilabas sa aparador ang mga isusuot para sa party. Matapos plantsahin uli, isinabit niya sa pako ang mga hanger upang hindi magusot ang palda at blusa. "Mga walanghiya kayo! Ilabas n'yo ang anak ko! Menor de edad pa 'yon. Kakasuhan ko kayo ng rape at kidnapping!" Naulinigan ni Abigail ang nagtutungayaw na matinis na boses-babae sa di-kalayuan. Ngunit dahil normal na ang gayong eksena sa squatters' area, hindi niya gaanong binigyang-pansin ang kaguluhan sa labas. Ang isip niya ay nakatuon sa mga last-minute preparations na kailangang isagawa. Wala sa sarili si Sir Liam kaya kailangan din niyang ma
One Night with the Boss - Chapter5 "SORRY." Tila nabigla rin si Liam. Agad na binitawan ang buhok ni Abigail at tumayo. Nagtungo sa tapat ng bintana at tumanaw sa labas. Parang inalisan ng oksihena si Abigail. Hiningal siya gayong hindi naman siya tumitinag sa pagkakaupo sa ibabaw ng kama. Pinilit niyang igalaw ang mga daliring nagyeyelo para ipunin at itali uli ng goma ang mahabang buhok. “Take a nap, Miss Santos.” Pormal na uli si Liam nang muling humarap sa kanya. Tinapunan lang siya ng maikling sulyap bago lumabas sa hotel room. “See you later.” Walang naisagot si Abigail hanggang sa sumarado ang pinto. Nang mapag-isa, saka lang niya inilatag sa higaan ang namimigat na katawan. Nalasing siya sa dalawang shot na brandy. Antuk na antok kaya madaling nakatulog. Hindi katulad nang mga nagdaang gabi, mahimbing at walang panaginip ang pagtulog niya. Nagising siya nang may kumatok sa pinto.
One Night with the Boss - Chapter6 KUMURIRING ang telepono kaya nabasag ang katahimikan. “Hello? Yes, Coren. Okey. We’ll be down in about ten minutes. Thank you for calling, pare.” Inilapag ni Abigail ang snifter sa center table bago tumindig. “Sunday bukas kaya cash ang ibinigay ko sa ‘yo.” Isang white envelope ang iniabot ni Liam. “H-hindi na po ako mag-a-advance, sir. May laman pa po pala ang bank account ko.” “Service fee mo ‘to bilang party organizer, Miss Santos. Tanggapin mo na,” giit ni Liam. “Pero—” “There’s no time to argue, Miss Santos. Nagdaratingan na ang mga tao sa party.” "I-itatabi ko lang po ito, sir." Tumango lang ng isa si Liam pero sinundan ng mga mata si Abigail. Hindi na niya binilang ang mga salaping papel nang ilipat sa wallet. Isiniksik iyon sa pinakailalim ng paper bag. Natataranta siya kaya nabitiwan ang cream bla
One Night with the Boss - Chapter7 KAHIT siguro may nakatutok na baril sa kanya, hindi pa rin makakapagsalita si Abigail. Wala siyang magawa kundi ang mapatitig na lang sa mga mata ng boss niya. Hindi siya makaiwas kahit na parang nahihipnotismo na siya. Paano’y napakasarap sa pakiramdam nang may nakatitig na katulad ni Liam Ramsey. Isang ordinaryong babae at hamak na sekretarya lamang siya, pero nandito siya ngayon sa harap ng isang ekstraordinaryong lalaki. Saan siya kukuha ng lakas at determinasyon para malabanan ang nanghihigop na atraksiyon? A, bakit ba tumatanggi pa siya…? Nasa gayong ayos sila nang may mag-doorbell. Hindi itinago ni Liam ang hesitasyon na lumayo sa kanya. “That must be our food. Wait for me here.” Bumulong sa isang teynga ni Abigail ang medyo paos na boses ng lalaki. Tumango lang siya. Paralisado pa rin ang dila. Isang waiter
One Night with the Boss - Chapter8 SUNUD-sunod ang pag-iling ni Abigail. Niyapos niya nang mahigpit ang mga tuhod para maampat ang panginginig ng buong katawan. “Sumagot ka!” “H-hindi po, s-sir…” Hindi matatag ang tugon ni Abigail kaya parang kulang sa sinseridad. “Don’t lie, dammit!” Mas malutong ang pagmumura ng lalaki. “Damn you, woman! Don't lie to me! Ano'ng balak mong gawin kapag nabuntis ka? Pipilitin mo akong pakasalan ka--o sisingilin mo ako ng malaking halaga bago ipa-abort ang bastardo ko?" Mala-asido ang kamandag ng bawat pasinghal na akusasyon. Tumatagos hanggang sa kaluluwa ni Abigail ang hapdi. “I-I’m s-sorry, sir…” Mali ang mga katagang sinambit ni Abigail dahil lalong nagngitngit sa galit si Liam. “Magbihis ka—at umalis ka na! I don’t wanna see your lying face again!” Napapitlag si Abigail nang mayanig ang paligid dahil sa pabagsak na pagsasara sa pinto n
One Night with the Boss - Chapter 9 WALANG imik si Liam nang lumabas sa kuwarto. Hawak sa isang kamay ang bungkos ng susi at ang black eyeshades. Doon lang sumulyap si Abigail. Hindi na siya naglakas-loob na tumingin sa mukha ng lalaki. Lalo lang kasing bumibigat ang dinadala niya kapag nakikita ang galit na nakapatungkol sa kanya. Umiral pa din ang likas na pagkagentleman dahil ipinagbukas pa ng pinto ng kotse ang dalaga. Ngunit hindi na nakipag-usap ni minsan ang amo habang minamaneho ang kulay itim na Porshe. Nanatiling nakabaling ang mukha ni Abigail sa bintana ng sasakyan ngunit ang buong pagkatao niya ay nakatutok sa lalaking katabi sa harapang upuan. Nakikiramdam siya sa bawat galaw. Naghihintay sa kahit na anong sabihin. Ipinarada ni Liam ang kotse sa tapat ng isang bangko. Sarado ang lugar kaya libreng makiparada sandali. “Hihintayin kita dito. Itago mo ang kuwintas.” Suot ng lalaki ang black sh