Share

One Night with the Boss - Chapter 2

One Night with the Boss - Chapter 2

ABALA na sa pagta-type sa computer keyboard si Abigail nang tumunog ang buzzer ng intercom. Sanay na siya sa matinis na ingay kaya hindi na nagugulat kahit katabi lamang ang mekanismo.

"Sir?" Maliksing sinagot ni Abigail ang tawag ng boss mula sa private office.

"Black coffee lang, Miss Santos," wika ng malalim at medyo paos na boses-lalaki.

Mabilis na tumalima ang dalaga sa maikling utos. Nagsalin siya ng umuusok na brewed coffee sa isang porcelain cup na may katernong platito. Inilagay iyon sa isang maliit at kuwadradong aluminum tray.

Huminto siya sandali sa tabi ng office desk upang damputin ang steno pad at isang kahon ng mga bagong tasang lapis na palaging nakahanda.

Kahit namasukang janitress, walang plano si Abigail na manatiling tagalinis ng comfort rooms habambuhay kaya kumuha siya ng crash course sa stenography habang iginagapang ang sarili n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status