DAHLIA
18th Birthday!Suot ang isang magarbong gown ay nakaupo ako dito sa silid ko. Habang hinihintay ko na magsimula ang party. Ngayon ang 18th birthday ko. Hindi ko nais ng isang magarang party pero hindi pumayag ang mga kuya ko. Ang sabi kasi ni Kuya Gavin ay isang beses lang raw ang debut. At gusto niya na maranasan ko rin ito. Mayaman ang pamilya namin pero ayoko sana na gumastos pa sila para sa akin.“Happy birthday, Dahlia.” malambing na sabi sa akin ni Kuya Gavin na kaka-pasok lang dito sa silid ko.“Thank you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Dalaga kana talaga. Pero kahit na dalaga ka ay huwag ka munang magboyfriend. Mag-enjoy ka muna bago ka pumasok sa isang relasyon. At tuparin mo muna ang pangarap mo.” saad sa akin ni Kuya.“Opo, crush lang po muna sa ngayon.” natatawa na sabi ko kay Kuya.“Anong crush?”Napalingon kami ni Kuya Gavin sa may pintuan dahil narinig namin ang boses ni Kuya Axel. Nakasimangot na naman ito at parang galit na naman. Pagdating talaga sa akin ay hindi siya ngumingiti. Palagi na lang siyang galit na para bang may malaki akong kasalanan na ginawa sa kanya.“Hahaha, naku Dahlia. Bawal pala kahit crush. Lalo na dumating na ang tatay mo este kuya mo.” Pabiro na sabi ni Kuya Gavin.“I’m serious, kuya. Hindi siya puwedeng magka-crush dahil d'yan nagsisimula ang lahat. Baka bigla na lang siyang magka-boyfriend ng hindi natin alam.” seryoso ang gwapong mukha ni Kuya Axel habang nagsasalita.“Bahala na kayong dalawa. Lalabas muna ako para puntahan si Alec.” paalam sa amin ni Kuya Gavin.Pagkalabas niya ay pareho kaming tahimik ni Kuya Axel. Parang ayaw niyang magsalita. At ganun rin ako. Kakauwi lang niya galing sa Switzerland. Doon kasi siya nag-aaral. At ngayon na naka-graduate na siya ay dito na ulit siya sa Pilipinas. Siya na kasi ang hahawak ng company ni daddy. Ayaw kasi ni Kuya Gavin dahil mas focus ito sa sarili niyang business.Ako naman ay walang balak na pumasok sa ganitong mundo. Gusto kong tuparin ang pangarap ko na maging isang fashion designer. Pero sa ngayon ay ang nais ni mommy ang kinuha kong course.5 years ago pa ang huli naming pagkikita ni Kuya Axel. Kaya mas lalong naging makisig at gwapo ang kuya ko. Sigurado ako na marami na namang babae ang umiyak sa kanya. Noon pa man ay habulin na siya ng mga kababaihan.“Are you done checking me?” tanong niya sa akin kaya napayuko ako bigla.“Sorry, kuya. Nanibago lang ako, by the way. Welcome home, kuya.” sabi ko sa kanya.“Thanks,” suplado na sagot niya sa akin.“Galit ka ba sa akin?” malungkot na tanong ko sa kanya.“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin.Hindi na lang ulit ako nagsalita. Baka uminit pa ang ulo niya kapag naging maingay o makulit ako. Mas okay na siguro na hindi na lang kami mag-usap. Walang pasabi siyang lumabas sa silid ko. Nakaramdam naman ako ng lungkot dahil hindi man lang niya ako binati.“Okay lang, Dahlia. Baka mamaya ka pa niya babatiin.” kausap ko sa sarili ko.Tuwing birthday ko ay hindi ko maiwasan na maging malungkot. Palagi kasing nakakalimutan ni mommy. Wala rin siyang balak na batiin ako. Naiintindihan ko naman. Kahit na ganun ay mahal ko pa rin si mommy. Kahit na hindi ko ramdam ang pagmamahal niya sa akin.“Dahlia, pigilan mo ang mga luha mo. Hindi ka puwedeng umiyak. Masisira ang make-up mo. Sanay ka naman na hindi binabati ng mommy mo. Kaya bakit ka iiyak ngayon?” saway ko sa sarili ko.Kahit na ganun ay masakit pa rin kasi talaga sa akin. Hindi ko nga alam kung makakarating si mommy ngayon. Dito sa Manila gaganapin ang birthday ko. Sa Hotel na pagmamay-ari ng pamilya namin.“Senyorita, magsisimula na po ang party niyo.” sabi sa akin ng isa sa mga staff namin.“Sige po, baba na po ako.” sagot ko sa kanya.Tumingin ako sa vanity mirror ko para i-check ang mukha ko. So far ay maayos pa rin ang make up ko. Tumayo na ako para lumabas na. Kinakabahan ako pero it’s my big day kaya bumaba na ako.Habang pababa ako ay nakatingin sila sa akin. Karamihan sa mga narito ay mga kaklase ko noong high school ako. At kasama na rin ang kasalukuyan kong mga kaklase. Nagsimula na ang party at 18th roses na.Ang buong akala ko ay si Kuya Gavin ang huling kasayaw ko. Pero hindi pala siya dahil ang kuya Axel ko pala. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya pero siya seryoso pa rin. Hindi siya talaga kayang itago ang emosyon niya. Pinapakita niya na parang naiinis siya sa akin.“Happy birthday,” napangiti ako dahil parang ang lambing ng boses niya kahit na seryoso ang facial expressions niya.“Thank you, Kuya.” saad ko sa kanya.Hinawakan niya ang kamay ko. Napaintad ako dahil para akong nakuryente sa hawak niya sa akin. Kaya binawi ko kaagad ang kamay ko."Are you okay?" Nakakunot ang noo na tanong niya sa akin."Y—Yeah, I'm fine." Kabado na sagot ko sa kanya.Hindi ko alam pero bigla na lang lumakas at bumilis ang t*bok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko ngayon? Sunod-sunod na tanong ko sa sarili."Gusto mo pa bang sumayaw o ayaw mo na?" Tanong niya sa akin."Gusto ko, kuya." Sagot ko sa kanya.Dahil sa naging sagot ko ay hinawakan niya ang baywang ko. Para akong hindi makahinga. Pero pilit kung pinapakalma ang sarili ko. Nagsimula na kaming sumayaw."Are you sure na okay ka lang?" Tanong niya ulit sa akin."I'm okay, kuya.""Ahmm, kuya. I missed you," hindi ko alam kung bakit ko ba 'yun nasabi sa kanya.Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata na napalunok siya."You miss me?" Balik seryoso na ulit siya."Oo naman, matagal kang hindi naka-uwi. Kaya nami-miss kita. Hindi mo ba ako miss?" Kinakabahan na sagot ko sa kanya."I missed you too," sabi niya sa akin at hinalikan niya ako sa pisngi.Pero kaagad rin kaming tumigil sa pagsasayaw. Bumalik na ako sa upuan ko. At para akong nawala sa sarili. Pasimple kong hinaplos ang kanang pisngi ko. Para saan ba ang halik na 'yun?"Tumigil ka Dahlia. Bakit ka ba nag-iisip kung para saan ang halik? Baka nakalimutan mo na kuya mo 'yun." Saway sa akin ng isang bahagi ng utak ko.Hindi ko na rin nakita si Kuya Axel. Hinanap siya ng mata ko pero hindi ko na siya nakita. Hinayaan ko na lang dahil baka umalis na siya.Masaya ang mga kaibigan ko. At pinilit ko rin na maging masaya sa araw ng birthday ko."Dahlia, mauna na ako sa room namin. Inaantok na ang baby Alec ko." Paalam sa akin ni Kuya Gavin."Sige po, good night baby pogi."Ang pogi ng pamangkin ko. Manang-mana kay Kuya. Naki-join ako sa mga kaklase ko. Gusto ko mag-enjoy ngayon lalo na birthday ko."Dahlia, ipakilala mo naman kami sa Kuya mo." Sabi sa akin ng isa kong kaklase."Sinong kuya? Si kuya Gavin ba?" Tanong ko sa kanya."Hindi siya, 'yong isa mong kuya. 'Yung kararating lang." Sabi niya sa akin."Ahh, si Kuya Axel.""Oo siya nga, ang gwapo niya kasi. Gwapo rin naman si Kuya Gavin pero iba si fafa Axel. Kapag naging jowa ko 'yun bubukaka agad ako. Ang yummy kasi niya." Parang kinikilig pa na sabi niya sa akin."Huwag na baka magsisi ka. Babaero ang kuya ko.""I like playboy," sagot niya sa akin na may pakindat pa.Ngumiti na lang ako dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. Bahala siya kung gusto niyang maging isa sa mga babae ni kuya.Nagpaalam na ang iba kong kaklase na pupunta na sila sa magiging silid nila. Dito na rin kasi sa hotel matutulog ang mga bisita ko dahil gabing-gabi na."Good night, friend." Paalam ko kay Jane. Dahil inaantok na ako."Good night, happy birthday ulit. I love you my super pretty na friend Dahlia." Makulit na sabi niya sa akin kaya napangiti na lang ako.Hindi pa ako nakabihis kaya medyo nahihirapan ako sa gown ko. May kabigatan rin kasi ito kaya dahan-dahan lang ang bawat hakbang ko. Pero habang paakyat ako pabalik sa room ko ay hindi ko inaasahan ang makikita ko.Kuya Axel is kissing a girl. Hindi lang basta halik. Dahil kulang na lang mags*x na sila dito sa hallway. Napatigil ako sa paglalakad at wala sa sariling nakatingin sa kanila. May k*rot akong nararamdaman sa puso ko. Pero kaagad ko rin itong sinupil."D—Dahlia—"Mabilis akong tumakbo papasok sa room ko dahil ayaw ko na isturbuhin sila. At baka bulyawan lang niya ako."Kailan ka kaya magbabago kuya?" Wala sa sariling tanong ko sa kawalan.DAHLIAPagpasok ko sa room ko dito sa hotel ay kaagad akong sumampa sa kama. Sa wakas ay makakapag-pahinga na rin ako. Tumayo ako para hubarin ang suot kong gown. Pero bigla may nagdoorbell kaya naglakad ako papunta sa may pintuan para silipin kung sino ang nasa labas."Kuya Axel," bumungad sa akin ang kapatid ko na ngayon ay magulo ang buhok. At alam ko na kung bakit. Malamang ay sinabunutan siya nung babae na kasama niya. Dire-diretso lang siyang pumasok sa loob sabay sampa sa kama ko."Dito ako matutulog," sabi niya sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata sa kanya. Gusto ko sanang magtanong pero nakita ko ang maleta niya na nandito.Hindi ba sila natuloy kasama niyang babae? Tanong ko sa sarili ko."Okay po," pagpayag ko dahil wala naman akong magagawa."Hindi ka ba nahihirapan sa damit mo? Bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong niya sa akin."Magbibihis na po, matulog kana diyan kuya." Sagot ko sa kanya."Okay," tipid na sagot niya sa akin at hinubad niya ang
DAHLIANakatayo ako dito sa may labas ng pintuan. Tahimik na umiiyak habang nakikinig sa kanilang dalawa. “Mahirap po ba talaga na pumunta sa Maynila, mom?” tanong ni Kuya Gavin kay mommy.“Bakit naman ako pupunta doon? Para ano?”“Mom, birthday po ni Dahlia. Kahit man po sana pakitang tao ay ginawa niyo.” saad pa ni Kuya.“Wala akong pakialam. Puwede ba hayaan mo ako!”“Ni minsan po ba ay hindi niyo talaga siya tinuring na anak?” Ramdam ko ang hinanakit ni kuya.“Ano na naman ito, Gavin?!” galit na tanong ni mommy.“Just answer my question, mom.” “Sa tingin mo ba talaga ay mamahalin ko ang bastarda na ‘yon?! Hinding-hindi ko siya mamahalin dahil siya ang nagpapaalala sa kataksilan na ginawa ng daddy mo!” sigaw ni mommy.“Pero mahal ka niya. Kahit na hindi mo siya mahal ay mahal ka ni Dahlia. Hindi mo ba puwedeng kalimutan ang lahat. Wala siyang kasalanan, hindi niya kasalanan ang ginawa sa’yo ni daddy. Kaya sana mahalin niyo rin, kahit hindi na bilang anak. Kahit bilang tao na lang
DAHLIANapasandal na lang ako sa likod ng pintuan ko pagpasok ko sa loob ng unit ko. Bakit ba ganito siya sa akin? Bakit ba siya ganito? Paulit-ulit na tanong ko sa sarili ko. Hindi ko kasi maintindihan hanggang ngayon. Alam ko na half brother ko siya pero bakit mas mahigpit pa siya kaysa kay Kuya Gavin.Nagpalit na ako ng damit ayoko na maging apektado sa kapatid ko. Gusto ko na talaga siyang kalimutan. Dahil mas lalo pa yata akong nagkakagusto sa kanya kapag pinabayaan ko ang sarili ko. Pagkatapos kung mabihis ay kumain at nanuod muna ako ng k-drama. Nang matapos ko na ang limang episodes ay tumayo na ako para magpahinga na.Papasok na sana ako sa room pero may nagdo-doorbell ng paulit-ulit sa pintuan ko kaya lumabas ako. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang nakayuko ko na kapatid. Sinalubong ako ng malakas na amoy ng alak.“Are you drunk?” naiinis na tanong ko sa kanya.“No, I’m not.” mabilis na sagot niya sa akin habang sinisinok.“Bakit ka ba nagpakalasing?” tanong ko sa kanya at
DAHLIAMaaga pa akong pumasok sa office. Pero mas maaga pa sa akin ang bagong secretary ni Kuya Axel. “Good morning, Miss Dahlia.” mahinhin na bati sa akin ni Flor."Good morning." Nakangiti rin na bati ko sa kanya.Si kuya mismo ang pumili sa kanya bilang bagong secretary. At isang linggo na lang ako dito sa company. Wala namang problema sa akin kung dumito ako. Kung puwede nga na ako na lang ang maging secretary niya ay gagawin ko. Pero ganun talaga may mga bagay na kahit na gustuhin ko ay hindi puwede. Wala naman akong masabi kay Flor dahil magaling siya sa trabaho. Maganda siya at sexy. "You know what I like, Flor. Sa tingin ko ay maayos naman siya bilang secretary ko." Sabi sa akin ni Kuya Axel habang nasa biyahe kami pauwi sa condo ko."Yeah, you're right. Mabilis lang siyang turuan at wala akong naging problema sa kanya." Sagot ko rin sa kanya.“I like her also as my—”“Stop it, kuya! You’re so gross,” naiinis na sabi ko sa kanya.“Single naman ako,” nakangisi na sabi niya sa
DAHLIA (PARIS, France)“Wala pa bang balak na umuwi dito?” malungkot na tanong sa akin ni Kuya Gavin.“Sa ngayon, kuya ay wala pa.” Sagot ko sa kanya.“Bakit?” tanong niya sa akin.“Na-miss mo na ba ako?” pabiro na tanong ko sa kanya.“Of course, lalo na si Alec. Miss kana niya,” sagot niya sa akin.“Miss ko na rin siya, kuya.” “Bakit hindi ka lang umuwi? Nakahanda na ang pinagawa mong shop.” tanong niya sa akin.“Thank you, kuya. Sasabihan kita kapag uuwi na ako. Don’t worry hindi ito magtatagal.” sabi ko sa kanya.“Okay, ingat ka diyan.” sabi niya sa akin.“I will, kuya. I miss you and I love you, kuya.” nakangiti na sabi ko sa kanya.“Love you too, bunso.” Marami ang nangyari sa pamilya namin. Lalo na kay Kuya Gavin. At sa loob ng panibagong anim na taon ay walang nagbago sa nararamdaman ko. Mas pinili ko na ilayo ang sarili ko kay Kuya Axel. Mas gusto ko siyang maging masaya sa buhay niya. At gusto ko rin na maging okay ang buhay ko.Nandito ako ngayon sa Paris. Dito ako nag-aral
DAHLIA Nang nakabalik na ako sa Maynila ay hindi na kami nagkikita ni Kuya Axel. Hangga’t maaari ay iniiwasan ko na siya dahil ayoko nang maging hibang sa kanya. Alam ko na nagtataka na siya sa akin dahil nakatanggap ako ng maraming text message mula sa kanya. Marami akong inaasikaso ngayon dahil binuksan ko na ang boutique ko. Kaya wala na akong time para sa ibang bagay. Masaya ako dahil naging maganda ang takbo ng mga pangyayari sa buhay ko. Masaya ako na bumalik na si Ate Mireya. Gusto ko siyang makita ulit pero alam ko na hindi pa puwede. “Miss Dahlia, may bisita ka po.” sabi sa akin ng staff ko. “Sin—” “Me,” walang emosyon na saad ni Kuya Axel. “K–Kuya?” nauutal na sambit ko. “Hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” tanong niya sa akin. “Hindi naman kita iniiwasan. Busy lang ako sa trabaho ko.” sagot ko sa kanya at itinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong sketch ng wedding gown. “Really?” tanong niya sa akin na alam kong naiinis siya sa akin. “I’m sorry, kuya. Hindi kasi ma
WARNING MATURE CONTENT! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS R18+. PLEASE, READ AT YOUR OWN RISK!!DAHLIAHindi ko alam kung paano kami nakarating na dalawa sa condo unit niya. Alam ko na lasing si kuya dahil hindi man lang niya ako nakilala. At ako naman ay nawala na ang pagkalasing ko sa halik na pinagsaluhan namin sa loob ng kotse. Bago kami bumaba ay hindi niya tinantanan ang labi ko. Pagpasok pa lang namin sa loob ng unit niya ay siniil niya ako ng isang maalab at mapusok na halik. Na siyang tinugon ko ng buong puso.Aminado ako na wala akong gaanong karanasan pero sinabayan ko ang bawat galaw ng labi niya. Ayoko na isipin niya na hindi ako marunong. Binuhat niya ako habang hindi naghihiwalay ang mga labi naming dalawa. Nakakapit ako sa leeg niya.Matagal ko ng pinangarap na mahalikan niya at ngayon natupad na. Naging mas agresibo pa ang bawat galaw niya. Nababangga namin ang mga gamit dito sa loob ng unit niya pero wala kaming pakialam at patuloy lang kami sa paghahalikan.“Kan
DAHLIA Alam ko na naging disperada ako kagabi. Pero tapos na at wala na akong magagawa. Kusang loob kong binigay ang sarili ko kay Kuya Axel. Ipinagkaloob ko ng walang pag-aalinlangan. At wala akong pagsisisi na naramdaman. Mahal ko siya at kahit sa isang gabi lang ay maramdaman ko ang pagmamahal niya. Nagising ako kanina na masama ang pakiramdam ko. Pero pinilit ko pa rin bumangon kahit na masakit ang nasa pagitan ng hita ko.Halos isang oras rin akong nagbabad sa warm water dito sa bathtub ko. I do my research at nakakatulong daw ang maligamgam na tubig para mabawasan ang sakit at pamamaga. Pakiramdam ko ay nalamog ang buo kong katawan. Lumabas na ako sa silid ko dahil dumating na ang pagkain na pina-deliver ko.“K—Kuya,” nauutal na sambit ko dahil nasa tapat siya ng pintuan ko.Kaagad siyang pumasok sa loob at hindi man lang ako pinansin. Hinayaan ko na lang siya. Sakto rin na dumating ang pagkain. Pagpasok ko ay nakahiga siya sa sofa ko.“Kumain kana ba, kuya?” Tanong ko sa kanya